''I'm sorry Sophie,'' mahinang sabi ni Pete habang ginagamot ko ang pasa niya. Napangiwi siya ng dampian ko ng bulak na may alcohol ang bibig niyang may sugat. Dinala kami ni Gab sa bahay nila, kasama si Pol, at Wenna na hindi umalis sa tabi namin ni Pete.
''Nasa bahay na daw si Mark sabi ng Daddy niya,'' ani Pol. Nakatayo siya sa living room at nakatingin sa amin habang hawak ang cellphone. Nakahinga ng maluwag si Wenna.
''Good, akala ko kung saan na pumunta iyon,''.
Pumasok si Gab sa living room. ''Guys, gusto nyo bang magdinner muna? 8pm na,''
Napatingin ako sa wristwatch ko. Hindi pa ako nakapagpaalam sa bahay.
''Don't worry, tinawagan ko na si Tito. Pinagpaalam na kita,'' ani Pete. Ngumiti lang ako pero hindi sumagot. ''Kumain muna kaya tayo?'' tumayo si Wenna mula sa kinauupuan naming couch.
''Sige, mamaya na..'' tugon ko. Pakiramdam ko may sasabihin si Pete sa akin. Saglit na tinitigan kami ni Wenna, saka walang imik na tumalikod. Naiwan kami ni Pete sa living room.
''I'm sorry,'' ulit niya. Huminga ako ng malalim, pinagpatuloy ko ang pagdampi ng bulak sa sugat niya.
''SOphie..''
''Bakit ka nagsosorry?''
''sa nangyari..''
''Wala kang kasalanan,Pete''
Hindi siya sumagot. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko.
''Kahapon, akala ko bumalik si Shiela,''
Natigilan ako. ''Alam mo kung anong ginawa ko?''
tumingin siya sa akin., May lungkot sa mga mata niya,pero nakangiti siya.
''Niyakap ko siya, and told her i missed her so much,''
''Pete..'' nakaramdam ako ng awa sa kaibigan ko.
''Natauhan lang ako nung sabihin nya na siya si Wenna.''
Kaya pala ganun ang itsura niya kahapon.
''Kinausap ako ni Wenna, tapos may binigay siyang letter..''
Last letter daw ni Shiela, inihabilin sa kapatid bago siya mamatay. Nagulat ako ng bigla ulit siyang umiyak.
''Hoy, ano ba.. Tama na nga iyan,'' pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya.
Pinunasan niya ang mata at tumingin sa akin. Kinuwento niya na una niyang nagustuhan si Wenna noon, pero masyadong ilag sa kanya dahil mahiyain, at tutok sa libro.. Si Shiela daw dati ang lagi niyang nakakausap, at iyon nga, nadevelop sila.
Lumipas ang mga araw, iniwasan na ako ni Mark. Nasaktan ako, oo.. Pero kung kakausapin lang sana niya ako, mawawala lahat ng hinanakit ko. Pero ganito.. Kailangan ko na nga yatang tanggapin na hanggang doon lang kami. Hindi pwede..
Paunti unting bumalik sa dati si Pete, at paunti unti kong napapansin, na may kakaiba sa kanya.
Nasagot lang iyon ng kausapin niya ako isang hapon ng sabado sa park.
''Okay ka na?'' usisa ko sa kanya habang nakaupo kami sa bench.
''Oo..''
Napalingon ako sa kanya. Sumeryoso siya at tumingin sa akin.
''May iba na akong gusto,'' nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
''Ikaw iyon Sophie,''
Natigilan ako at hindi kaagad nakasagot.
''Nagjojoke ka ba?''
Hinawakan niya ang kamay ko.
''I'm serious,''
Dahan dahan kong hinila ang kamay ko na hawak niya..
''Magkaibigan tayo eh..''
Saglit siyang natigilan, kapagkuway pilit na ngumiti.
''Hindi naman ako humihingi ng kapalit,''
Hindi ako sumagot.
''Gusto ko lang sabihin sa'yo, but don't worry, it's okay''
Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko. Pero anong magagawa ko? Hindi ko pwedeng pilitin ang sarili ko kay Pete.. Oo, gwapo siya, mabait, matalino.. Pero hindi ko siya gusto :( Pumasok sa isip ko si Mark. Kumusta na kaya siya?
''Iniisip mo si Mark?'' napatingin ako kay Pete. Pilit siyang ngumiti at ibinaling sa mga batang naglalaro ang paningin.
''Mahal mo siya?''
Hindi ako makasagot. Gusto kong sabihin; OO! MAHAL NA MAHAL KO SIYA! Pero mahirap.. Una, nasaktan ko si Pete, pangalawa, umasa akong mahal ako ni Mark, pero nagkamali ako.
Ako ang talo.. Hindi na dapat ako sumugal ng ganito.
''17th birthday ni Wenna sa saturday,'' pang iibang paksa ni Pete ng hindi ako sumagot.
''Wala namang pasok sa sat hanggang monday, sumama ka,''
''Saan?''
''Cebu,''
''CEBU?!''
bulalas ko. From Manila to Cebu pa ang biyahe namin? Para lang sa birthday?
Tumango si Pete. ''Magpeplane tayo friday night para mas madali,''
PLANE pa?!
''Naku, hindi ako sasama. Nakakahiya naman, saka hindi naman ako ininvite ni Wenna eh,''
''Pinapasabi niya. Hindi niya kasi alam number mo, hindi ko binigay'' tumawa siya.
''Kahit na. Mga mayayaman sigurado ang mga bisita niya. Ayoko,''
Tumayo si Pete mula sa bench. ''Bahala ka, tatawagan ka talaga nun.Makulit iyon kala mo,''
Sabay nagring ang cellphone ko.
''See?'' tumatawang sabi ni Pete.
Si Wenna nga ang tumawag, at kinukulit akong sumama.
''Please Sophie? Akong bahala sa'yo, kung gusto mo, puntahan ka namin ni Pete this night para ipagpaalam ka,''
Napabuntunghininga ako sa kakulitan niya.
''Sige,ipagpaalam moko''
''YES!''
Naisip ko si Mark kung sasama ba siya na ganito ang sitwasyon namin.. Nina Pete.. nina Wenna..
*Sigh* Bahala na..

BINABASA MO ANG
SOPHIE (LOST)
Short StorySiya si Sophie..Isang ordinaryong estudyante na may nagiisang kaibigan sa school. Okay na sana eh, pero biglang dumating si Mark.. Ang suplado at mainitin ang ulong guitarist ng Lost. Papaano niya ihahandle ang ganitong sitwasyon? Napapagitnaan siya...