Pete's story

48 2 0
                                    

Binuksan ko ang maliit na bag na binigay ni Mark, at tumambad sakin ay isang rosary., Parehong pareho ng bigay ni Tatay. Tinignan ko siya habang naglalakad siya palayo.  Nilagay ko sa bag ang rosary at nagmamadaling umuwi. 

Nadatnan ko si Tatay na nanonood ng TV, si Nanay nagluluto sa kusina. Matapos makapag mano, umakyat ako sa kwarto ko at nagbihis.

''Tay,'' tinabihan ko siya sa kinauupuan niyang sofa. Sa awa ng Diyos ay wala namang nangyari sa kanya nung masira ang rosary. Singkuwenta'y dos na si Tatay, mataba siya at may masayahing mukha. 

''Naalala mo yung rosary na sinabi ko sayo? Yung nasira?'' 

''Oo, bakit?'' Nakatutok parin ang tingin niya sa TV. Hindi siya nagalit nung sinabi ko sa kanya na nasira yung binigay niya sakin. Hindi ko naman daw sinasadya, huwag ko na daw sisihin yung kaklase ko dahil aksidente yung nangyari. ''Pinalitan po nung classmate ko,'' 

Napalingon agad si Tatay sa akin, pinakita ko iyon sa kanya. Tumawa siya.

''Aba'y okay pala yang kaklase mo,'' kinuha niya iyon mula sa kamay ko. Nakangiti parin siya.

''Buti sana kung sa quiapo ka lang makakabili ng ganito,pero sa Italy pa''

''Tay,hindi ko naman sinabing bilhan niya ko niyan eh,''

''bakit hindi mo siya imibitahan dito? Ng makilala naman namin,'' SI Nanay. Nakikinig pala samin. Nakangiti din siya habang nakatingin sa aming dalawa ni Tatay.

''Nay naman!'' sumimangot ako. ''Bakit ko ipapakilala iyon, hindi ko naman boyfriend!''

''Sinabi ko bang boyfriend mo?,'' humagikhik si Nanay. 

''Eh si Pete lang naman kasi ang kilala kong kaibigan mo sa school,''

''Hindi ko kaibigan si Mark, Nay'' napakamot ako ng ulo. 

''Bakit ka niya binigyan ng rosaryo na galing pa sa ibang bansa?'' si Tatay. 

Pinaikot ko ang eyeballs ko. Ang kulit ng mga magulang ko.

''Sige na anak, gusto ko din na magpasalamat sa kanya ng personal,''

Seryoso si Tatay. ''Tay, sinira niya yung binigay mo. Natural lang na palitan niya iyon,''

Kinuha niya ang remote ng tv at nilipat ang channel. Nanood ng Teleserye ni Judy Ann.

''Humingi ba ng paumanhin sa'yo?,''

Tumango ako. Nagflash back sa utak ko ang itsura ni Mark kanina. Nung tumawa siya. First time kong nakita si Mark na tumawa ng ganun.. first time na may lalakeng humawak ng kamay ko ng ganun lang.. Buti nalang tumalikod kaagad si Mark kanina, kung hindi makikita niya na namumula na ang buong mukha ko sa hiya.. at nerbyos. God. *_* 

''Nakakahiya Tatay eh. Hindi naman kasi kami close ni Mark, si Pete nalang ulit,'' ngumiti ako. Ngumiti din si Tatay. ''Kumusta na ba iyong batang iyon? Hindi na napapadpad dito?,'' Narinig namin ang pagtawag ni Nanay sa kusina. Tumayo ako, pati si Tatay. Pinatay niya ang TV bago naglakad papunta sa kusina.

''Busy sa practice,Tay. Alam mo naman iyon, varsity''

''Sa birthday ng Tatay mo, sabihin mo pumunta dito. Pagluluto ko ng kare kare,''

Si Nanay. Napangiti ako. Mahal nilang dalawa si Pete. Magmula elementary palang kasi ay napunta na iyon dito sa bahay. Nagdasal ako at nagpasalamat bago kumain. Kahit ganun na hindi kami mayaman gaya ng iba, pinagpapasalamat ko parin na okay si Tatay, at masaya kaming tatlo. :)

Ilang araw na hindi ulit kami nagpapansinan ng seatmate ko. Hindi ko alam kung pa'no magpapasalamat sa kanya, at kung pa'no siya haharapin. Sabagay mas mabuti narin iyong ganun para iwas gulo.. Pero hindi naman ako ganun ka ungrateful para isnabin siya ng ganun lang. Hays. Ansakit lang sa ulo :(

SOPHIE (LOST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon