Revelations..

27 2 0
                                    

Pinayagan ako nina Tatay at Nanay na sumama, pero binilinan ako na everyday ko silang tatawagan at itetext. Sinundo ako ni Pete, dalawa lang daw kaming bibyahe dahil nauna na sina Wenna.

Mabilis lang pala ang biyahe, at first time ko sumakay ng eroplano. Libre daw lahat ni Wenna ang plane tickets.. Grabe lang. O.o

Sa isang malaking townhouse kami tumuloy. Townhouse daw, pero mukhang resort sa sobrang laki.

Bukod doon, malapit iyon sa dagat. Sinalubong kami ni Wenna.

''Where's your dad?'' usisa ni Pete pagkatapos kaming i'beso beso'. 

''Sa Manila pa. Bukas pa sila dadating ni Mommy,'' bumaling sa akin si Wenna at ngumiti. 

''Ihahatid kita sa room mo,'' 

Napakaluwang ng kwarto na iyon, binuksan ko ang bintana, tumambad sa akin ang malamig na simoy ng hangin galing sa dagat.. May mga ilaw sa labas, tanaw ko ang maluwang na garden nina Wenna, may pool pa. Nakaramdam ako ng panliliit. Simple lang akong tao, pero nandito ako ngayon sa isang marangyang bahay para makibirthday bukas sa isang anak mayaman na kakilala.. Na kaibigan ng mga kaibigan ko.. na mayayaman din.. na kaibigan ng lalakeng gusto ko.. na mayaman din.

Hays. Sinara ko ulit ang bintana at bumalik sa kama, inayos ko ang mga damit ko at nilagay sa closet na tinuro ni Wenna kanina.

Tinawagan ko sina Nanay at Tatay para ipaalam na nakarating na ako. Naalala ko si Mark.

Ilang weeks ko na din siyang hindi nakakausap, kumusta na kaya iyon? :(

Tinitigan ko ang cellphone ko.. at wala sa sariling idinial ang number niya.

Pero bago ko pa man mapindot ang call button, kinancel ko na iyon.

'Hindi ka niya gusto Sophie, si Shiela ang mahal niya, hindi mo ba naiintindihan iyon?'

Napapikit ako. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Tumayo ako at binuksan ulit ang bintana, 

napatingin ako sa baba ng may marinig na boses doon. Nakita ko ang dalawang pares na naglalakad sa garden, si Wenna.. at si Mark.

Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila,pero nakita ko ang pagngiti ni Mark.. that smile, 

namiss ko ang ngiting iyon.. 

Nagulat ako ng bigla siyang tumingala at napatingin sa akin. Gulat din siya, pero kapagkuway inalis ang tingin sa akin at pinagpatuloy ang pakikipagusap kay Wenna. Sinara ko ang bintana at dumapa sa kama, binuhos ko doon ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Kinabukasan,busy ang lahat sa pagpeprepare. Inilabas ko sa closet ang damit na susuutin ko mamayang gabi. Napasimangot ako. May kumatok sa pinto, si Wenna.

Napatingin siya sa damit na nakapatong sa kama. 

''Iyan ba susuutin mo mamayang gabi?''

Tumango ako. Tinitigan nya ang damit saka siya ngumiti. Alam kong pati siya hindi nagustuhan ang damit na iyon. Kulay pink at mahaba, at may mga koloreteng bulaklak na akala mo aabay sa kasal.

Wala kasi akong damit na pansosyal.

''May extra akong dress, if you want?''

''Ha?''

Ngumiti siya at lumabas ng kwarto. Pagbalik niya may mga dala na siyang damit at sapatos.

May iniabot siyang red na summer dress sa akin. Simple lang iyon at magaan.

''Isuot mo,''

''Pero Wenna..''

''Cmon,'' tinulungan pa nya akong isuot iyon. 

SOPHIE (LOST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon