Pete

98 1 0
                                    

'Hindi ako naniniwala sa fate, destiny at soulmates. Ang mundo ay binubuo ng mga pangyayaring random na kaganapan..'

Napangiti ako sa binabasa ko. BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO? ni Ramon Bautista. Hindi ako inlove, at bukod kay Joseph Vincent (na isang sikat na singer sa Youtube), wala akong crush. At oo, weird ako, wala akong crush sa school sa kadahilanang alam kong walang mangyayari at masasaktan lang ako. Nung lumabas ang book ni Sir Ramon, hirap ako sa paghahanap, nakipag unahan ako sa National Bookstore para lang makabili. Gusto ko si Sir Ramon dahil pakiramdam ko, binibigyan niya ng hustisya ang mga katulad kong hindi biniyayaan ng kagandahan at coolness.

''Hoy! Taba!''

Napapikit ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Lumingon ako, nakita kong papalapit ang bestfriend kong si Pete sa'kin. Ang luwang ng ngiti na parang nang aasar. 

''Taba!'' Ulit niya. Well, nang aasar nga.

Binalik ko ang tingin sa hawak kong libro at hindi sumagot. Kunwari wala akong narinig. Naka indian sit ako, katabi ang bag ko.

''Hoy!''

''Oh?'' tinignan ko siya. Nasa harapan ko na ang kaibigan kong malakas mambwisit. Si Peter Advincula.. Kaibigan ko magmula elementary , at hanggang ngayong 4th year highschool na. Varsity ng basketball team, nasa honor list, gwapo. Kung hindi ko lang siya classmate magmula elementary, siguro isa rin ako sa mga babaeng iisnabin niya sa school. 

''Aba, ansungit natin ah'' 

Hindi ako sumagot at tinuloy ang pagbabasa. Wala ako sa mood makipagbiruan kay Pete ngayon, lalo na tinawag niya kong taba sa corridor. Geez.

''Uy,Sophie!,'' 

Hindi pa rin ako sumagot. Tinabihan nya ko sa pagkakaupo, at biglang pinatong ang kamay sa librong hawak ko.

''Kulit mo naman Pete!'' asar kong sabi at tinabig ang kamay niya. Tumawa siya, yung tawa niya pag alam niyang nabubwisit na ako.

''Sorry na,'' 

Tinignan ko siya. Ngumiti, lumabas ang dalawang maliliit na dimples nya. Eto yung pamatay na ngiti nya eh. 

''Ansungit mo ngayon, sige na, libre kita,''

''Ayoko ng shake.'' Kunwari galit parin ako. Pero joke yun :DNarinig ko ulit ang tawa niya, hinawakan niya ang braso ko at hinila patayo. ''Tara na nga, kulit mo,'' 

Napangiti ako, ang bait lang ng kaibigan kong 'to. Pogi na nga, magaling pa manlibre.

Samantalang ako, ordinaryong estudyante lang. Hindi ganun katalino, hindi ganun kaganda, hindi marunong mag ayos, walang talent, walang hilig sa sports, hindi famous,at malakas kumain.. Hindi gaya ni Pete. Nung una nagtataka ang ibang estudyante dahil ako lagi ang nakikita nilang kasama ni Pete.. Nilait lait ako, kesyo ampangit ko daw, bakit daw ako dumidikit kay Pete. Eh hindi naman talaga ako ang dumidikit, siya iyong dumidikit sa'kin.Pero sino ba naman maniniwala dun? Wala namang nagkakagusto sa'kin, ni hindi ko nga naranasan magka boyfriend, hindi ko man lang naramdaman na may nagkakagusto sa'kin. Si Pete lang, nanlilibre at binibigyan ako ng pagkain,pero dahil kaibigan nya ako. 

''isa ba sa'yo?'' usisa niya nung nasa canteen na kami.

''Malamang,'' tugon ko. 

''Malay ko, baka kulang sayo yung isa,'' 

''Tss. Dalian mo, ang init eh.''  

Binilhan nya ko ng strawberry, at chocolate sa kanya. Nanlalaki ang mata ko nung ibibigay na nya sakin yun.

''Oh, eto.'' inabot sakin ang shake.

''sungit sungit mo, nililibre ka na nga''

Dali dali kong sinipsip yun. 

SOPHIE (LOST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon