« Three »
Sobrang nag enjoy talaga ako ngayong araw.Pumunta kasi kami sa Enchanted Kingdom.Sinakyan namin lahat ng rides doon.
"I thought masusuka ako kanina nung bumaba na tayo sa ferris wheel,dad.Buti na lang hindi.Aist!Nakakahiya kaya 'yun!" Nandito na kami sa bahay pero hindi parin ako maka get-over sa mga naganap kanina.Ganun talaga e sa nag enjoy ako ng todo weh.
" Sabi ko naman sa'yo nak,kayang kaya mo 'yun.Ikaw pa,matapang ka kaya.Manang mana ka kasi sa daddy eh!" Proud na proud na sabi ni dad.
" Naman dad." sabay akap ko sa kanya then dad hugged me too.
" Tama na nga muna iyang yakapan na 'yan.Hala sige na pumunta na kayo sa mga kwarto niyo at para makapag bihis na kayo tsaka para makatulog nang maaga iyang si Farrah.Maaga pa ang pasok niyan bukas." Si tita talaga panira ng moment.We're having a moment eh!Wechat lang ang peg?
" Okey po tita." Tumayo na ako sa pagkakaupo sa sofa. " Good night dad.Good night tita." Hinalikan ko sila pareho sa right cheek nila pagkatapos ay iniwanan ko na sila sa sala at dire-diretsong naglakad papunta sa room ko.
Pagkatapos kong linisin ang aking katawan at magbihis ng pang bahay ay nahiga na agad ako sa kama ko.
Tok..tok..tok..
" Farrah?"
" Come in dad." binuksan niya ang pinto.Naglakad siya patungo sa akin at umupo sa gilid ng kama ko.
"Pwede ba akong matulog katabi ang baby Farrah ko?" Narinig ko na naman ang baby na 'yan.Hay!Ang Kulit talaga ni dad.Anyway,wala namang ibang taong nakakarinig kaya okey na lang din.
" Yes of course,pwedeng pwede po dad," nakangiti kong sabi sabay umisod ng higa para may space si dad na mahihigaan.Nahiga na siya sa tabi ko.
" Farrah,may sasabihin sana si daddy sa'yo." Ramdam ko ang lungkot sa boses ni dad.Bakit kaya?
" What is it dad?" Napa buntong hininga muna si daddy bago siya muling nagsalita.
" Baby,kailangang pumunta ni daddy sa abroad.Kailangan ko kasing magwork para sa future mo.Gusto kong matupad mo ang pangarap mong maging isang doctor someday."Nawala ang mga ngiti ko sa labi napalitan ito ng lungkot.Nakakalungkot isiping iiwan ako ni dad.
" Pero bakit po sa abroad ka pa magtatrabaho dad?Pwede naman dito na lang sa pilipinas diba?" sabi ko sa malungkot na tono.
" Mas maganda kasi ang offer sa akin dun.Ayoko sanang iwan ka anak pero i need to do this for you,for your future.Did you understand me baby?" Naiiyak na talaga ako.Ayokong umalis si dad pero hindi ko naman siya pwedeng pigilan diba?Daddy ko siya kaya syia parin ang masusunod tsaka kaya naman siya magta-trabaho sa abroad para sa kapakanan ko eh.
Hindi ko na napigilan ang luha ko kaya tuluyan na itong bumagsak sa magkabilang pisngi ko.
" Don't cry baby." Pinunasan niya ang luha ko sa pamamagitan ng kamay niya. "Tumingin ka sa mga mata ni daddy." tumingin naman ako sa mga mata ni dad.
"I promise..na lagi kitang tatawagan tapos madalas tayong mags-skype para lagi mong makikita ang the most awesome daddy in a whole wide world mo.Ano good ba 'yun sa'yo baby?" Itinaas niya ang right hand niya kaya napatawa ako ng konti.Para namang nagpapanatang makabayan si dad.
" Dad talaga.Opo good 'yun sa akin." Natatawa kong sabi sabay yakap sa kanya. " Basta dad mag-iingat ka dun ha? 'Wag na 'wag mong pababayaan ang sarili mo."
" Oo naman baby,ikaw pa e malakas ka ata sa 'kin."Dad hugged me tightly.After a few minutes ay naghiwalay na din kami sa pagkakayakap sa isa't isa.
" Sige na baby matulog na tayo.Remember,maaga pa ang pasok mo bukas."
"Okey po.Good night dad."
"Good night baby..Sleep well."Dad gave me a kiss in my forehead.Kinumutan niya ako then ayon unti unti nang pumipikit ang aking mga mata.
**
Sa mga sumunod na mga araw ay naging masaya ako.Lagi kasi akong sinusundo ni dad sa school pero wala siyang dalang sasakyan,nagco-commute kami siyempre.Remember poorita na kami.Naibenta na lahat ng sasakyan namin at pati pala yung bahay namin ay naibenta narin.Yung perang nabentahan ng bahay ang ipinambayad ni dad sa utang niya dun sa gangster na Lester na 'yun.
Sa saturday na ang flight niya.Wednesday ngayon kaya two days na lang.Two days na lang kaming magkakasama ni dad.Pag magkasama kami ni dad ipinapakita ko sa kanya na masaya ako pero pag ako na lang mag-isa hindi ko namang maiwasang maging malungkot kasi alam kong konting araw na lang e magkakahiwalay na kami,na magkakalayo na kami sa isa't isa.
To be continued. .
BINABASA MO ANG
A Brutal REVENGE of a Rape Victim ®®
General FictionA brutal REVENGE of a rape victim is coming SOON. . *devilish smile* -- it's me, FARRAH