Chapter six -

1.5K 14 8
                                    

« Six »

Naalimpungatan ako dahil sa pagkakatumba ko sa sahig.Nakatulog pala ako ng nakaupo.Tumayo ako at inunat unat ang mga braso.Lumabas ako ng kwarto at dire-diretsong naglakad papuntang kusina para uminom ng tubig.Naalala ko ang nangyari kagabi.Umiling iling ako.Ngayon pa ba ako matatakot e matagal na kaya akong namumuhay mag-isa.Huminga ako ng malalim.Napatingin ako sa wall clock. Alas cuatro pa lang pala ng madaling araw.

Naglalakad na ako palabas ng kusina para bumalik sa kwarto ko para matulog ulit pero napatigil ako sa paglalakad ng makita kong may nakaupong lalaki sa sofa.

" Sino ka?!Panu ka nakapasok dito?!" Pinilit kong maging matigas ang boses ko.Nakangisi niyang itinaas ang maliit na patalim.Siguro yun ang ginamit niya para mabuksan ang pinto.

Tinungga niya muna ang bote ng alak na nasa kabilang kamay niya tsaka siya nagsalita. " Secret." aniya sabay halakhak na parang demonyo kaya napaurong ako ng bahagya.

Maya maya pa ay may tumulak ng pinto at iniluwa doon ang dalawa pang lalaking magkasunod na naglakad papasok.Yung unang lalaking pumasok ay may dala dalang baseball bat habang nakangisi,yung pangalawang lalaki naman ay may hawak hawak na camera at busing-busy sa pagvi-video sa kabuoan ng bahay ko at minsan ay itinatapat niya sa akin ang camera.

" Dan!Danny boy!Pumasok kana dito,bilisan mo!" sigaw nung lalaking may dalang camera habang nakatingin sa pintuan.Nakita kong may pumasok na isa pang lalaki habang eto ay nakayuko at nilalaro laro ang mga rubber bands na nakalagay sa kanyang wrist.

Nilapitan at inakbayan nung lalaking may dalang baseball bat yung Danny "Diba sabi mo crush mo ang babaeng yan?" Nakangisi niyang sabi at tinuturo ako. "Chance mo na 'to Danny boy..bilis,lapitan mo tapos halikan mo!" natatawa niyang sabi habang tinatapik tapik ang left shoulder nung Danny at pagkatapos ay itinutulak niya ito papalapit sa akin.

" A-ayooko Mi-mike..na-nahi-hiya ka-kasi si a-ako." Nagkakandabulol bulol na sabi nung Danny habang nakayuko parin.Sa tingin ko ay maigsi ang dila nito dahil sa nahihirapan itong bigkasin ng tama ang mga sinasabi niya.Sabay sabay na nagsipagtawan ang tatlo.

Natatakot na talaga ako pero hindi maaaring manguna ang takot sa aking dibdib.Kailangan kong ipakita sa kanila na matapang ako.Wala na akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko.Ang sarili ko lang!

" Ano bang kailangan niyo?!Gusto niyo ba ng pera?!" Tumigil sila sa pagtawa.

"Sige,ibibigay ko lahat ng perang merun ako basta pagkatapos kong ibigay umalis na kayo.Iwanan niyo na akong mag-isa." Pilit ko paring itinatago ang takot na namumuo sa dibdib ko,pinipilit kong maging matapang.Tumingin lang sa akin yung tatlo.

Naglakad na ako papasok sa kwarto at nakasunod lang sa'kin yung lalaking may dalang camera.Lahat ng kilos ko ay vini-videohan niya.Naisip ko sana kanina na pagkapasok ko ng kwarto ko ay bigla ko etong isasara at ila-lock pero paano ko gagawin yun kong nakasunod sa akin itong isang lalaki?No choice,kaya lumabas na lang ako ng kwarto ko at iniabot ko yung wallet ko dun sa lalaking may dalang baseball bat.Siya kasi ang unang kong nakita pagkalabas na pagkalabas ko kaya sa kanya ko ito iniabot.

Tinignan nya ang laman at tumawa siya ng malakas.Yung tawang nakakaloko.Nabigla ako ng ibinato niya ang wallet sa may likuran ko.Ano ba ang kailangan nila sa'kin?Kung hindi pera?Ano?

Naalala ko tuloy yung nangyari kay bolt kagabi kaya bigla akong nakaramdam ng takot.Sila ba ang pumatay kay bolt?Kung ganun balak din ba nila akong patayin?

" Hindi namin kailangan ang pera mo ms. Farrah Morgan," sabi nung lalaking may dalang bote ng alak tapos sabay silang tumawang dalawa.

" Pa-pano mo na-nalaman ang pangalan ko?!" nauutal kong saad.

"Secret." sabay na sabi nung dalawa.

"Parang awa niyo na.umalis na kayo dito!Please,Iwanan niyo na akong mag-isa!" sabi ko sa basag na boses.Hindi ko na talaga kaya pang itago ang nararamdamang takot.

Lumabas yung lalaking may dalang camera sa kwarto ko at nakita kong may dala dala siyang bra.Inihagis niya ang bra, sinalo naman nung lalaking nagngangalang Mike pagkatapos ay inamoy amoy niya ito.

Lumapit sa akin yung lalaking may dalang alak.Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa habang panay parin ang tungga ng alak na hawak niya.Nakapantulog lang akong damit. Pants na asul at maluwag na puting damit ang suot suot ko ngayon.Buti na lang mahaba ang buhok ko kaya hindi pansing wala akong suot na bra.

" Inumin mo 'to!" sabay abot sa'kin nung dala dala niyang bote ng alak.

" Ayoko!Please umalis na kayo dito..umalis na kayo," naluluha kong sambit.

" Iinumin mo ba ito o gusto mong sumunod sa aso mo?" Lalo pa akong natakot ng makompirma kong sila nga ang pumatay sa aso ko--kay bolt.Dahil sa takot kaya kinuha ko na lang ang bote at nilagok ang alak.

"Iyan lang?Ang konti naman ata nun John!" sabi nung lalaking may dalang camera habang nakatutok parin ang camera nito samin.Dinakma nung lalaking nasa harapan ko ngayon ang magkabilang pisngi ko at pinisil ito ng malakas kaya napahiyaw ako sa sakit.

" Madami dapat ang inumin mo.Gusto ko makalahati mo ang laman ng alak dito sa bote,intindi?!" wala akong nagawa kundi ang sundin ang gusto niya.Umiiyak na tinungga ko ang alak at nung nakalahati eto ay inagaw sa'kin nung lalaki at inilapag ito sa lamesa.

" Woah.. ang galing!" sabi nung Mike sabay palakpak pa.

Bumalik ulit sa direksyon ko yung John. " Gusto kong makita ang ngipin mo!" nakangisi niyang sabi.

To be continued. .

A Brutal REVENGE of a Rape Victim ®®Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon