<< Twelve >>
[ Mike's POV ]
Isang buwan na rin ang nakalipas mula nung mangyari ang panghahalay namin kay Ms. Morgan at hanggang ngayon wala paring nakakaalam sa ginawa namin sa kanya.Wala parin silang kaide-idea na patay na ang Farrah na iyun.
"Yooo..let's partyyy!!" sigaw ni John pagkapasok namin sa loob ng disco bar.Simula ng makuha at pinagparte-parte na namin ang tatlong milyong ibinayad sa amin ni boss e halos gabi-gabi na kaming nakatambay sa bar na ito.Madami kaming pera kaya lulunurin naming apat ang mga sarili namin sa alak at siyempre manchi-chix na rin.Woo!Daming mga nagse-sexyhang bebot sa paligid.
Pagkaupong-pagkaupo, isang bucket agad ng beer ang inorder namin.Buti na lang hindi ko na isinama pa si Danny boy.Masyado na kasi akong BI(Bad Influence) sa isip batang yun,baka mamaya magsumbong pa yun kay tita,malilintikan ako pag nagkataon!Buti na nga lang uto-uto ang isang yun kaya sinusunod nya lahat ng mga sinasabi ko sa kanya.Tsk!
"Hello gorgeous ladies," si Miller na mabilis na nilapitan ang dalawang nagse-sexyhang bebot sabay hapit sa beywang ng mga ito.Hanep!Ganyan ang mga 'the moves' ng lokong iyan.Maya-maya pa akay-akay niya na yung dalawang bebot papunta dito sa table namin,pinaupo nya ang mga ito at inorderan ng drinks na gusto ng mga ito.
Dahil sa ako'y biniyayaan ng perpektong katawan at mukha kaya hindi ko na kinakailangang maghanap pa ng chix--dahil alam na alam kong kusa silang lalapit sa akin.Malakas ang sex appeal nito mga tsung,pang mr. pogi ang dating!"Hi handsome!"Familiar sa akin ang boses.Iniangat ko ang paningin ko para masiguradong siya nga itong bumati sa akin.Hindi nga ako nagkamali,si Kim nga talaga.Kinindatan niya ako kaya nginitian ko siya.
"Ah..can i sit here?" sabi niya na nakaturo sa katabing bakanteng upuang katabi ko habang taglay ang mapang-akit niyang boses.Mga babae talaga!Napangisi ako.Ramdam kong matagal na akong pinag-nanasaan ng Kim na'to.tsk!Anu pa nga bang magagawa ko e sa talagang gwapo at malakas talaga ang charisma ko sa mga babae kaya pagbigyan na lang.
"Sure,"nakangiti kong saad.Tumayo ako,inilahad ko ang kanang kamay sa harap niya at inalalayan ko siyang makaupo.Ganyan talaga ang modus ko--ang maging gentleman sa una para makuha ko ang gusto ko.Pag natikman ko na ang babaeng 'to?Goodbye na lang sa kanya!
"Iyan ang 'the moves'," chorus pang sabi nung tatlo sabay tawa.Mga mapang-asar!Pagkatapos ko silang ngisihan ay itinuon ko na ang pansin ko sa magandang babaeng katabi ko.Bahala muna kayo diyan,magpapakabusy muna ako sa bebot business ko.
"Hey dude!Maghanap naman tayo ng chix para sa atin..Papayag kabang malamangan na lang tayo ng dalawang iyan?" Inggitero talaga 'tong si John kahit kailan.Psh!E di maghanap sila ng babae nila,wala namang problema dun.
"Loko!Siyempre hindi no!Tara,maghanap na tayo."Hinila ni Sheriff si John papunta sa mga nagkukumpulang babae sa may dance floor.Buti na lang in good terms na ang dalawang gago ngayon kaya sweet na ulit sila.Parang mga chix amputek.Pweh!
Maya-maya pa nakita ko na lang na may kanya-kanya na silang mga kapartner.Napangisi na lang ako ng makita ko si John na dalawa ang kahalikang babae.Imba talaga gagong John na yan!Ang bilis din talaga sa mga chix eh.Napailing na lang ako.
Bumalik ang atensyon ko sa babaeng katabi ko nung bigla na lang siyang yumakap sa braso ko.
"Hey!Sumayaw naman tayo."Bumitiw siya sa pagkakayakap sa braso ko.Tumayo siya at hinila ako sa gitna ng dance floor.Sumayaw kami ng sumayaw hanggang sa magsawa kami.Kanina ko pa nararamdamang puno ng malisya ang mga haplos at tingin niya sa akin.Nakikita ko sa mga mata niya na may gusto pa siyang ibang gawin.Alam na alam ko kung anu iyun kaya wala na akong sinayang pang oras.
BINABASA MO ANG
A Brutal REVENGE of a Rape Victim ®®
Ficción GeneralA brutal REVENGE of a rape victim is coming SOON. . *devilish smile* -- it's me, FARRAH