Chapter Sixteen-

1K 20 6
                                    

>> Sixteen <<

Hinawakan ko ulit ang mukha ni Danny at gigil na gigil na sinampal-sampal ito."Hindi sa ganitong paraan ang gusto kong maging kamatayan mo,dahil ang gusto ko mas malupit pa dito!"Kinuha ko sa ibabaw ng lamesa ang tali at agad ko siyang hinila papunta pabalik sa kwartong nilabasan niya.

Oo,dinala ko siya dito sa bahay ko sa kadahilanang wala naman akong ibang pagdadalhan sa kanya kundi dito lamang.Doon ko sana siya dadalhin sa dati naming bahay pero nagdadalawang isip ako dahil baka andun parin si Lewis kaya mas pinili kong dito na lang siya dalhin.

Pagkapasok namin sa kwarto,pabalibag ko siyang binitawan kaya napasubsob siya sa sahig na semento.Nagmamadali siyang bumangon at pinipilit na isiksik ang sarili sa gilid ng lumang aparador habang bakas ang takot sa kanyang nakakairitang pagmu-mukha .Nilapitan ko siya, mabilis kong tinalian ang kamay at paa niya.

"So-sorry."Hindi ko siya pinansin.Hindi ako maaawa sa kanya.Kahit ilang milyong sorry pa ang sabihin niya,hinding hindi na mabubuo pa ang pagkatao ko.Hindi mabubura ng 'sorry' lang ang ginawa nila sa akin.Sila ang may kasalanan kong bakit napuno ng poot at galit ang puso ko kaya nararapat lamang ito sa kanya.Ngayon na!..ngayon na ang tamang panahon para sa aking paghihiganti!

Pagkatapos kong isara ang pinto,tinungo ko agad ang pinakagitna ng kwarto at kaagad kong hinila ang carpet na humaharang sa secret door papunta sa ibaba-sa underground.Noong isang araw ko lang natuklasan na may underground pala ang bahay na ito.

Iniangat ko ang kahoy na nagsisilbing harang at tumambad sa akin ang hagdan papunta sa ibaba.Nilapitan ko ulit ang isip batang si Danny at inalis ang tali niya sa paa."Tumayo ka diyan!"

"Sa-saan mo da-dalhin Da-danny?"Nahintakutan niyang saad habang nanginginig pa ang katawan na halatang dahil sa takot.

"Sa impyerno!"Nakangisi kong wika sabay hila ng nakatali niyang kamay at sinimulan ko na siyang hilahin pababa sa hagdan-sa underground.

"A-ayaw ko su-sumama,a-ayaw!Mo-mom!"Aniya sa naiiyak na boses habang ako naman ay patuloy parin sa panghihila sa kanya.

"Tumigil ka nga!Ang ingay eh!Psh."Lalo pa siyang pumalahaw ng iyak at wala parin siyang tigil sa kakabanggit sa mommy niya.

Pagkatapos kong kapain at i-on ang ilaw ay kinaladkad ko ulit siya papunta sa direksyon ng pahabang lamesa at sapilitang inihiga doon.

"A-ayaw ko di-dito."Kinuha ko ang bimpo sa bulsa ko at agad na ipinasak sa nakakairita niyang bunganga.Napaka ingay ng isip batang ito.Psh.

Hinigpitan ko ang pagkakatali ko sa kanya sa ibabaw ng lamesa.Nang masigurado ko ng hindi na siya makakawala sa pagkakatali ay agad ko siyang iniwan,nilapitan ko ang isang lumang cabinet at binuksan ito,kinuha ko ang nasa loob nito.Napangiti ako habang nakatingin sa bagay na nasa mga kamay ko ngayon.

A Brutal REVENGE of a Rape Victim ®®Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon