Chapter Seventeen-

946 18 9
                                    

>> Seventeen <<

Patuloy na may tumutulong luha mula sa aking mga mata habang patuloy parin ako sa pagkukuskos ng sabon sa aking mga kamay,pakiramdam ko kasi napaka dumi ng mga kamay ko.Pinatay ko siya.Nakapatay ako,isa na akong mamamatay tao..pero bakit ganito ang nararamdaman ko?Bakit nakokonsensiya ako?Hindi ba dapat maging masaya na ako ngayon dahil sa wakas unti-unti ko na ring naisasakatuparan ang paghihiganti ko?Ah!Hindi ito maaari!

Hinawakan ko ang ulo ko at sinabunutan ang sariling buhok.Oh c'mon Farrah,stop crying!He deserve it!He deserves to die!Tama!Nararapat lamang siyang mamatay.

Hinilamusan ko ang mukha ko at hinayaang tumulo ang tubig mula roon.Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin,hinaplos ko ang mukha ko.Ibang iba na ako ngayon,hindi na ako ang dating ako na mabait at masayahin.Ang nasa harapan ko ngayon ay isang babaeng puno ng galit ang puso-babaeng handang pumatay para makamit lamang ang hustisyang nararapat para sa kanya.

Sumapit ang alas cuatro ng hapon nang maisipan kong lumabas muli ng bahay.Bago ako lumabas ay pumasok muna ako sa kwarto ko,kinuha ko ang notebook na nakapatong sa ibabaw ng closet ko at binuklat agad ito.Napangisi ako nang mabasa ko mula roon ang address ng isa sa mga taong malapit nang mabura sa mundong ibabaw.

Pagkatapos kong pilasin ang papel ay inilagay ko ito sa bulsa ng pantalon ko.Isinuot ko ang leather jacket at sumbrero ko.Lumabas na ako ng kwarto at dire-diretsong pumunta sa kinaruroonan ng motor.Sumakay ako sa motor ni Clyde at pinaandar na ito.

**

[ John's POV

"Pare,nakita ko talaga siya sa bar kagabi.Sinundan ko pa nga siya nung lumabas siya,hindi talaga ako maaaring magkamali eh,siya talaga iyon.Siya nga si Ms. Morgan."Sabi ko kay Miller,andito kasi ako sa bahay niya.Pangatlong beses ko nang sinabi ito sa kanya-sa kanila pero pinagtatawanan lamang nila ako.Hindi sila naniniwala sa akin.

"Nagpapatawa ka ba talaga pare?"Natatawang inakbayan ako ni Miller."Patay na si Ms. Morgan,sigurado ako doon.'Yung nakita mo kagabi e dala lamang iyon ng kalasingan mo kaya kung anu ano na lang ang mga nakikita mo."Tinapik niya ang balikat ko.Naglakad siya papunta sa direksyon ng ref,binuksan niya ito at kumuha ng beer in can sabay hagis ng isa sa akin.Mabuti na lang at good catcher naman ako kaya nasalo ko ito.

A Brutal REVENGE of a Rape Victim ®®Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon