>> Eighteen <<
Itinabi ko ang motor sa gilid ng kalsada.Kinuha ko ang isang pilas ng papel na nasa bulsa ko.Pagkatapos kong mabasa ang nakasulat sa papel ay tumingala ako.Napangiti ako nang makita ko ang nakasulat na 'Welcome to Santana Subdivision'.Ito na nga ang address niya.Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa,binuhay ko ulit ang makina at pinaandar ito papasok sa nasabing Subdivision.Hinanap ko ang 13B Venus Street at nalaman kong nasa pinakadulo pala ito.
Ilang minuto pa ang nakalipas,nakita ko na din ang bahay niya.Lumapit ako sa gate ,maingat kong binuksan ito at dahan dahang naglakad papasok.Mabuti na lamang at nasa pinakadulo itong bahay niya kaya kaunti pa lang ang mga nakatira dito.Kadalasan kasing mga bahay na nadaanan ko kanina ay mga hindi pa gawa.Lumapit ako sa bintana at sumilip ako sa loob.Nakita ko silang dalawa sa sala habang nakaupo sa sofa at nag-uusap.
Napangisi ako habang maingat na inaakyat ang pangalawang palapag gamit ang ladder na nakita kong nakasandig sa bakod ng bahay nila.Matagumpay akong nakaakyat sa terrace nila at kaagad kong tinungo ang sliding glass door habang nananalangin na sana hindi ito nakalock.Napangisi ako nang mapag-alaman kong hindi ito nakalock.
Wala na akong sinayang pa na oras,pumasok ako sa loob at lalo akong napangisi nang mapagtantong kwarto pala ng lalaking iyon ang napasok ko.Kung sinuswerte ka nga naman,oo.Nagsimula na akong hanapin ang pakay ko.Hinalughog ko ang closet,cabinet at drawer na nakita ko dito sa kwarto niya.Ilang minuto pa ang lumipas nang sa wakas nakita ko din ang hinahanap ko,dinampot ko kaagad ito at inilagay sa backpack ko.
No sweat.Walang kahirap-hirap akong nakalabas sa bahay niya.Itinigil ko ang motor ko sa parke nitong subdivision,umupo ako sa bakanteng bench sa parteng gilid-sa walang gaanong tao at binuksan ang backpack ko.Kinuha ko ang video camera,pumili sa apat na memory cards na nakuha ko kanina at pinanood ang mga nakasave na video.
Tatlong memory cards na ang naisalang ko pero puro videos ng kung anu anong animals at mga nage-strip tease na babae na sumasayaw sa intablado ang mga napanood ko.Mga walang kwenta!Itinapon ko ang tatlong memory cards at inapak-apakan ang mga ito.Tumigil lang ako sa pag apak nung nakita kong sira na ang mga ito.Padabog kong ibinalik ang videocam at ang natirang memory card sa bag ko.
Bumalik ako sa bahay niya at nagmasid.Madilim na nang makita kong lumabas ng bahay yung kaibigan niya,ayon sa pagkakatanda ko,John ang pangalan ng lalaking iyon.Nung medyo malayo layo na siya ay kaagad ko siyang sinundan.Nakakahalata na ata siyang may sumusunod sa kanya dahil panay ang lingon niya kaya panay din ang pagkukubli ko sa mga kahoy at halaman sa gilid ng daanan.Nakita kong huminto siya sa isang bahay at may kinuha siya sa kanyang bulsa.Binuksan ko ang bag ko at kinuha ko ang nakabalot pa sa plastic na isang panyo,panyo na nilagyan ko ng pampatulog.Mabilis na mga hakbang ang ginawa ko papunta sa direksyon niya.Inilagay ko sa ilong sakop hanggang bibig niya ang hawak kong panyo.Ilang segundo lang ang lumipas nang mawalan siya ng ulirat.
**
"Bu-buhay ka?"Wika ni John pagkamulat na pagkamulat niya ng kanyang mga mata.Sinigurado ko kasing sa pagmulat ng mga mata niya ay mukha ko kaagad ang masisilayan niya.
Nilapitan ko siya habang nakangisi.Tinusok tusok ko ang kaliwang pisngi niya gamit ang hintuturo ko. "Ano sa tingin mo,John?"Ngumisi pa ako lalo.Nakita kong nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong nakatali pala ang mga kamay at paa niya.
"Nasaan ako?Bakit ako nakatali?Anong gagawin mo sa'kin?"Sunod sunod niyang tanong sa akin."Pakawalan mo ako dito!"Dagdag pa niya.Ano siya sinuswerte?No way!No freaking way!
BINABASA MO ANG
A Brutal REVENGE of a Rape Victim ®®
General FictionA brutal REVENGE of a rape victim is coming SOON. . *devilish smile* -- it's me, FARRAH