« Four »
" Sure ka bang hindi ka na sasama sa paghatid sa daddy mo sa airport,Farrah?" Sinabi ko kasi kila dad at tita kagabi na hindi na ako sasama sa airport.Ayoko kasing makitang umalis si dad.
Ang alam ko kasi mas nalulungkot ang taong iniwan kesa sa taong nang iwan.Am i right or tama ako?wala kayong choice. .yes!I am right!
" Yup tita,sure na po ako." Pilit akong ngumiti. I've decided na 'wag na lang sumama kasi baka umatungal ako dun na animo baka o kaya naman maglumpasay akong parang namatayan.Diba nakakahiya 'yun?Di joke lang!
Ayoko lang talagang sumama kasi alam ko sa sarili ko na iiyak lang ako tsaka baka kasi hindi na tumuloy si dad sa pag alis kapag nakita akong walang tigil sa kangangalngal.Ganun kasi ako kamahal ni dad eh.
Nakita kong lumabas na si dad sa kwarto niya habang hila hila ang maleta niya.
" Rey,andiyan na si mang Lito." Si tita na nakasilip sa bintana.Taxi driver kasi si mang Lito,siya ang maghahatid kila dad sa airport.
Lumabas na kami sa bahay.Nakatayo lang ako sa may gate namin at malungkot na nakamasid kila dad at mang Lito na bising-busy sa pag aayos ng mga bagahe sa compartment ng taxi.
"Farrah,i-lock mo ang pinto pagkaalis namin.Babalik lang ako agad okey?"
" Okey po tita." Pagkatapos niyang marinig ang sagot ko ay naglakad na siya at pumasok na sa taxi.
" Farrah." Tawag ni dad sa akin na pilit na nakangiti. " Come here baby." Nakatayo siya sa may taxi habang nakabukas ang dalawa niyang mga braso.Dahan dahan akong naglakad papunta kay dad.
" Dad," mangiyak ngiyak kong sambit.Niyakap muna ako ni dad tapos hinawakan ang magkabilang braso ko at iniharap sa kanya.
" Ang baby ko talaga.Hmm..wag ka nang umiyak."Pinunasan ni dad ang mata ko."Basta,'wag ka munang magbo-boyfriend anak ha?" Ngeks! Boyfriend daw?Grabe naman si dad ang bata bata ko pa para magka-boyfriend noh!
" Daddy naman eh." I pouted. "Ang bata bata ko pa po para magkaboyfriend." Alam ko namang binibiro lang ako ni dad para hindi maging malungkot ang atmosphere namin dito.
Pinisil niya ang ilong ko. " Ang cute cute talaga ng baby ko pag nakapout."Ngumiti siya ng bahagya." Sige na baby,aalis na kami.Mag-iingat ka lagi ha?" sabay gulo ng buhok ko.
" Opo dad.Mag-iingat ka din po doon." Tumango lang si dad.Binuksan niya na ang pinto ng taxi at akmang papasok na nang tawagin ko ulit siya.
"Dad." Nilapitan ko siya at agad na niyakap. " I will miss you dad." I sniffed. "I love you po!" Dad gave me a big big hug.
" I will miss you too baby." sabi ni dad sa basag na boses. " ..and i love you too." Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at agad na pumasok sa kotse.Ini-start na ni mang Lito ang makina.Nakita kong ikinaway pa ni dad ang kamay niya.Kumaway din ako kasabay ng mga luhang nag uunahang umagos sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
A Brutal REVENGE of a Rape Victim ®®
General FictionA brutal REVENGE of a rape victim is coming SOON. . *devilish smile* -- it's me, FARRAH