>>Fifteen<<
Nakangiti akong bumangon sa higaan ko,ininat ko ang dalawa kong braso at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko.Sumilip ako sa bintana,madilim pa pala.Tumingala ako para tignan ang wall clock,4:30 pa lang ng madaling araw.
"Hum..hum.."pahum-hum pa ako habang nagpiprito ng hotdog at sunny side up egg para sa breakfast ko.
Ang ganda talaga ng gising ko ngayon,masyado kasi akong nag enjoy sa lakad ko kagabi.Napangisi ako nang maalala ko ang mga mukha nila.Ang sarap sa pakiramdam na makita ang shock at naiinis nilang pagmu-mukha.Trial pa lang yung ginawa ko kagabi kaya dapat na silang maghanda para sa totoong larong tatapos sa mga buhay nila.
Pagkatapos kong mag breakfast ay naligo agad ako at nagbihis dahil balak kong puntahan ang dati naming bahay,may gusto lamang akong kuning mga bagay na mahalaga sa akin.Sinuot ko muna ang sumbrero ko bago lumabas ng bahay.Naisipan kong maglakad na lamang papunta doon sa kadahilanang malapit lang naman ito.
Medyo maliwanag na nang makarating ako sa bahay.Sa likod na gate ako dumaan para siguradong walang makakakita sa akin.Naglakad-lakad ako at pinagmasdan ang paligid nito.Madamo at punong-puno na ng tuyong dahon ang paligid ng bahay.Nilapitan ko ang flowering box at nakita kong lahat ng roses na nakatanim doon ay mga natuyo na,pati yung mga pinakamamahal kong euphorbia plant hybrids ay patay na rin lahat.
Malungkot kong iniwan ang flowering box at nagsimula ng pumasok sa loob ng bahay.
Hindi na ako nagtataka kung bakit sira na ang harapang pinto dahil sinira na ito ng mga demonyong lalaking bumaboy sa akin.Pagkapasok ko sa loob muli ko na namang naalala ang madilim kong nakaraan.Gigil na gigil kong ikinuyom ang magkabila kong kamay.Hindi ako titigil hanggat hindi ko kayo napapatay!naibulong ko.
***
Pagbukas ko ng kwarto ko mga nakangiting mukha nila dad,tita at mom ang agad na bumungad sa akin.Nilapitan ko ang lamesa kung saan nakapatong ang mga picture frame nila na medyo malabo na ang mga frame dahil sa alikabok na nakadikit sa mga ito.Umupo ako sa kama ko.
"Hello po dad,mom at tita."Isa isa ko silang tinitignan habang may tipid na ngiting sumilay sa aking mga labi. "Ang tagal nating hindi nagkita-kita noh?. .Alam niyo po,miss na miss ko na kayo."Para akong baliw na kinakausap ang tatlong picture frame na nasa harapan ko.Kinuha ko ang mga ito at niyakap ng mahigpit.I missed them so much!
Muli kong pinagmasdan ang mga picture nila sabay haplos sa mukha nila dad at mom.
"Dad,mom,nasaan na po ba kayo?Bakit hanggang ngayon hindi niyo parin ako binabalikan?. .hindi niyo na po ba ako mahal?"basag na boses kong saad."Dad,mom,please come back to me..balikan niyo na po ako please?please."pagpapatuloy ko ngunit kasabay nito ay ang tuluyang pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Nahiga ako sa kama ko ng nakabaluktot habang yakap parin ang mga picture frame ng taong mahalaga sa buhay ko.Patuloy parin ako sa paghikbi.Kung sakaling bumalik si dad at mom,siguro ako na ang pinakamasayang tao sa mundong ito.
***
Naalimpungatan ako dahil sa naramdamang kamay na masuyong hinahaplos ang kanan kong pisngi.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang malabong mukha ng nakaputing lalaki habang ito'y nakangiti sa akin.Ilang segundo pa ang lumipas hanggang sa naging malinaw siya sa paningin ko.Napangiti ako ng malapad nang makilala ko siya.
"Dad!"wika ko sa napakasiglang boses.Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at agad ko siyang niyakap ng napakahigpit.
"Dad..dad!I missed you so much dad."Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya kaya hinigpitan din ni dad ang pagkakayakap niya sa akin.
BINABASA MO ANG
A Brutal REVENGE of a Rape Victim ®®
General FictionA brutal REVENGE of a rape victim is coming SOON. . *devilish smile* -- it's me, FARRAH