Chapter Nineteen-

1K 21 12
                                    

>>Nineteen<<

[ Mike's POV ]

"Mike,bumangon ka diyan!Mike!"Kahit hindi ko idilat ang mga mata ko,batid kong si tita Danica ang dakilang istorbo sa tulog ko.

"Hmm.."tugon ko.Sobrang inaantok pa talaga ako dahil sa madaling araw na ako nakauwi.Sobrang na-bad trip talaga ako sa nangyari sa akin kagabi.Kung naabutan ko lang siguro ang gagong bumato sa akin?Paniguradong pinag lalamayan na siya ngayon.

Dahil sa malapit lang naman ang condo ni Kim sa bar na iyon.Pinaunlakan ko na lamang ang paanyaya niyang pumunta doon upang magamot ang sugat ko.

"Aba!Tirik na tirik na ang araw nakahilata ka pa rin diyan?Hala,bangon!"Pagpapatuloy niya.Kahit kailan talaga napakaingay nitong si tita."Malilintikan ka talaga sa akin kapag hindi ka pa bumangon diyan!Isa!"Itinalukbong ko ang kumot lagpas sa aking ulo.

"Dalawa!"Naknang!Kailan ba magbabagong buhay itong si tita Danica?Lagi na lang siyang maingay na parang manok--putak ng putak.Likas ba talaga sa mga babae ang pagiging mga maiingay?Geez!

"Michael Angelo Salvador!"Kailangan pa talagang banggitin ang buong pangalan ko?Sakit sa tenga!Tsk!

"Babangon na ho,"humihikab kong wika habang tamad na tamad na bumabangon.Nakakainis naman talaga 'tong si tita oh.Natutulog ang tao eh.Psh.

"Pagkatapos mong kumain at maligo,ihatid mo 'yung order na cake ni Mrs. Jenzen Ramirez at pati na din ang cookies ni Ms. Suzilya Du.Hala!Sige na,kilos na."Pagkatapos niyang sabihin 'yan ay kaagad siyang lumabas ng kwarto ko.Tumayo na ako at dire-diretsong tinungo ang banyo para maghilamos.

Oo alam ko sa sarili ko na isa akong gago pero pagdating kay Tita Danica tumitiklop ako.Sinusunod ko ang mga utos niya sa tuwing inuutusan niya ako.Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang nagpalaki at nag aruga sa akin.Siya ang tumayong nanay ko simula nang mamatay ang nanay ko--na kapatid niya.Mahal ko si tita,pati na din ang nag-iisa kong pinsan na si Danny.Sila na lamang kasi ang natitira kong kapamilya kaya hindi ko ata kakayaning pati sila ay mawala din sa akin.

Eight years old pa lamang ako noon nang maulila sa ina.Namatay ang mama ko dahil sa pambu-bugbog ng walang kwenta kong ama.Nakakulong ngayon ang gago kong ama kaya sa puder ng nakakatandang kapatid ni mama ako napunta,sa puder ni tita Danica.Mabait naman si tita.Sadyang matigas at sutil lang talaga ako kaya ganyan siya kaingay sa akin.Manang mana ata talaga ako sa tatay kong tarantado.

"Oh ito,gamitin mo na ang sasakyan para makabalik ka kaagad."Iniabot sa akin ni tita ang susi ng owner type jeep niya."Aalis ako maya maya para tumao sa shop ko kaya dapat makauwi ka kaagad,walang kasama dito ang pinsan mo,"pagpapatuloy niya habang maingat na inilalagay sa magkahiwalay na plastic ang nakakahong cake at cookies."Andiyan na sa loob ang mga resibo nila,hintayin mo na lang ang bayad,"dagdag pa niya.

Tumango ako bilang pag sang-ayon sa mga sinabi niya.Lumabas na ako ng baking room niya habang labit labit ko sa magkabila kong kamay ang dalawang plastic.Mabuti na lang at hindi na niya napansin pa ang sugat ko sa ulo dahil kung oo,tiyak na mahaba-habang seremonya na naman ang magaganap nito.

Natanaw ko sa sala si Danny.Nakaupo siya sa sofa habang nanonood ng TV.Natawa ako nang makita kong spongebob pala ang pinapanood niya.Isip bata talaga 'tong pinsan ko."Mike,saan ikaw pupunta?"Nabubulol niyang tanong sa akin.

"May kukunin lang ako sa labas,"pagsisinungaling ko.Pag sinabi ko kasing magde-deliver ako nitong cake at cookies,sigurado sasama na naman iyan sa akin.

A Brutal REVENGE of a Rape Victim ®®Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon