Chapter Fourteen-

1K 14 4
                                    

<< Fourteen >>

[ Clyde's POV ]

Iniwan ko ang motor ko kay Farrah para merun siyang service kapag gusto niyang lumabas.Napangiti ako ng maalala ko kung gaanu siya kagaling magpatakbo ng motor.Ang bilis niyang magpatakbo at ang ganda ganda niyang pagmasdang nakangiti habang nakasakay sa motor ko.

Beep* beep*

Napatigil ako sa pagbabalik tanaw dahil sa malakas na busina ng sasakyang nasa harap ko.Andito na pala ang pinsan ko.

"Anu insan nasabi mo na ba kay Farrah?" wika ni Sed pagkasakay ko sa kotse niya.Tinawagan ko kasi siya kanina at pinakiusapang sunduin ako,buti na lang hindi siya busy ngayon kaya agad n'ya naman akong pinuntahan.

"Hindi pa nga insan eh,"kakamut-kamot sa ulo kong sabi.

"Ang hina mo talaga kahit kailan insan," iiling-iling niyang saad. "Kailan mo balak sabihin sa kanya ang totoo ha hanky boy?!"natatawa niyang dugtong.Kailan ko nga ba sasabihin?Tch!Hindi ko rin alam eh.

"Ewan ko saiyo.Tsk!Sige lang,pagtawanan mo lang ako. .uupakan na talaga kita diyan."Pabiro kong inipit ang leeg niya sa braso ko.Hanky boy ang pang-asar niya sa akin dahil naikwento ko na sa kanya na ako iyung batang laging umaabot ng hanky kay batang iyakin--na si Farrah pala.

"Wuy,mababangga tayo."Oo nga pala nagda-drive siya."Psh!Binibiro lang eh."dagdag niya pa.Hindi ko na lang siya pinansin.Hays!Natatakot talaga ako sa magiging reaksyon ni Farrah kapag sinabi ko sa kanya ang totoo.Baka magalit yun sa akin tapos layuan niya ako..hindi ko ata kaya yun!Hindi ko kayang magkahiwalay na naman kami sa pangalawang pagkakataon.Napabuga na lang ako ng hangin,umayos ako ng upo at nagpaka-busy sa pagmamasid sa labas ng bintana.

Isang buwan na din ang lumipas mula ng malaman ko ang lahat lahat patungkol kay Farrah.Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit sobra akong interesado sa tunay na pagkatao ng babaeng natagpuan namin sa tabing ilog.Maybe because she's familiar with me and . .its just that naaalala ko sa kanya si batang iyakin--ang kauna-unahang batang babaeng naging kaibigan ko.

Dahil sa curiosity kaya naghire ako ng PI(Private Investagator) pero sana pala hindi ko na lang ginawa iyun.Dahil sa paghire ko ng PI kaya nalaman ko ang lahat--lahat lahat tungkol sa pamilya niya.Natuwa and at the same time ay nalungkot/naawa ako.Natuwa kasi nakompirma kong s'ya nga ang batang matagal ko nang hinahanap.Nalungkot at naawa kasi nalaman kong mag-isa na lang s'ya sa buhay tas naging biktima pa s'ya ng gang-rape ng mga demonyong lalaki iyun.Pero,pero ang mas nakakalungkot ay ang huli kong natuklasan.

Naalala ko pa dati nung ibinigay sa akin ng PI ang envelope na naglalaman ng mga pictures ng family ni Farrah.Nakangiti pa ako nun habang pinagmamasdan ang mga pictures niya nung bata pa siya,siya nga..siya nga ang batang iyaking madalas kong makita noon sa parke na nasa loob lang din ng subdivisiong tinitirhan namin dati.

Ipinagpatuloy ko ang pagtingin-tingin sa mga pictures hanggang sa nakita ko ang nakangiting picture ng daddy niya.Ang daddy nyang nag-ngangalang Carlos Rey Morgan.Nanlaki ang mga mata at kasabay nito ang pagbitaw ko sa litratong hawak ko dahil sa pagkabigla.Hindi ako maaaring magkamali.Siya yung lalaking nakita ko noon--nakita ko sa lumang bahay na nasa likod ng mansion namin.Fourteen years old pa lang ako noon at tandang tanda ko pa ang mga pangyayari.

= FLASHBACK =

Sunday ngayon.Day-off ng iba pa naming kasambahay kaya kami lang ni nana Betchay ang tao dito sa bahay.Wala si dad.Wala din ang kapatid kong si Chandra dahil nasa states sila,isinama kasi siya ng mommy niya--si tita Cess, ang second wife ni dad.

A Brutal REVENGE of a Rape Victim ®®Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon