Chapter Twenty One-

1.3K 27 9
                                    

>> Twenty One <<

Hindi mawala ang ngiting tagumpay sa aking mga labi habang binabaybay ang daan papauwi.Napapangiti ako sa tuwing sumasagi sa isip ko ang hitsura ng John na iyon.Kampante akong walang makakarinig sa kanya kahit pa lumabas na ang litid sa leeg niya kakasigaw doon.Nasisigurado ko ring hindi niya kayang makalagan ang sarili niya sa pagkakagapos dahil sa kalagayan niyang iyon.

Wala akong makapang awa at pagsisisi sa aking dibdib.Masaya ako.Natutuwa akong makita mismo ng dalawa kong mga mata ang bawat sakit at paghihirap sa mga mukha nila.Laging namumutawi sa aking isipan na ang ginagawa kong ito ay nararapat lamang upang maramdaman din nila ang sakit at paghihirap ko noon sa mga kamay nila.Napangisi ako.Tingnan na lang natin ngayon kong gagana pa ba ang pagiging hambog ng John na 'yon kung unti unti nang pinapapak ang laman niya ng mga ipis,langgam at daga.Hmm..paniguradong matutuwa ang mga iyon kapag natagpuan ang sugatan,duguan at manamis namis niyang katawan.hahaha

Pagkapasok ko sa bahay ay doon ko lang naramdaman ang matinding pagod kaya kaagad kong inalis ang backpack ko at inilagay ito sa ibabaw ng lamesita.Pabagsak kong iniupo ang sarili ko sa single sofa sabay patong ng dalawa kong paa sa katabing upuan.Masyadong napagod ang katawan ko sa mga ginawa ko ngayong araw na ito pero kahit na gano'n e hindi nababawasan niyon ang kasiyahang nadarama ko.

Ilang minuto din ang pinalampas ko bago ako tumayo at tinungo ang banyo upang maligo.

Kasalukuyan kong tinutuyo ang aking buhok gamit ang tuwalya nang mahagip ng mga mata ko ang backpack.Kinuha ko ito at binitbit papunta sa kuwarto ko.Inilabas ko ang camera at isinalpak doon ang natitirang isang memory card,in-on ko ito at kaagad na nag select ng isa sa mga videos na nakasave doon.

Unang bumungad sa akin ang naka close-up na kuha ng mukha ni John habang may hawak na maliit na nakarolyong papel at sinisinghot singhot ito."'Wag mo ngang itapat 'yan sa mukha ko,pare."Wika niya sabay harang ng kamay niya sa lense ng camera kaya saglit na dumilim ang video.Maya maya pa ay mukha na ni Gary ang nakita ko na anino'y inaantok ito.Pagkalipas ng ilang segundo ay mukha naman ni Miller ang lumabas sa video na halata namang siya ang nakahawak ng camera.Nakangiti siya habang kumakaway pa.

"Fvck!Stop it!"Sigaw ni John dahil muling ipinukos ni Miller ang camera sa mukha niya.

"Woah.Easy dude."Natatawang saad ni Miller pero sinamaan lang siya ng tingin ni John."Okey,okey..hindi na ako magvi-video,"pagpapatuloy niya.Sa tingin ko ay inilapag ni Miller ang camera niya sa lamesa na may kababaan lamang kaya tanging kalahati na lamang ng katawan nila ang nakikita ko.

"Oh ayan na pala si Mike.Kumusta ang lakad,pare?Nakita mo na ba ang si Ms. Farrah Morgan?"

"Oo naman yes,Sheriff."Bakas sa boses niya ang tuwa.

"Oh di naniniwala ka na din sa 'kin?Sabi ko naman sa'yo hindi tayo lugi sa babaeng 'yon."Wika ni Sheriff.

"Anong hitsura,pare?Maganda ba?Sexy?Hot?"Kahit hindi ko nakikita ang mga mukha nila,sa tingin ko ay si Miller ang nagsasalita.

"Hindi ka naman atat niyan,pare?Hahaha..Isa isa lang,mahina ang kalaban eh."

"Psh.Ano nga pare?Sabihin mo na kasi para masimulan ko na siyang pagnasaan sa isip ko."Puno ng malisyang saad ni John.

Nagtawanan sila.

"Loko!Huwag mo munang pairalin 'yang kalibugan mo,pare.Pigilan mo muna 'yan sa ngayon dahil wala pa akong narereceive na go signal mula kay boss."Si Sheriff.

"Sa'n ka pupunta,John pare?"Natatawang saad ni Mike. "Huwag mong sabihing..pupuntahan mo siya?"Pagpapatuloy pa niya.

"Ano pa nga ba!Ayaw mo namang sabihin sa 'min eh."

A Brutal REVENGE of a Rape Victim ®®Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon