Prologue: Say Something

241K 5.6K 1.1K
                                    

I was having a very nice dream that night. I was in Corregidor, inside the Malinta Tunnel, watching the Filipino and American Soldiers fight for their lives. It was amazing. Parang naroon talaga ako. I know that it's a dream because I am born in the century where democracy was a thing and when women can vote already.

It is a dream. But that dream was cancelled because of that annoying sound coming from my phone. I was sure that it is my phone because I'm in a dream. I'm a genius, so I know the difference of a dream and a reality.

A dream is an imaginary series of events that we experience in our minds while we are asleep. While reality refers to real nature of things rather than imaginations, invented or theoretical ideas. And sometimes reality is unpleasant.

Just like my reality right now.

I opened my eyes and looked for my phone. Kasabay nang pagkapa ko sa phone ko ay ang pagbukas ko ng lampshade ko.

My phone kept on ringing. I yawned.

"Ate, sagutin mo na iyan..." Napatingin ako kay Violet na nakadapa sa tabi ko. She slept beside me last night because she got scared of the thunder and lightning. I shook my head and answered my phone.

"Lo?" I yawned again. I felt tears on my eyes. Napakamot pa ako sa ulo ko. "Lo?"

"Blue."

I don't know why I couldn't recognize the voice on the other line. Maybe because I was still half-asleep.

"Blue!"

"Hmmm?"

"Blue gumising ka. Si Mon ito."

"Hmmm?"

"Blue!"

May narinig akong busina ng sasakyan sa kabilang linya. Minulat ko ang mga mata ko.

"PUTANG INA MO! ALAS KWATRO NANG UMAGA GIGISINGIN MO AKO! NASAAN KA NANG MABARIL KITA SA BUR MONG 'TANG INA KA!"

"Kaya nga kita ginising. Puntahan mo ako. Nandito ako sa airport."

Nawala ang lahat ng antok ko. Nanlalaki ang mga mata ko.

"Tang ina! Umaano ka sa airport?!"

Narinig ko siyang napabuntong-hininga. "Wala. Nainip kasi ako. Naglinis ako ng eroplano."

"Ulol! Pupuntahan kita! Nayayamot ako sa'yo!"

"Ate! Ang noisy mo..." Reklamo ni Violet habang nakapikit pa rin. Hindi ko na lang siya pinansin. Lumabas ako ng silid ko na suot ang strawberry short cake themed kong pajama. Patakbo akong lumakad sa hallway. Nasa dulo lang kasi ang master's bedroom kung saan naroon si Mama at Papa. Ayokong magising sila dahil hindi na ako makaalis.

Kagat-labi kong hinanap ang susi ng Panamera Porsche ni Papa. Ayokong gamitin ang kotse ko. Hindi ko gusto ang kulay niya. Mas gusto ko itong Porsche ni Papa. Kulay Blue.

Pasakay na ako sa kotse nang makita kong naka-paa lang ako. Babalik sana ako sa bahay nang mapansin kong bukas ang ilaw sa silid nila Papa. Baka gising sila kaya agad na lang akong sumakay ng kotse at ni-start ang makina.

Mas gusto kong mag-drive ng nakapaa. Mas dama ko iyong clutch. Inihinto ko ang kotse sa tapat ng gate namin para mabuksan iyon. I was so lucky that my parents weren't awaken by the noises I made.

Or they're just too tired... baka namitas na naman ng manga si Papa or whatever.

Mabilis akong nagmaneho palabas ng village. Nag-aalala ako. Anong ginagaawa ni Solomon sa airport? Saan siya pupunta? Kinakabahan ako sa gagawin niya. Sa kabila nito ay nakakaramdam ako ng pag-aalala para sa sarili ko.

No one else like youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon