Challenge # 4

107K 4.2K 777
                                    

                  

"Ano, pinitas mo ang dalandan ni Liv?!"

Napakamot lang ako ng ulo. Anong pinitas? Nauulol na yata si Ninong.

"Ano?! Pinitas mo ba?!"

Hindi ko napansin na nakatayo na si Ninong. Habang nakatingin ako sa kanya ay bigla kong na-gets kung ano ang ibig niyang sabihin. Nahintakutan ako sa mga mata ni Ninong na para bang kaunti na lang ay isasaksak niya sa akin ang swerong nalagay sa kanya.

"Sorry, Ninong! I've stolen her virginity! It won't happen again, I promise?!" Atubiling wika ko. Lalong nagalit si Ninong sa sinabi ko.

Humahakbang siya papalapit sa akin. "Sorry talaga, Ninong! Aksidente lang naman po ang lahat!"

"Aksidente?! Ano iyon? Nadapa si Liv tapos sumakto sa bur mo ang kanya?! Pumasok tapos okay na?! Iyon ba iyong aksidente?!"

I was cornered now.

"Hindi ko naman po sinadya! Basta na lang po nangyari!"

"Anong basta nangyari? Paano? Nagkatingnan kayo tapos namalayan mo na lang na nakapasok na iyang bur mo sa kanya?!"

"Hindi po! Ninong, ang ibig kong sabihin--- Aray!" Nagulat ako na may halong panlalaki ng mga mata nang sapakin ako ni Ninong. Dumiretso ang kamao niya sa kanang mata ko. Hindi pa ako nakakahuma ay tumama naman ang isa sa kaliwang mata ko. Hindi ako makagalaw. Sinapak niya ako. Dalawang beses!

My face! My handsome face!

Akmang sasapakin niya ulit ako nang umilag ako.

"Ni-Ninong t-tama na po!" Tinakpan ko ang mukha ko. Galit na galit si Ninong sa akin. Hindi ko alam kung makakalabas pa ako ng buhay dito sa ospital na ito o baka ako naman ang maospital pagkatapos ng gagawin niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit naisip kong sabihin kay Ninong ang lahat. Ang akin lang gusto ko lang na maging maayos ang lahat. Ayokong balang – araw ay magalit siya sa akin dahil lang sa nauna ako kay Liv. Ayokong isipin niya that I have taken advantage of Liv – kahit na parang ganoon nga ang ginawa ko kasi hindi naman ako lasing, tipsy lang pero alam ko ang ginagawa ko.

Kinuwelyuhan ako ni Ninong at pinakatitigan sa mukha. Matapos iyon ay ni-headbutt niya ako. Napangiwi ako. Masakit talaga pero dahil mahal ko si Liv, kaya kong isakprispisyo lahat para sa kanya – kahit na anong sakit ay kakayanin kong pagdaanan para sa kanya.

"Umalis ka habang nakakapagtimpi pa ako sa'yo. Habang kinikilala ko pa ang ama mo bilang matalik kong kaibign dahil baka mapatay kita!" He hissed at me. Parang hilong-talilong na tumakbo ako palabas ng silid ni Ninong.

"Tanga, Narcing! Tanga!" Wika ko sa sarili ko. Sinabi ko na h'wag sabihin ni Liv pero ako naman ang nagsabi. Sumakay ako sa kotse ko at umuwi sa unit ko. Lakad ako nang lakad sa sala, nag-iisip ng gagawin. Paano ko na pakikiharapan ang Ninong ko? Sasabihin ko ba kay Liv na sinabi ko sa Tatay niya pero baka mamaya ako naman ang patayin ni Mari Olive.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko. Si Liv ang tumatawag. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung sasagutin ko ang tawag at kung sasagutin ko nga, ano naman ang sasabihin ko?

Sa huli ay sinagot ko na rin ang tawag niya.

"Narcissus, nasaan ka? Nagkakainan na kami."

"Ikaw namana ng gusto kong kainin--- I mean, sumakit ang ulo at mga mata ko, magpapahinga na muna ako."

"Ang bastos mo! Hmp! Gusto mo ba na dalhan kita ng pagkain diyan sa condo?" Tanong niya pa. Napaupo na lang ako. How can I not fall in love with her? She's so sweet.

No one else like youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon