Challenge # 13

81.1K 2.7K 282
                                    

"Buntis si Amorillo, ikaw ang ama? Sa laki ng bur mo, hindi mo napigilang ipasok sa iba? Nakakaulol ka Narcissus Eduardo!"

Halos matanggal lahat ng tutuli sa tainga ko sa kakasigaw sa akin ni Reese. Siya pa lang ang nakakausap ko sa ngayon at hindi ko talaga alam kung paano sosulusyunan ang nangyaring ito sa akin ngayon. Wala naman akong matandaan na nangyari sa amin. Pero hindi sapat iyon kasi it's her words against mine. Alam na alam ng matatanda na tatanggi ako dahil sabi nga ni Amorillo ay wala daw akong kwenta dahil may nangyari sa amin habang may nobya ako. Pero wala talaga akong matandaan na may naganap sa amin.

"Sabihin mo nga, Narcing, may nangyari ba sa inyo?" Tanong na naman ni Reese sa akin. "Sabihin mo o makakatikim ka ng Judo ala Reese!"

"Hindi ko alam pero noong umaga na iyon namamaga nga ang bur ko!" I hissed at her. Iyon lang ang palatandaan pero kung namamaga nga iyon, ibig sabihin may naganap nga at malaki ang posibilidad na ako nga ang ama ng anak niya.

"Kailan ba iyon? Magbilang tayo."

Tiningnan ko siya. "Bakit ikaw ang nakikipag-usap sa akin? Nasaan si Azulan?"

"Nasa bahay nila. Ako ang nandito dahil ako ang representative at ako ang gagawa ng mga bagay na hindi niya magawa dahil masyado siyang nasasaktan ngayon. Binigyan ka naman kasi niya ng pagkakataon, tapos nasira dahil nakipag-inuman ka sa gunggong na babaeng puta na iyon!"

Lumabas ako ng silid ko. Sa bahay nila Mommy ako nanunuluyan. Naroon din si Amorillo. Kailangan kong malaman ang totoo. Sabi naman nila ay may paraan para malaman kung akin ang bata o hindi. Hindi pwedeng maging akin ang batang iyon dahil walang sex na nangyari kahit na namamaga ang bur ko noon!

Pagbaba ko ay nakita ko si Amorillo na kausap si Mommy. Katabi ni Mommy si Rocheta na nakatingin lang sa dalawa.

"Ayan na pala si Kuya."

"Good thing you're here. She's four weeks pregnant, Narcing. Sa ika-twelve weeks niya iko-conduct natin ang paternity test para makasigurado ka - tulad ng gusto mo - kung sa'yo ang bata." My mom said. "Pero kung hindi sa'yo ang bata, makikita ng babaeng ito ang hinahanap niya. I was born a bitch. Your father tamed me pero hindi ko pa rin nakakalimutan kung paani maging bitch lalo na sa mga manloloko."

"Hindi ko po niloloko si Narcissus. May nangyari po talaga sa amin." Nakayuko siya habang nagsasalita. "May nunal siya sa ilalim ng hita niya sa kaliwa. Tatlo iyon, parang pyramid." Paliwanag niya pa. Hindi ako nakakibo kasi totoo. Paano niya nalaman iyon?

"Ang galing ano, tiningnan mo pa talaga pagkatapos mo akong hubaran!" I was hissing.

"Kung hindi ka buntis, nabugbog na kita." Wika naman ni Reese na nasa likuran ko. Lumabas na ako ng bahay. Pupuntahan ko si Liv. Kailangan naming mag-usap na dalawa. Kailangan mabigyan ng linaw ang mga bagay na nagaganap sa ngayon. Hindi siya pwedeng mawala sa akin.

Kasunod ko pa rin si Reese habang naglalakad kami patungo doon sa bahay ni Liv. Hindi na akotumuloy sa front door. Umakyat na ako sa bintana niya at pumasok sa mismong silid niya pero wala naman siya doon. Lumabas pa tuloy ako. Natagpuan ko siya sa silid ni Red. Nagtuturuan silang dalawa kung paano maging asintadosadarts. Naka-short lang ang mahal ko. Nakalugay lang ang buhok niya tapos naka-sandong white lang siya.

Sumenyas si Red na tumingin siya sa akin. Mukhang ikinabigla naman niya na nandoon ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakasimangot siya. Lumabas siya ng silid ni Red. Nakasunod naman ako agad. Naabutan ko siya sa silid niya. Naupo sa kama niya at binuksan ang tv niya. "Busy ako. aninood ako ng The Arrow. Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng girlfriend mo."

"Ikaw ang girlfriend ko."

"Break na tayo. Nakabuntis ka diba." Inis na inis na wika niya. Nanlumo naman ako. Hindi ako papayag na awala siya sa akin. Hindi pwede ito. Naupo ako sa tabi niya at pilit ko siyang niyayakap pero itinutulak niya ako palayo sa kanya.

"Cutesy-pie... Walang nangyari sa amin..." Hinahawakan ko ang kamay niya. Tiningnan naman niya ako.

"Anong patunay niyan? Paano ako maniniwala kung wala ka namang matandaan? Paano mo masasabi na walang nangyari sa inyo kung ikaw mismo wala lang matandaan? Sagutin mo nga ako?" Pinaghahampas niya ang balikat ko. Lalo akong nanghina nang narinig ko ang paghikbi ni Liv. Pakiramdam ko ay piniga ang puso ko. Parang hindi ako makahinga. Hinawakan ko ng pilit ang mga kamay niya at pilit siyang niyayakap.

"Hindi nga akin iyon, Liv. Maniwala ka sa akin. Mahal na mahal kita at hindi kita sasaktan."

"Pero nasasaktan na ako. Naisip ko nga na baka ginagawa mo ito para makaganti ka sa akin kasi ang tagal ng panahon na nasasaktan ka dahil sa akin. But do I deserve this?" Pahina nang pahina ang boses niya.

"Anong gusto mong gawin ko para mawala ang sakit?"

Humikbi si Liv. Para naman akong kandilang unti- unting nauupos. Binitiwan niya ang kamay ko.

"Kung kailan mahal na kita saka pa tayo nagkakaganito." Umiiyak siya. Umiling si Liv at saka tumingin sa mga mata ko. "Iwas - iwas muna tayo, Narcissus. Balikan mo na lang ako kapag sigurado ka na na hindi sa'yo ang bata." Nag-iwas na siya ng tingin. Napahinga naman ako nang malalim. Nakita kong pinapahid niya nga ang mga luha niya.

Naikuyom ko naman ang mga palad ko.

"Pagbibigyan kita ngayon pero sa oras na magkaalaman ng totoo, babalikan kita, Liv. Hihintayin mo ba ako?"

She nodded. " H'wag masyadong matagal ha... Mami-miss kasi kita."

Matapos iyon ay umalis na ako sa bahay nila. Lalong lumaki ang pagnanais ko na mapatunayan na hindi sa akin ang bata. Alam ko talaga na walang nangyari sa amin. Ni hindi ko nga matandaan na hinawakan ko siya. Ang alam ko lang talaga ay nag-inuman kami. Dapat nga ay hindi ko na iyon ginawa para wala kaming problema ni Azulan ngayon pero alam ko naman sa dulo ng lahat ng ito ay makakasama ko na ulit siya. Lahat ng pagtitiis kaya kong pagdaanan basta siya ang kapalit ng lahat.

Lumipas ang halos isa't kalahating buwan pa. Hindi na umuwi si Amorillo ng Bataan. Doon na siya nakatira pansamantala sa bahay nila Lola Gracia. Ako naman ay balik na sa normal na buhay. Palagi akong nasa tattoo shop ko at nagtatrabaho. Pilit kong pinapatay ang mga oras ko para hindi ko gaanong maalala si Liv. Panay ko kasing nais siyang puntahan.

Pinagkakasya ko na lang iyong sarili ko sa pagtingin sa kanya mula sa malayo. Nakkatuwa nga dahil ang haba - haba nang buhok niya ngayon. Panay nga nakatali iyon, kung minsan ay nakikita ko pa siya sa playground doon sa may merry-go-round na nakaupo at para bang hinihintay ako.

"Anak, bukas na iyong labas ng result ng paternity test mo. Excited ka na bang maging Daddy?" Para bang inaasar pa ako ni Tatay. Nasa rooftop kami noong gabing iyon at nag-inuman.

"Hindi akin iyon, Tay. Bukas mababalikan ko na si Liv. Magiging masaya na ulit ako. Makakasama ko na ulit ang mahal ko." Tinungga ko ang laman ng bote nang alak na hawak ko. Tinapik naman ni Tatay ang balikat ko. Tahimik kaming nag-inom noon. Para bang dinadamayan niya lang ako.

Aaminin ko ang totoo. May kaba sa dibdib ko pero binabalewala ko iyon dahil wala naman akong dapat ikakaba. Hindi akin ang bata. Kung may mabubuntis man ako sisiguruhin kong si Liv iyon. Bubuntisin ko siya para mapakasalan. Hindi ko na siy pakakawalan dahil siya lang talaga ang babae para sa akin.

Kinabuksan ay alas diyes na ako nagising. Kakaiba ang pakiramdam ko noon. Magaan. Sigurado naman ako sa resulta kaya habang pababa nang hagdanan ay pakanta- kanta pa ko. Hindi nga nawala ang ngiti ko kahit na nakita ko na si Amorillo at ang Lola niya sa living room area na para bang naghihintay sa amin.

Nagkatinginan kami ni Amorillo. Galit ako sa kanya at ngayon ang araw na masasabi ko na in your face woman! Hindi talaga ako ang ama ng anak niya.

Maya-maya naman ay dumating na si Mommy. Kabado ko pero nang makita ko ang ngitins labi niya ay lalo akong nakaramdam ng pagtatagumpay. Hindi ngingiti si Mommy nang wala lang.

"Kamusta ba ang resulta, doktora." Tanong nang Lola ni Amorillo.

Humimga nang malalim si Mommy.

"Kailangan na nating pag-usapan ang kasal ng dalawa."

Napatalon ako. " Yes! Hindi ako ang ama!" Ang lakas PA nang sigaw ko. Binatukan naman ako ni Mommy. Magkatabi kasi kami. Inihain niya sa akin ang papel at doon nakita ko ang resulta.

99.99 percent. Positive.

"Ako ang ama!"

Hindi ako makapaniwala.

Paano na kami ni Azulan?!

No one else like youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon