"Bakit ka nagpunta dito?"
Kasalukuyan kaming nagbibihis ni Narcissus nang maisipan niyang itanong sa akin iyon. Inirapan ko siya. Ngayon niya pa talaga itatanong sa akin iyon pagkatapong ng session na iyon. Ilang beses ko na nga minura iyong sarili ko kasi hindi ko maintindihan kung bakit ko nagawa iyon. Iyong unang beses maipagtatanggol ko pang aksidente talaga pero itong ngayon, hindi na ito aksidente. Katawan ko na rin ang kumilos. At hindi ko naman itatanggi na gusto koi tong nangyari sa amin. Iyon nga lang, natatakot naman ako nab aka kapag nawala na iyong excitement, mawala na rin iyong friendship namin. Ayoko kasi talagang mawala ang friendship naming dalawa. Hindi ako sanay na wala siya sa buhay ko.
Nakaupo siya sa gilid ng kama kaya tinabihan ko siya. Humilig ako sa braso niya at saka tumingin sa kanya.
"Sorry na. Nami-miss na kita, Narcing. Bati na tayo. Ayoko ng friendship over." I told him. Tiningnan niya ako.
"Azulan, alam mo na ang sikreto ko – maliban sa napakagwapo ko, anyway common knowledge naman iyon – mahal kita at ayokong maging kaibigan mo lang. Pilit nga akong umaalis sa friendzone, pilit mo naman akong ibinabalik. Nakakayamot ka, kainin ko pempem mo eh!"
Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Manahimik ka! Baka marinig tayo nila Lola sa labas!" I hissed. Huminga siya nang malalim. Hinawakan niya ako sa baywang at saka hinaplos – haplos ang parteng iyon ng katawan ko.
"Ayokong maging best friend. I want something more. I want more of you..." He even lick my earlobe. Napahagikgik ako.
"Nakikiliti naman ako, Narcing naman!" Natawa ako. Sinampal ko siya.
"Aray! Taena! Hit me anywhere but the face!" He hissed. Napakagat-labi ako. "Hindi na kita bati." Tumayo siya at lumabas ng kwarto sumunod naman ako.
"Narcing naman eh! Bati na tayo! Sige na hindi na tayo friends! Kung ano na lang ang gusto mo!"
Nakarating kami sa sala. Naroon pa rin ang matatandan tapos ay may isang babaeng nakasalamin at nakatirintas ang buhok na may hawak na libro ng Ibong Adarna ang nakatingin naman sa amin.
"Talaga? Oh sige, girlfriend na kita."
"Narcing naman!" Napapalatak ako.
"Kung ayaw mo, umuwi ka na. Dito lang ako at hindi mo na matitikman ang puri ko."
"Hoy! May ibang tao naman!" I hissed at him. Nakita kong napanganga ang matatanda habang nakatingin sa amin. Hinawakan ko ang kamay ni Narcissus tapos ay tumingin ako sa kanila. "Nagbibiro lang po siya, mga lola. Adik po kasi ito. Lika nga sa labas!" I hissed. Nilagpasan namin silang lahat at lumabas sa malawak na garden doon. May mga puno ng manga sa paligid tapos may mga magagandang orchids na naroon. Hinarap ko si Narcissus at sinuntok siya.
"Ang unfair mo! Bakit mo ba ito ginagawa! Diba nga sabi ko mahal ko si Solomon! 'Wag kang maging unfair sa saril mo! Ayokong umasa ka at ayokong masaktan ka!"
"Huli na, Azulan. Matagal na akong umaasa at paulit-ulit akong nasasaktan. Wala naman akong pakialam kung mahal mo siya, mahalaga lang sa akin iyong mahal kita, hayaan mong maging sapat ang pagmamahal ko sa'yo, para sa ating dalawa." Napangaga ako. Napu-frustrate na ako. Ilang beses ko bang kailangan ipaliwanag ang mga bagay na ito sa kanya? Hindi pwede. Ayokong maging unfair.
"Matagal ka nang unfair sa akin, Azulan, ngayon mo na nga lang narinig ang reklamo ko. Sa tingin mo ba may magbabago pa? Wala na. I'm in love with you. It will never change. I will never change, accept that, learn to live with it and then start loving me. Sabi nga ni Meredith Grey, choose me, pick me, love me."
BINABASA MO ANG
No one else like you
General FictionPakiramdam ni Narcissus Eduardo Emilio ay hindi sapat ang "HOTNESS" na mayroon siya para makuha ang atensyon ng babaeng mahal niya - si Mari Olive Azul. Mula pa lang noong nagkaisip siya ay alam niyang magiging malaki ang epekto ni Liv sa kanya - or...