The next thing that happened was nothing but blur. Iyak ako nang iyak habang isinasakay si Papay at Ninong sa ambulansya. Si Reese naman, kahit may tama ng baril sa balikat ay hindi ako iniiwan. Nasa tabi ko lang siya at nakatayo habang hawak niya ang balikat niyang may tama ng baril. Si Uncle Axel ay kausap sa phone si Daddy Jude at Daddy KD.
Yumakap ako kay Reese. Naiisip ko si Papay. Paano kung mawala siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam ko, ma-mimiss ko siya. Alam ko na hahanapin ko siya panay at alam kong masasaktan ako ng sobra dahil makikita ko kung gaano rin masasaktan ang pamilya ko.
Umalis na ang ambulansya. Sumama ako sa kanila at habang nasa loob ako ay hawak ko ang kamay ni Papay. Wala akong tigil sa kakaiyak. Wala na akong pakialam sa kahit na ano sa ngayon kundi ang kalagayan niya. Ako kasi dapat ang naroon. Akon a nga ang sana, bakit ba kasi kailangan niya pa akong iligtas? Mas bata ako, mas kaya ko ang sakit.
Nakarating kami sa malapit na ospital. Agad nilang ibinaba si Papay. Si Ninong Ido ay nakasunod din. Sa loob ay naroon si Ninong Axel at si Reese na nalapatan nang first aid. Agad na dinala sa ER ang Papay ko pati na rin si Uncle. Nasa labas pa rin kami. Hinang-hina na ako nang makita ko naman si Daddy KD kasama si Mon. Ibig sabihin ay nandito rin si Narcissus. Nang makita ko si Mon ay natunaw lahat ng depensa ko. Tumakbo ako sa kanya at umiyak na parang limang taong gulang na batang babaeng inagawan ng bully ng candy. He kept on comforting me. Pinagagaan niya ang loob ko pero hindi ko magawang kumalma dahil iyog tatlong mahal ko ay nasa panganib.
Ano bang masamang ginawa ko para danasin ko ang ganito? Pumasok na kami sa ospital. Naupo kami sa waiting lounge. Nakayakap pa rin ako kay Solomon. Si Reese ay nasa emergency room din at ginagamot ang tama ng baril.
"Anak..." Tawag sa akin ni Daddy KD. "Tinawagan ko na ang Mamay mo, papunta na siya dito. Kasama na niya si Ninang Gina mo. H'wag ka nang umiyak. Magiging okay ang Papay mo."
Tumango na lang ako habang nakatingin sa kanya. Ang tagal ng oras na dumaan. Inooperahan daw si Papay. Tumagos kasi ang tama ng bala hanggang sa may atay niya kaya nire-repair din nila ang tissues na napektuhan.
"Nasaan sila?"
Napatayo ang lahat ng marinig ang boses ni Ninang Gina. We looked at her direction. May dala siyang sarili niyang medical team. Naroon din si Uncle Marcus na asawa ng kapatid ni Tita Bernie.
"George, kalma." Sabi niya pa.
"Hindi ako pwedeng kumalma! Nasa panganib ang asawa ko pati na rin ang panganay ko. I will not let him die! Kung hindi siya makakauwi sa akin ako ang gagawa ng paraan para makauwi siya! Nasaan si Ido!?"
Her tears fell. Niyakap siya ni Aswell. Si Rocheta naman ay kinausap ang mga hospital personnel para makapag-proceed si Ninang Gina sa plano niya. Ako naman ay abala sa paghahanap kay Mamay. Nakita ko si Violet kaya nagtanong ako sa kanya. Nagpaiwan daw si Mamay sa chapel kaya agad naman akog nagpunta doon.
Nakita ko si Mamay na nakaupo sa isa sa mga pew doon at may hawak na rosary. Naupo ako sa tabi niya tapos ay yumakap sa kanya. Para bang hinihintay niya lang ako. Umiyak siya nang may kasamang hagulgol.
"Mamay, sorry..."
She wiped my tears.
"Alam kong magiging okay ang Papay mo. He's a fighter. Isa pa, hindi niya tayo basta iiwan nang ganoon." Tumatango ako. Maniniwala ako kay Mamay. Mas matagal niyang nakasama si Papay kaysa sa akin. Sinamahan kong magdasal si Mamay. Ipinapanalangin ko na sana'y lahat sila ay makaligtas mula sa kapahamakan. Hindi ko na alam ang takbo ng oras. Basta tinawag na lang ako ni Violet. Sinama na namin si Mamay sa may waiting area. Pagdating ko roon ay nakita ko si Dondon na para bang hilong talilong. May hinahanap yata siya pero mukhang wala siyang mapagtanungan.
BINABASA MO ANG
No one else like you
General FictionPakiramdam ni Narcissus Eduardo Emilio ay hindi sapat ang "HOTNESS" na mayroon siya para makuha ang atensyon ng babaeng mahal niya - si Mari Olive Azul. Mula pa lang noong nagkaisip siya ay alam niyang magiging malaki ang epekto ni Liv sa kanya - or...