Challenge # 24

108K 3.7K 1K
                                    

"Narcissus! Tang ina mo! Don't die on me! I told you we can be friends again just like before but I didn't want you to die?! Tang ina ka!"

Hilam na hilam ng luha ang mga mata ko. Nasa pool pa rin ako kasama si Narcing pero namumutla na siya. Duguan siya. Kung sinuman ang bumaril sa kanya ay papatayin ko talaga. I don't know what to do! How can I put him back to land? Hindi ko siya kaya!

"Liv!" Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Papay. Agad kong hinanap ang boses niya. Nakita kong papunta na siya dito sa pool. May dala siyang baril. Kasama niya si Daddy KD na nakasuot ng violet niyang jacket, si Papay naman ay blue.  I guess the power rangers are back at it again.

Tinulungan nila akong iahon ang walang malay na si Narcissus. Iyak pa rin ako  nang iyak.

"Sino?" Tanong ni Daddy KD.

"Hindi ko po alam. Naglalandian lang po kami kanina tapos bigla na lang may tumarget sa akin. Pay, dapat ako iyon eh! Dapat ako ang mamamatay! Hindi naman mamamatay si Narcing diba? Diba po?"

Hinaplos ni Papa yang buhok ko. "Si KD na ang bahala sa kanya. Sumama ka sa akin." Utos ni Papay sa akin. Umiling ako. Hindi ko iiwan si Narcissus.

"Sumama ka na sa Papay mo. Hindi ko naman pababayaan si Narcissus. Dadalhin ko siya sa ospital. Sige na." Malumanay n autos niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Papay at pinilit kong tumahan. Bago kami lumayo ay binalingan ko pa si Narcing na pilit na itinatayo ni Daddy KD.

"We have to get you out of here. Take my car and go home. Ako nang bahala dito." Bumitaw ako kay Papay at tiningnan siya. "Liv?"

"You don't expect me to just leave, Pay! My friends are here! Matea is here! I have to fight!"

"Hindi pwede! Mapapahamak ka! This isn't the life for you, Liv!"

"Says who?! Mama Hera?" Tila natigilan siya sa isinagot ko. Huminga siya nang napakalalim tapos ay tiningnan akong maigi. Umiling naman ako. "Pay, tinanong mo ba ako kung anong nararamdaman ko tuwing nagbibihis ako para sumama kay Mama Hera at sa iba sa mga party? Nangangati ako! I hate dressing up just to impress someone! They say the name has perks – yes, I realized that but I hate the perks! Ayoko ng mga bagay na ginagawa o gagawin para lang mapatunayan ko na Consunji ako. I'm not a Consunji – I'm a true blooded Azul! Deal with it, and let's be done with this fucking conversation because tonight, I will get my first kill!"

Binunot ko ang extra na baril ni Papay sa likod  ng pants niya. Ikinasa koi yon tapos ay tinalikuran siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya sa akin pero sa ngayon ay ayoko munang marinig. Hahanapin ko ang bumaril kay Narcissus at papatayin ko siya hanggang sa wala na siyang choice kundi ang magpalibing na lang.

"Liv!" Tawag na naman ni Papay sa akin. I looked back. "I'll come with you." He said. Parang may tumalon sa puso ko. I was smiling at him. Sabay kaming umakyat sa itaas at doon naabutan naming si Ninong Ido. Kasama niya si Roca na dala naman si Matea.

Nagkatinginan kaming apat.

"Babes..." Tawag ni Ninong. Napailing naman si Papay.

"Wag dito, Ido. Nakakahiya sa mga bata."

"Uyyy! Bati na sila." Tudyo naman ni Roca.

"Wag kang sumabat! Pangit!" Si Ninong Ido muli.

"Tatay! Kung pangit ako! Pangit ka din! Magkamukha tayo, remember!" Inis na sabi ni Roca.

"Ang hot mo, anak! Pinakamagandang babae sa mundo second sa Mommy mo!"

"Tumigil nga kayo." Sabi naman ni Papay. "Nabaril si Narcing, Ido. Dinadala na siya ni KD ngayon sa ospital. Si Axel ay kasama si Reese at Judas na nag-iikot dito sa safe house. Mukhang si Matea nga ang pakay ng mga taong ito."

No one else like youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon