Challenge # 8

123K 4.2K 931
                                    

                  

"Sabi ko naman kasi sa'yo, pigilan mo iyng bibig mo, Narcissus. Tingnan mo tuloy, napapahamak ka."

Hindi ko alam kung matatawa ako sa hitsura ni Narcissus habang dinadampian ko ng ice pack ang ilong niya. Hindi naman siya napuruhan pero mukhang nasaktan talaga siya dahil sa pagsapak ni Papay. Nakaupo siya sa sofa. Magkaharap kaming dalawa. Si Papay naman ay nasa kabilang silid kasama si Ninong Ido, Daddy KD, Uncle Axel at Daddy Judas.

Nagulat nga ako na nandito silang lahat kasama si Reese, ang kambal na kapatid ni KD at si Adonis – ang kapatid ni Narcing. Ang sabi ni Papay ay susunduin na niya ako, kaya nga lang ang sabi ko naman ay hindi ako sasama hangga't hindi ko kasama si Narcing pauwi ng Metro. Gusto ko kasama ko siya para hindi naman ako masyadong malungkot.

Habang papunta ako ng Bataan noong isang araw ay naisip ko nga nab aka may nararamdaman ako sa kanya – na baka pumapantay na siya ay Solomon sa puso ko – na baka dahil sa kanya ay makalimutan ko ang mga bagay na hindi ko naman dapat nararamdaman para kay Mon dahil alam ko naman na mahal na mahal ni Mon si Tel kahit na halos hindi naman niya ipinapakita iyon ngayon dahil may girlfriend siyang si Rebecca.

"Hindi ko naman alam na nandyan si Ninong." Nakasimangot na sagot niya. Sa akin. Napangiti ako. "Pero totoo lahat ng sinasabi ko kanina. Gusto kitang pakasalan. Ikaw ang babaeng pinapangarap kong iharap sa altar."

Muli ay gusto kong sabihin sa kanya na ayokong maging unfair sa kanya. Magkaibigan kami mula pagkabata ay magkasama na kami, ayoko naman siyang masaktan pero mukhang wala naman siyang pakialam kung nasasaktan ko siya. Hindi naman yata niya iyon alintana.

"Wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin?" Biglaang tanong niya. I looked at him.

"Hindi ko... ewan... siguro?" Nagulat ako nang hawakan ni Narcing ang kamay ko at saka hinatak ako papunta sa kanya. He kissed my lips and I automatically closed my eyes to be able to kiss him back. I don't know why but I knew that I just had to kiss him back. I need to kiss him back for I am afraid that he might stop kissing me.

Nasa ganoong posisyon kami nang bigla ko na namang marinig ang boses ni Papay.

"Putang inang bata ito! Hindi mo ba talaga titigilan ang anak ko!"

Kaagad kong itinulak si Narcissus at pumunta agad kay Papay. Tumabi agad ako sa kanya para naman hindi niya masapak si Narcissus. Kawawa naman kasi ang kaibigan ko. Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang Papay ko.

"Pay, ayos lang naman. Ano kasi... Ano..."

"Ano?!" His voice boomed. Noon naman pumasok ang mga Uncles ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko sila. Si Daddy KD ang lumapit kay Papay, si Ninong Ido din ay tumabi sa kaliwa niya.

"Babes, kumalma ka. Sira na ang gwapong mukha ng anak ko. Hindi pa ba sapat iyon para maniwala ka na mahal nga niya ang inaanak ko?" Nakangisi si Ninong Ido. Pati pa naman siya ay alam niya kung anong naganap sa amin? Common knowledge na lang ba iyon? Binalingan ko si Narcing.

"Magtigil ka Ido! Hindi pa pwede si Azulan!"

"Napitas na nga ang dalandan, hindi pa rin pwede?! Pakasal na lang natin!" Sabad pa ulit ni Ninong. Namula ang mukha ko.

"Hindi  pwede! Si Liv at si Mon ang bagay!" Sigaw naman ni daddy KD.

"Bakit ba ang hilig mong makisawsaw, King David! Tang ina mo to the bur and back!" Sigaw na naman ni Ninong Ido. Nagkatingnan kaming dalawa ni Narcissus. "Sumawsaw ka na sa love story ni Arru at Azul noon, pati sa kanila ni Leira! Buti nga sa love story namin ni Azul hindi ka sumali kundi, patay ka sa aking ulol kang putang ina mo! Si Narcissus ko ang nakasalo sa dalandan ni Liv kaya sila ang magpapakasal hindi si Lobo!"

No one else like youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon