"Diba may girlfriend ka... si... anong pangalan noon, nakalimutan ko."
Tumingin sa akin si Narcissus Emilio. Umaga iyon at nasa bahay siya para makikain ng almusal. Sanay naman na ako na palagi siyang nasa bahay namin. Kalaro niya rin kasi sa video games si Red – ang kapatid kong lalaki tapos kasundo niya rin naman si Papa sa mga bagay-bagay at nauuto niya si Mama na ipagluto siya nang kung ano-ano. Si Violet naman ay nauuto siyang i-drawing ang mga art projects niya.
Magali kasi ang kamay ni Narcissus. I think he loves art. Kaya nga nagta-tattoo lesson siya kasama si Uncle Judas.
Narcissus Eduardo Emilio was my childhood friend. We'd been around each other's lives for a very long time na dumarating sa punto na nagsasawa na akong tingnan siya.
"Olivia." Sagot niya habang nilalantakan ang spaghetti na niluto ni Mama Leira para sa kanya. Napasimangot ako.
"Kukuha ka na lang ng girlfriend, iyong kapalangan ko pa."
"Lol nga Azulan! Mari Olive ang pangalan mo, hindi Olivia!"
"Oo nga, pero kapag tinagalog mo, Maria Olivia talaga iyon." Binelatan ko siya.
"Bahala ka nga. Panget." Sabi niya sa akin. Binato ko siya ng kutsara. Nasalo naman niya iyon at saka nginisihan ako.
"Kwento mo na nga lang kung bakit kayo nag-break. Nakakainis ka. Ulol!"
"Nagsex na kami, kaya quits na."
Parang nanghingi lang ng piso si Narcing kung sabihin niya sa akin ang mga salitang iyon. Pinagmasdan ko siya. Gwapo si Narcissus – kaya nga siya mayabang kasi mayroon naman ilalabas. Moreno si Narcing – kakulay niya si Ninong Pogi. Matangkad siya nag di hamak kaysa sa akin. Siguro six footer siya. Ang hobby niya ay mag-gym kaya may muscles na siya. Palagi nga niyang ipinagmamalaki sa akin ang abs niyang six pack na balak daw niyang gawin eight at kapag na-reach na niya iyong eight, gagawin naman daw niyang twelve.
Ang sabi ko naman ay ganito: Ano? So, hanggang leeg may abs ka? Gago ka ba?
Iyong mga mata niya medyo dreamy tapos kulay hazel brown. Matangos din ang ilong niya, may kaunting facial hair siya pero hindi naman siya maduming tingnan. Palagi nga siyang mabango at mukhang bagong ligo.
"So na-virgin mo na siya kaya nakipag-break ka na?"
"Hindi na siya virgin nang gawin namin iyon." Kaswal na wika niya.
"Ah! Kaya ka nakipag-break kasi hindi na siya virgin?"
"Hind rin. Basta nag-sex kami, ayoko na. Saka ayoko ng babaeng virgin, pagkatapos kasi ng sex nagiging clingy na sila. Lahat sa kanila may ibig sabihin na."
"Gerald Anderson, is that you?" Biro ko pa. Tumingin siya sa akin at nag-roll eyes.
"Sa susunod hindi na ako sasama sa'yo na manood ng mga ganoong pelikula. Nakakadiri!" Reklamo niya.
BINABASA MO ANG
No one else like you
General FictionPakiramdam ni Narcissus Eduardo Emilio ay hindi sapat ang "HOTNESS" na mayroon siya para makuha ang atensyon ng babaeng mahal niya - si Mari Olive Azul. Mula pa lang noong nagkaisip siya ay alam niyang magiging malaki ang epekto ni Liv sa kanya - or...