Challenge # 15

95.8K 3.7K 678
                                    

                  

Two fucking years and six damn months later...

"That's the perks of being a Consunji, Liv. Enjoy it."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses sinabi sa akin ni Mama Hera ang katagang iyon. Ever since my family lived on the house just across their street – sa Tagaytay ay panay ko nang naririnig iyon. Nakita ko naman kasi talaga ang kaibahan ng buhay na kinalakihan ko sa buhay na mayroon sila. I mean, hey are filthy fucking rich and they have this luxury cars – hindi lang isa kundi labing-pito – iyon ang collection si Papa Hades.

It was a lot of adjusting for me pero hindi naman gaanong mahirap iyon. Pagkalipat namin sa Tagaytay ay isang linggo lang ang lumipas at umalis na rin ako para i-pursue ang Master's Degree ko sa Columbia University. I spent the last two years in New York, living alone and minding my own business. Akala ko ay magiging mahirap ang bagong mundo ko. Iyon din kasi ang pinakamatagal na panahon na mapapalayo ako sa mga magulang ko – buti na lang, naroon si Telulah at hindi niya ako pinabayaang mag-isa.

Living in New York made me feel closer to her. Hindi nga ako makapaniwala na naging close kaming dalawa at ngayon ay sabay pa kaming babalik sa Pilipinas. We're in JF. Kennedy Airport waiting for our flight back to the Philippines.

Maikling bakasyon lang naman ang habol naming dalawa. Si Telulah kasi ay nagsisimula na namang mag-apply sa mga law firm sa New York. Ang sabi niya, enough na daw ang pagbabakasyon niya bilang abogado. Kahit naman daw kasi ayawan niya ito, para bang hinahanap-hanap siya ng pagiging abogado niya kaya wala siyang ibang gagawin kundi ang bumalik doon. It's her passion and she cannot run away from it.

"First thing I'll do when I land in Philippines is go to the nearest Jollibee and buy myself some spaghetti. Iyon ang na-miss ko sa Pinas – maliban na lang sa mga magulang ko. Ikaw, Liv?"

I looked at her. Hindi ko masyadong narinig ang sinasabi niya. Kausap ko kasi sa Viber si Reese. Tinatanong niya kung susunduin niya daw ako sa airport at kung magdadala pa daw siya ng banner. Gago talaga ang putang inang iyon.

"Oh, bakit pigil ngiti ka diyan? Sinong kausap mo?"

"Si Gabrielle Reese." Sabi ko.

"Huh! Lahat sila may Gabrielle sa name no. Nakita ko kasi sa fb post niya. Days of the Gabrielles! Gabrielle Reese, Gabrielle Gabby, Gabrielle Aeliese at si Gabrielle Averee. Weird names though..."

"Mas may wi-weird pa ba sa pangalan mo? Telulah – Tulala. Hahahah!"

Hinampas ako ni Telulah sa braso. Napalakas iyon kaya nabitiwan ko ang phone ko. Buti na lang at hindi nawasak. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Ano, susunduin ka daw ba? I think Tay will pick us up." Sabi niya pa. "Kausap ko si Hephaestus kanina, itatanong niya pa yata kay Tay. Kung hindi niya tayo masusundo, pwedeng pasabay? Alam mo naman si Reese, she hates me because I'm a Consunji. And yes, I think, my father is talking to Uncle Simoun about you guys using the Consunji surname."

"What?!" Nanlaki ang mga mata ko. Hindi iyon nasabi ni Papay sa akin noog kausap ko siya kagabi. Nagkibit balikat lang naman si Telulah.

"Tay is still convincing Uncle. Pero parang ayaw naman ni Uncle kasi matanda na daw siya. Kung meron man daw dapat maging Consunji, ikaw iyon at sina Red pero pinag-uusapan pa yata nila ni Mama Leira. I have no idea what's happening but hey, it will be nice to have the same surname, don't you think?"

Hindi na ako nakasagot dahil tinawag na ang flight namin. Tumakbo na kami ni Telulah papunta sa exit ng lounge. We boarded first class. Ang mahal talaga pero sabi ni Tel, isa daw iyon sa perks ng pagiging Consunji. Barya lang daw ang inilalabas nila kapag nagbabyahe sila. Samantalang ako kapag nagbabyahe kami nila Reese noon, palaging economy lang ang sinasakyan namin. Wala pa kasi kaming sariling pera noon pero nang magkatrabaho ay lalo akong naging kuripot. Hindi ko basta mapakawalan ang pera ko. Kaya economy pa rin ang bagsak naming dalawa.

No one else like youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon