Challenge # 10

107K 3.6K 692
                                    

Hindi nga ako makatulog nang gabing iyon dahil naiisip ko si Monmon Taba. Ano bang ginagawa niya dito? Kung kailan maayos na ang lahat sa amin ni Liv saka naman siya lilitaw dito. Kung ilitson ko kaya si Monmon nang makita niya ang hinahanap niya? Kung sabagay, kung matagal ko siyang tititigan, pwede siyang masunog dahil sa hotness na mayroon ako. Hindi niya kakayanin ang init na mayroon ako. My hotness is overloading that it burns other people.

"Kuya, bakit nagmumukmok ka dito? Let's go out and drink!" Pumasok sa silid namin si Adonis. Bago siya humarap sa akin ay tumingin muna siya sa salamin. He smiled at the mirror and then faced. "Nakakaputang ina ang kagwapuhang namana natin kay Tatay. Ang gwapo ko minsan nababakla ako sa sarili ko. Damn!"

"Ulol! Mas gwapo ako sa'yo! Sa akin ka mabakla!" Sigaw ko naman sa kanya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Ulol ka din! May flaws ka kaya! Ako wala! I'm so perfect!"

Sa inis ko ay binato ko si Adonis ng unan tapos ay lumabas na ako. Alas ocho na nang gabi. Naalala ko sabi ni Liv may session kami ngayon. Papagwapos pa sana ako pero naalala kong ang gwapo ko na pala. Hindi na kailangan masyadong mag-effort dahil ang kagwapuhang taglay ko ay effortless.

Lumabas ako ng silid para puntahan ang babaeng nagpapakilig sa aking bur. Nasa itaas ang kama niya kaya umakyat ako doon at nang makarating ako ay natagpuan ko si Liv na nakatalukbong ng kumot. Agad ko siyang tinabihan at niyakap pero agad na kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses niya – na parang nanlalandi iyon nga lang ibang pangalan ang sinasabi.

"Mon... please 'wag..."

"Putang ina! Anong Mon?!"

Bigla ay bumangon siya at noon ko nakita na hindi pala siya si Liv kundi ang pinsan ni Liv na si Telulah. Sumigaw siya habang nakatingin sa akin. Siguro nagulat siya pero habang nakatingin ako sa kanya ay nakadama ako ng pagluluwag ng dibdib dahil hindi si Liv ang tumawag kay Mon. Alam ko naman na may posibilidad na naroon pa rin ang nararamdaman niya pero as long as pangalan ko ang tinatawag, walang problema sa akin.

Pero nagulat ako nang bigla akong dambahin ni Monmon at sinuntok sa mukha. Tang ina! Papangit na naman ako! Ano bang problema ng mga tao ngayon! Una si Ninong Azul tapos ngayon si Mon! Lahat sila inggit na inggit sa kagwapuhan ko!

"Mon! Tama na! Oh my god! Mon please! Tama na!"

"Wala kang malang gawin sa buhay mo, Narcissus! Putang ina ka!"

Ni-head butt ko si Monmon. Yamot na yamot ako sa kanya! Hindi ko naman sinasadya na tabihan si Telulah! Magkamukha naman kasi sila ni Liv! It was an honest mistake!

"Hoy! Ano ba iyan! Tama na Mon!" Si Liv naman ang sumigaw. Dinaluhan agad niya ako at saka pinaalis si Mon. Napangisi ako nang sabihin niya na nayayamot daw siya kay Monmon. Finally, naiwan na rin kaming dalawa. Bumaba pa si Liv para i-lock ang pinto at saka bumalik sa akin. Nakaupo na ako sa kama. Si Liv naman ay agad na naupo sa mga hita ko.

"Uy, nagiging habit na ng Aleng maganda ang pag—upo sa legs ko." Hinapit ko naman siya sa baywang. Sumimangot siya.

"Bakit nakipagtabi ka kay Tel?"

"Selos ka naman! Hindi ko naman na hindi ikaw iyon. Makabulto kayo. Muntik na nga akong mapikon nang tawagin niya si Mon kasi akala ko ikaw iyon." Hinagkan ko siya sa labi. Tumawa naman siya. I licked her neck back and forth hanggang sa ang hagikgik ni Liv ay napalitan nang mabibigat na hininga.

"Sabi mo may session tayo ngayon." Bulong ko habang pinapagapang ang mga palad ko papasok sa blouse niya para mahawakan ang dibdib niya. I unclasped her bra.

"Ihhh! Baka kasi makita tayo ni Papay. Bugbog ka na naman doon." Hinalikan ko ang labi niya. Liv kissed me back. Busog naman ako pero pagdating kay Mari Oliv ay parati akong nagugutom. Gutom sa init ng katawan ng bawat isa.

No one else like youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon