Reese was trying to call Narcissus that night. Nakarating na kami sa safe house at kasalukuyang pinapatulog ni Amorillo si Matea na hindi natigil sa kakaiyak dahil hinahanap niya si Narcissus. Hindi rin naman ako mapakali dahil hindi maalis sa isip ko ang theory ni Reese. Wala naman sinabi si Amorillo. Tumingin lang siya sa akin tapos ay ngumisi. She told me to dream on. That Narcissus was hers. Gusto kong sabihin sa kanya na walang kanya dahil hindi naman niya naging pag-aari si Narcing kahit kailan.
"Natawagan mo?" I asked Reese when she entered the living room. Ang safe house na iyon ay pag-aari ni Daddy KD. Malaki ang lugar, halos kalahating ektaryang lupa ang kinatitirikan ng bahay na iyon. Ang kwento ni Mamay sa akin ay sa lugar na iyon umusbong ang pag-ibig nila ni Papay – not that I didn't care but every time she tells me about their love story, nababaduyan ako. Lalo na doon sa part na nagpakasal siya bago daw pinitas ni Papa yang dalandan niya at kung paano sila noong gabing iyon. Nagpakasal sila sa huwes nang nakapantulog siya at naka-boxers si Papay. It was epic.
"Oo. Papunta na siya dito. Kasama niya pala si Japhia at may trabaho sila kaya wala siya. Hindi ko sinabi na natamaan si Amorgorilla pero dapat Liv, hindi mo na ni-first aid iyon! Dapat nga hindi na natin sinama iyon dito. Sana hinayaan na lang natin siyang mamatay."
Inirapan ko siya. "Sa tingin mo may kinalaman sa kanya iyong mga lalaki? Sa kanya ba o kay Narcissus?" Tanong ko.
"Sa pagkakaalam ko, wala naman tayong kaaway ngayon. Iyon ang alam ko ha. Business is doing great. As usual. Thanks to me!" Tumawa pa si Reese.
"Then, who the hell are they and what do they want from Mati?" Tanong ko kay Reese. Sabay kaming nagkibit-balikat at napabuntong – hininga. Lahat ng sinabi ni Reese kanina ay theory lang niya. Iyon nga lang, hindi ko alam kung bakit ako kinutuban na para bang may masamang nagaganap sa paligid ko – lalong – lalo na kay Amorillo.
"Pero naisip ko na rin ito." Wika ko kay Reese. "Paano kung hindi nga anak ni Narcissus si Matea? Ikaw lang naman at si Rocheta ang nagsasabi na kamukha siya ni Ninang Gina pero kung titigan mo maigi iyong bata ay kamukha naman siya ni Amorillo."
Reese grinned. "Paano nga no? Siguro kung totoo iyan, mapapatay ko siya lalo na kung ako ang nasa katayuan mo. Ang daming sinira ng babaeng iyan sa buhay mo, kayo ni Narcing. Si Ninong Azul at Uncle Ido. She ruined everything if ever she becomes your first kill, it will all be worth it." Nakangisi na naman siya sa akin. I shook my head.
"Nanay siya ni Matea. Hindi ko siya kayang patayin kasi hindi maalis sa isipan ko na may isang batang nangangailangan sa kanya."
Nagkibit-balikat naman si Reese. Naupo na siya at inilabas ang baril niya. Inabutan niya rin ako ng isang bag kung saan may mga damit sa loon. Magka-size lang naman kaming dalawa.
Pumasok ako sa bathroom upang makapagpalit ng damit. Itinali ko na rin ang buhok ko. Naisip kong kailangan kong tawagan si Papay kasi kundi ay mag-aalala siya sa akin pero kasabay noon ay naisip ko rin nab aka pauwiin niya lang ako. Hindi ko na pwedeng iwan ang bagay na ito. Hindi na ako pwedeng umalis.
Nang lumabas ako ng bathroom ay naulinigan ko na ang boses ni Narcissus na hinahanap ang mag-ina.
"Tulog na si Matea. Ewan ko sa aswang na Amor na iyon. Baka patay na."
"Reese!" Si Adonis ang isa niyang kasama. Paglabas ko ng sala ay paakyat na siya sa taas pero nakita niya ako kaya natigil siya sa pagalakad. He stared at me.
"Liv..." Tinawag niya ako. Tumango ako. Parang hindi naman niya alam ang gagawin. Mahaba pa rin ang buhok niya and he's growing facial hair now. Kamukha na niya ngayon iyong maduming version ni Mario Cimmaro.
"Narcissus..." Tinawag ko rin siya.
"Tang ina! Ano ito? Checking ng attendance?!"
"Reese, umayos ka nga." Sabi naman ni Adonis. "Ano bang nangyari kanina? Bakit nasa bahay kayo ni Kuya?"
BINABASA MO ANG
No one else like you
General FictionPakiramdam ni Narcissus Eduardo Emilio ay hindi sapat ang "HOTNESS" na mayroon siya para makuha ang atensyon ng babaeng mahal niya - si Mari Olive Azul. Mula pa lang noong nagkaisip siya ay alam niyang magiging malaki ang epekto ni Liv sa kanya - or...