Challenge # 14

91.5K 3.6K 810
                                    

                  

It's positive.

Sa dami ng sinabi ni Gabrielle Reese ay iyon lang ang naintindihan ko. MAbuti at nasa bahay ako dahil hindi ko napigilan ang pagbaba ng mga luha ko. Hindi ko maisip kung anong gagawin ko at nalaman ko ito nang nasa labas ako. Baka magwala ako dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko sa ngayon. Hindi ko na nga nagawang magsabi ng "bye" kay Reese. Bigla ko na alng nabitiwan ang phone at napahikbi ako – ang maliliit na hikbi na iyon ay naging malalakas na hagulgol na dinig na dinig sa buong kabahayan. Hindi ako makagalaw. Naroon lang ako sa gitna ng sahig sa silid ko at nag-iiyak bata.

Narinig siguro ng lahat sa bahay ang paghagulgol ko kaya nagmamadaling pumasok si Papay sa silid ko at agad akong binuhat na parang bata. Kinandong niya ako at niyakap nang napakahigpit. Nakapalupot ang mga kamay ko sa leeg niya. Nakahilig ang ulo ko sa dibdib niya habang walang tigil ako sa pag-iyak.

"Baby, tell me what's wrong. You're scaring me." He kissed the top of my head. Hindi ako nagsasalita. Wala ako sa tono para magsalita. Ang gusto ko lang ay ang umiyak.

"Simoun... anong nangyari?" Si Mama yang sumunod na pumasok. I didn't know what my father did pero lumuhod si Mamay sa tabi ko ay pilit akong kinakalma. Iyon nga lang hindi ko magawa dahil ang sakit-sakit ng nararamdaman ko.

Nakabuntis nga si Narcissus. Siya ang ama ng bata. Ang sabi niya ay hindi naman niya ako sasaktan pero heto ako ngayon at hindii mapakali sa sakit. Hindi naman niya pwedeng sabihin na hindi niya iyon sinadya dahil imposible naman iyon. Ano iyon? Pagtagilid niya bigla na lang pumasok ang bur niya sa maruming kiki na iyon ng babaeng iyon at nilabasan siya?

"Anak, sabihin mo kung bakit ka umiiyak..."

"Si..." Kagat labi akong nagsalita. "Si Narcissus po... nabuntis niya po iyong babae. Si Amo-morillo..."

Lalong humigpit ang yakap ng Papay ko sa akin. Si Mamay naman ay naupo sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiiyak pero wala akong gustong gawin nang araw na iyon kundi ang umiyak lang. Hindi man nakakabawas ng sakit but crying tends to keep one sanity's intact.

Hindi nagtagal ay para akong inuugoy at nakatulog. Nang magising ako ay mag-isa na lang ako sa silid ko. Mugto ang mga mata ko. Sinubukan kong tumayo para naman lumabas. Kailangan ko rin naman na mag-move on sa mga pangyayari sa buhay ko. Nang nasa hagdanan na ako ay nasalubong ko si Red na para bang nagmamadali.

"Ate!" Sigaw niya. Wala naman akong reaksyon nang tingnan ko siya.

"Si Papay sumugod kina Narcissus!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Pinipigilan siya ni Mamay pero hindi naman nagpapigil. May dalamg kwareta'y singko si Papay!"

Kulang ang sabihin na tumakbo ako para agad na makapunta kina Narcing. Hindi ko alam kung anong balak ng Tatay ko pero alam kong hindi iyon maganda at hindi iyon makakabuti sa lahat. Si Papa yang ikalawa sa leader ng gang nila. Si Ninong Ido ang pinaka-head nila. Sa kanya kasi ibinigay ni Papay ang pangangalaga sa grupo mula nang maging asawa niya ang Mamay ko. Alam kong kasunod ko rin si Red. Umiiyak ako habang naglalakad. Finally narating ko ang bahay nila Ninong Ido.

Nagkakagulo na sa labas nang makarating ako. Naroon si Daddy KD at Daddy Judas. Si Uncle Axel ay naroon din pero wala si Ninong Ido. Si Narcissus ay buhay pa naman at nakatayo sa harapan ni Papay.

"Azul, let this go. Hayaan mo na ang mga bata ang humarap sa problema nila." Narinig ko si Daddy Judas.

"'Wag kang makialam, Judas! Hindi man puta ang nanay mo, Narcissus pero putang ina ka talaga! Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin na aalagaan mo ang panganay ko pero anong ginawa mo?! Pinaiyak mo! Sinaktan mo!"

No one else like youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon