Challenge # 11

106K 3.9K 702
                                    

Bumaba ako ng kose pagkaparada niyon sa tapat ng bahay namin. Hindi ko na hinintay si Papay na magsalita. Ni hindi ko na rin tinanong kung bakit hindi kaagad niya hinatid si Telulah sa mansyon nila. Gusto ko na lang na magpahinga at humiga sa kama ko. Gabing-gabi na noon at pagod talaga ako. Masaki tang buong katawan ko. Naiinis ako, nalulungkot at galit na galit ako kay Narcissus. Ang kapal kasi ng mukha niyang humingi sa akin ng pagkakataon tapos ako naman pala ang sasaktan niya. Sana hindi na lang niya ginawa ito para hindi naman nabahiran ng kung ano ang pagkakaibigan namin.

"Hi, Ate!" Sinalubong ako ni Violet pero hindi ko siya pinansin. Kahit na si Red na pababa ng hagdanan at si Mamay na kalalabas lang ng silid nila ni Papay ay nilagpasan ko. Ayokong makipag-usap sa kahit na kanino.

"Azul, anong nangyayari sa anak mo?" Narinig ko si Mamay.

"It's okay, Leira. She will be fine, let her rest." Ini-lock ko ang pinto at humiga ako sa kama ko. I hugged my pillow tightly at doon ako umiyak nang umiyak.

Hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko. Sakit na sakit ako na para bang hindi na ako makakahinga. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I opened my heart to him. I let him take me. I poured him my heart and yet...

He broke my heart and he broke my trust.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak. Naririnig kong kumakatok sila Mamay pero hindi ko naman sila pinagbubuksan ng pinto. Nakahiga lang ako doon at nakatagilid. Naghihintay na mawala ang sakit na nararamdaman ko hanggang sa bigla na lang lumundo ang kabilang gilid ng kama. Napabalikwas ako nang bangon.

Anong ginagawa ni Narcissus dito? Alam niyang ayokong makipag-usap sa kanya!

Pero natigilan ako nang makita ko na si Solomon ang nakaupo sa gilid ng kama ko at may dalang ice cream at Gatorade. He was reluctantly smiling at me. Naiinis na kinuha ko ang pint ng ice cream na iyon – lemon ice cream with a dash of vanilla, my favorite. Kinuha ko rin sa kanya ang kutsara at nilantakan na iyon.

"Mugto na iyang mga mata mo. Di ka pa ba hihinto?" Tanong naman niya sa akin. Suminghot ako at saka pinunas ang likod ng palad ko sa ilong ko.

"Masakit eh. Mon, bakit masakit?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi mahal mo." Mabilis naman niyang sagot.

"Bakit ganoon? Ikaw naman iyong mahal ko eh."

Nagkatinginan kaming dalawa. Nanlalaki ang mga mata niya habang titig na titig sa akin. Napanganga siya. Nagkibit-balikat naman ako.

"Baboy ka pa lang, love na love na kita. Na-realize ko iyon noong sinimulan mong habulin si Teltel. Nawawala ka na kasi sa akin, ayaw ko naman noon. Tapos naisip ko, mahal na pala kita. Since then, I had been loving you and it has been a very long time and I've been hurting for a very long time too. Pero bakit ganito? Bakit mas masakit ngayon kaysa noon sa araw – araw na nakikita kitang nagpapakatanga kay Telulah? Bakit mas masakit ngayon?"

Napahagulgol ako. Alam kong may lumabas pang ice cream sa bibig ko. Napangiwi si Mon dahil yata sa hitsura ko.

"Baka kasi mas mahal mo siya?" Malumanay ang bawat katagang sinabi ni Monmon sa akin pero ang lakas ng impact niyon sa buhay ko. Natulala ako na para lalo akong nawala sa aking sarili.

Posible ba?

"Paano mo naman nasabi iyon?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi sabi mo, mas masakit iyong nangyari ngauon sa'yo at kay Narcissus kaysa doon sa araw – araw na nakikita mo akong nagpapakatanga sa pinsan ko. Ibig sabihin, you value your feelings more for him than what you have for me." Para bang ang dali-daling sabihin iyon para sa kanya. Nakadama tuloy ako ng inis kay Solomon. Sa inis ko ay tumayo ako at lumapit sa kanya tapos sinampal ko siya ng apat na beses. Hindi naman siya lumaban sa akin. Tapos noon ay naupo ako sa sahig at saka umiyak nang umiyak.

No one else like youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon