Challenge # 21

94.4K 3.8K 585
                                    

One year later...

"Smile, Oliv."

And I did. Kahit na masakit na ang panga ko. Kahit na masakit na ang mga binti ko dahil sa five inches stilettos ko at nangangati na ang mukha ko dahil sa make-up na inilagay sa akin kanina. Ngumiti ako dahil iyon ang kailangan kong gawin.

I am in a charity ball with my other Consunji cousins – si Tia, si Telulah, si Achill – of course wala si Apollo dahil hanggang ngayon ay hindi siya bumabalik matapos ko siyang tulungan doon sa pagtakas niya kasama si Wewe – ang ex-girlfriend ni Achill na pinakasalan ni Apollo na binalikan ni Achill na itinanan naman ni Apollo. Ghad! Mas may gugulo pa ba sa kanila?

"Hija, smile! People are looking at you. Nagtataka sila kung sino ka and at the same time, they want to know more about you because you're Lukas Consunji's granddaughter that the seldom see." Ngumiti si Mama Hera sa akin. Alam kong sanay na sanay na siya sa ganitong mg parties at ganoon rin si Tia at Telulah. They're the socialites habang ako naman ay parang sampid lang sa lahat ng ito.

I miss my old friends and my old life. I sighed. Kasalanan lahat ito nang babaeng iyon dahil kundi naman niya kami ginulo ay maayos pa sana ang lahat ngayon. Hindi na naman nag-uusap si Ninong Ido at Papay. Official na naman ang break up namin ni Narcissus. Nakunan si Amorillo, pero hindi pa rin niya inaalis ang ligkis niya kay Narcissus at sa pamilya nito dahil na rin kay Matea.

Huling beses kong nakita si Narcissus ay noong gabing dinala niya sa Zambales ang helicopter na tumulong kina Apollo para makaalis sa lugar na iyon dahil hinihintay ng mga pulis si Wewe. After that, wala na akong balita sa kanya. Mayroon naman akong naririnig – mula kay Reese pero kapag sisimulan na niya ay iirapan ko siya at titigil na siya.

Friends pa rin kami ni Reese at ni Roca, kasama na rin ang iba, iyon nga lang ay bawal na akong makihalubilo sa kanila dahil ipinagbawal iyon ni Papay at ni Mama Hera. Wala akong kakampi dahil pati na rin si Mamay ay sang-ayon sa gusto ng dalawang panganay ni Lukas Consunji.

"Can I go to the restroom?" I asked her.

"Sure. Bumalik ka kaagad ha." Tumango lang naman ako. Agad akong tumalilis at lumabas sa garden kung saan wala gaanong tao. Naghanap ako ng mauupuan. Habang naglalakad at nagpapalinga-linga ay nakita ko si Achilles na nakaupo sa may poolside at umiinom ng wine. Nakababad ang paa niya sa tubig habang umiinom. Naupo ako sa tabi niya. Wala na akong pakialam kung mabasa ang gown ko.

"Huy, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Tinapik ko pa ang balikat niya.

"Wala. Nami-miss ko ang kakambal ko. Nasaan na kaya sila ni Wewe ngayon?" He asked as if wanting to know the answer. I cleared my throat. Alam ko naman kung nasaan sila. Ako pa, si Liv kaya ako. Pero sa mundong ginagalawan ko ngayon, ako na si Mari Oliv – isang bagay na kahit kailan ay hindi ko kakasanayan.

"Basta mahalaga, masaya sila, diba?"

Tumango naman si Achill sa akin. I noticed that he was staring at me and I suddenly felt awkward.

"What?"

"Ikaw, masaya ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Medyo. Nami-miss ko kasi iyong dating buhay ko. Ow I have to go to the office every day and wear that fucking corporate attire and deal with legalities. Nakakasawa na. Gusto ko iyong may excitement! Gusto ko iyong may thrill. Ayoko nang ma-stuck sa apat na sulok ng office na iyon na ang tangi ko lang nakikita ay iyong picture ni Lolo Lukas, Lolo, Adam at Lolo Sancho na para bang tinitingnan kung anong gagawin kong mali tapos sisigawan nila ako ng Hoy, Mari Oliv! Nakakahiya ka!"

Tumawa nang tumawa si Achilles sa akin. Totoo naman kasi ang sinasabi ko. Sa loob kasi ng office ko ay may picture ng big three – iyon kasi ang dating office ni Uncle Hermes at dahil hindi pa ako masyadong settled at hindi pa siya nakakapag labas ng gamit ay naroon pa rin ang litrato na iyon.

No one else like youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon