Five years after Solomon's comeback...Nahihilo ako. Alam kong nahihilo kasi umiikot ang mga numbers na kaharap ko. Simpleng computation lang naman ang ginagawa ko pero alam kong nahihilo ako. Sobrang hilo na napapapikit ako. Tinigilan ko muna ang ginagawa ko at saka sumadal sa swivel chair kung saan ko nakaupo. I closed my eyes and tried to calm my nerves. I just couldn't take the news anymore.
Solomon has a girlfriend. And it's not Telulah. The last I heard about her was that she passed the bar exams in New York. Pangatlo siya sa pinakamataas ang naging grades. Masaya ako para sa kanya. Ang alam ko rin ay wala siyang balak na bumalik dahil gusto niyang tuparin ang lahat ng kanyang pangarap. My Uncle. Ares Consunji is very proud of her. Nakakatuwa naman talaga kasi ang achievements ni Telulah. Napakatalino niya. Kaya lang madalas pa rin akong mayamot sa kanya, iyon nga lang, maling tao ang kinayayamutan ko – hindi pala ako sa kanya dapat magalit kundi kay Rebecca.
Si Rebecca ang sinasabing girlfriend ni Solomon. Hindi ko siya klala personally. Minsan lang siyang naikwento sa akin ni Solomon, sinabi niya lang na nagde-date sila for three months. I thought that it's just one of those flings of his, kaya lang bigla ay nabasa ko sa facebook status niya na Exclusively Dating na sila ng Rebecca na iyon.
It hit a spot – a very big spot.
Limang taon na kaming mukhang tangang nagpapakiramdaman. Ang buong akala ko ay nakikita na niya ako pero wala. Nakikiuso yata si Solomon ngayon.
May carrot man.
Cabbage man.
Sako man.
Tapos si Monmon MAN-hid!
Putang ina! Mula katorse ako nagpapakatanga na ako sa kanya, hanggang ngayon walang nangyayari!
Patayin sa Sindak si Rebecca.
Nagmulat ako nang mata nang marinig ko si Red na nagsalita. Sa kakapikit ko ay hindi ko na namalayan na nakapasok na si Red sa kwarto ko. I should really get my own place. Twenty – six na ako. Dapat siguro na bumukod na ako. Parang si Narcing, may sarili na siyang pad at umuuwi na lang siya sa bahay nilakapag Sabado at Linggo para makasama ang mga kapatid niya o kaya man uuwi siya kapag wala na siyang makain sa pad niya.
Patay gutom kasi si Narcissus. Kung pwede lang na iuwi niya si Mamay ko sa pad niya para may tagaluto siya ay gagawin niya. Doon nga sa kabubukas naming restaurant ay walang hiyang labas-masok siya sa kusina at kapag lumabas ay may baong brown paper bag na may pagkain na bigay ni Mamay. Para bang kaya na lang ako naghahanap-buhay ay para sa kanya.
"Anong ginagaw mo dito, Red?" Nakasimangot ako.
"Ate, tumawag si Ate Reese, kanina ka pa daw siya nag-te-text sa'yo, hindi ka naman daw sumasagot. Punta daw tayo sa Range. Nandoon sila. Paintball daw. Kasama din ni KS iyong syota niyang si Rebecca."
Nag-init lalo ang ulo ko. Binuksan ko ang drawer ko at inilabas ang Magnum 45 Caliber kong baril na regalo sa akin ni Papay noong sixteenth birthday ko.
"Tara. Ikaw mag-drive ng Panamera ko." Ibinato ko sa kanya ang susi.
"Yes!" Napasuntok pa siya sa hangin. Itinago ko ang baril ko sa likuran ko at lumabas nang silid. Nasalubong namin si Violet na nagbabasa na naman ng kung ano-anong libro niya. My sister is kinda weird. Hindi ko alam kung bobo siya o autistic. Basta may sarili siyang mundo.
"Saan kayo?" Tanong niya.
"Sa lugar na hindi pwede sa'yo." Mataray na wika ko.
"God! Gagawa na naman kayo ng violence? That's against the law!"
BINABASA MO ANG
No one else like you
General FictionPakiramdam ni Narcissus Eduardo Emilio ay hindi sapat ang "HOTNESS" na mayroon siya para makuha ang atensyon ng babaeng mahal niya - si Mari Olive Azul. Mula pa lang noong nagkaisip siya ay alam niyang magiging malaki ang epekto ni Liv sa kanya - or...