Chapter 17

15 0 0
                                    

"bitiwan mo mo Angelo,hinihintay na ako ng anak ko".. Nabigla siya at iyon ang nasabi niya..

Ang totoo ay ayaw niyang malaman na may anak siya pero sa totoo lang ay kanina pa siyang nag aalala sa anak dahil hindi siya sanay na malayo sa bata...

Mejo lumuwag ang pagkakayakap sa kanya ni Angelo.. At dahan dahan siyang iniharap sa kanya...

"Thea,anak ko ba si Gelo?,tapatin mo ako please, dahil kung totoo man ay karapatan ko sigurong malaman yun.." seryoso na ang mukha ni Angelo at pilit na hinuhuli ang mga mata ni Thea na hindi makatingin sa binata...

"mejo gumagabi na Angelo gusto ko ng umuwi,hinihintay na nila ako dun".. Nag aalangan na sagot ni Thea at dahil na rin sa pag iwas nito sa tanong ng binata..

"naghihintay?sino? Ang asawa mo? Ang bilis din noh,ibinigay mo sa akin ang pinaka iingatan mo tpos wala lng sayo? At nagawa mo agad makipagrelasyon sa ibang lalaki at mabilis pa kaung ngka anak? Anong klase kang babae"..

Sinabi niya lang ito para galitin si Thea at magsabi ito ng totoo. Kilala niya na si Thea simula pa lamang... At hindi nga siya nabigo...

"How dare you Angelo!, sino ka ba pra pagsalitaan ako ng ganyan ha? Ilang taon Angelo,ilang taon kitang iniyakan,ilang taon ang nasayang sa akin dahil sayo!, at kung iniisip mong pakawala akong babae,cge bahala ka sa gusto mong isipin." biglang lumambot ang boses ni Thea sa mga sumunod na sinabi nito..

"at ng gabing ibigay ko sayo ang katawan ko,hindi ko iyon pinagsisihan dahil sayo ko ipinagkaloob, sayo na lalaking minamahal ko na ng palihim simula pa lang.." at muli n nmn siyang nagalit...

"pero anong ginawa mo ha, iniwan mo ko sa ere,at ang nasakit pa dun bigla ka nlng nagpakasal at ako pa tlga ang kinuha mong judge sa kasal niyo ha!,nananadya ka b? Na pasakitan ako .hanggang kailan mo ba ako sasaktan?, tama Angelo,tama na, pagod na pagod na ako..." hindi na niya napigilan ang sarili at humagulhol na siya sa pag iyak...

Naawa si Angelo at kaagad niya itong niyakap pra mapatahan. At ang nakakagulat ay hindi tumutol ang kaninang galit ba galit na si Thea.

Halos mabasa na ang dibdib ni Angelo dahil sa mga luhs ni Thea..

Inalo alo niya ito at hinagpos ang likod upang tumahan saka siya nagsalita..

"Thea, kinabukasan pagkatapos ng mangyari sa atin,papunta na ako sa inyo pra mg confess ng nararamdaman ko sayo, ng biglang dumating si Cass.. Sinabi niyang buntis siya at ako ang ama. Kung hindi ko pananagutan ay hindi ko makikita ang bata.. Gulong gulo ang utak ko sa mga oras na iyon..."

Napatingin siya kay Angelo. Alam niya ang pakiramdam dahil isa na siyang ina ngayon at hindi niya rin makakayang mwala ang kanyang anak...

Ngpatuloy si Angelo...

"yung kasal namin hindi ko alam na ikaw ang kinuha niyang judge. Hindi ko din alam ang araw ng kasal namin. Wala akong gustong gawin kundi ang puntahan ka ngunit naipit na ako sa sitwasyon. Wala na kong magawa. Pagkatapos ng kasal namin ay doon n nagsimula ang miserable kong buhay. Natuto akong mambabae,mgpakalunod sa alak at lahat ng bisyo sinubukan ko na.. At iyon siguro ang dahilan ng pagkakalaglag ng aming anak. Hindi ako naging mabuting ama. Napakasama ko..." ...

Naramdaman ni Angelo na bahagyang yumakap sa kanya si Thea kaya napahinga siya ng malalim..

"Thea maniwala ka sana, ikaw lng ang minamahal ko mula pa noon at hanggang ngaun.. Please patawarin mo na ako..."

Huminga rin ng malalim si Thea at saka tumingin sa binata ngunit hindi siya nagsalita,bagkus ay yumakap siya dito at isiniksik ang kanyang ulo sa dibdib ng binata..

Hinagkan ni Angelo ang ulo ni Thea at saka niyakap ito ng mahigpit...

Naiintindihan na ni Thea ang lahat at sa mga oras na iyon ay isa lang ang tanging hangad niya. Ang maramdaman ang mga bisig ng binata...

Nagtagal pa silang magkayakap hanggang sa kumawala si Angelo at hinawakan sa magkabilang pisngi si Thea sabay hinagkan niya ang dalaga..

Masuyong halik na naghihintay ng tugon. Hindi siya nabigo dahil unti unti niyang nramdaman ang pagtugon ni Thea.

Halik ng pananabik sa bawat isa. Na parang ayaw nilang matapos pa..

Kapwa sila hingal ng mglayo ang mga labi nila at ang mga matang kaninay galit ang makikita, ngaun ay maningning na at animoy nagkakaintindihan kahit hindi sila magsalita...

"Angelo,may kailangan ka ring malaman." lumayo ng nahagya si Thea kay Angelo saka nagsalitang muli .

"Si Gelo-" naputol ang sasabihin niya ng mg ring ang kanyang telepono..

"hello ma?- halos mabaliw siya sa kanyang narinig sa kabilang linya..

Nawawala ang anak niya at pinangangambahang ito ay na kidnap base na rin sa mga testigo na nakakita sa papalabas na sasakyan sa mansiyon...

Gumuho ang mundo niya. Hindi alam ang gagawin. Pati si Angelo ay natataranta dahil hindi niya alam kung bakit nagka ganun si Thea.

"ang anak ko Angelo, nawawala ang anak ko."halos mgwala na siya sa mga oras na iyon..

Kaagad namang isinakay ni Angelo si Thea sa kanyang sasakyan at saka nagmamadaling pinatakbo ito patungo sa bahay nina Thea. Hindi mapakali si Thea kaya hinawakan niya ang kamay nito. Nanginginig ang buo niyang katawan at naawa na sa kanya si Angelo..

Nakalimutan tuloy ni Angelo ang kanyang ina kaya tatawagan sana niya ngunit nabasa niya ang text nito na nkauwi na daw ng bahay ang ina...

Ginagap niyang muli ang kamay ni Thea saka hinagkan ...

Wla ng pakialam si Thea. Ang gusto niya lang ay ang makauwi at malaman kung anong nangyayari..

......

"hi baby,malapit na tayo kay mommy,behave ka lang jan ha.." sabi ng lalaki kay baby Gelo...

Nakatingin lamang ang bata sa mga lalaking nakasakay ng sasakyan at hindi nagsasalita..

Napapayag nila itong sumama dahil sinabing may nananakit daw sa mommy nito.

Mahal na mahal ng bata ang kanyang ina kya sumama siya kaagad...

Wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari...
....
.....

Your Song Presents_ I Miss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon