Chapter 21

12 0 0
                                    

"Manang pakipalitan po muna si Gelo ng damit, pawisan na kasi siya, Thank you po"

Ipinasok na ng katulong si Gelo sa loob at naiwang mg isa si Thea sa labas ng bahay nila. Nagdilig siya ng halaman upang hindi siya mainip.

Sakto nmn pagpasok ni Angelo sa gate ng kanilang bahay. Kaagad siyang pinapasok ng driver dahil kilala siya nito. Hindi niya idineretso ang sasakyan at bumaba na siya doon at naglakad na lamang papasok.

Mejo malayo din ang gate ng bahay sa mismong mansiyon. Magagandang halaman ang makikita mo dito. Hilig talaga ni Thea ang mga bulaklak. Pasimple siyang pumitas ng isang bulaklak sa mga tanim at nagpatuloy sa paglalakad...

Habang si Thea naman ay abala pa rin sa pagdidilig ng halaman..

Kinakausap pa niya ang mga ito na akala mo ay may buhay na maaari siyang pakinggan..

"Alam mo ba,na mimiss ko na siya, as in.. Akala ko nga hindi ko siya makakayang harapin, pero mali ako.. Maling mali.." bigla pa xang napakanta sa pag aakalang siya lamang ang tao doon...

" i miss you, there's no other way to say it and I cant deny it"

"I miss you too".. Isang tinig mula sa kanyang likuran ang nagsalita

Nagulat si Thea pagkarinig sa boses kayat naitutok niya ang host sa taong nagsalita dahilan ng pgkakabasa nito..

At ngaun ay animoy basang sisiw si Angelo...

"A- Angelo?, sorry hindi ko kc alam-"... Natatarantang wika ni Thea...

Taranta sa pagkakabasa kay Angelo?
O
Taranta dahil baka narinig nito lahat ng sinabi niya sa halaman.... :)

"Ok ka lang ba,wait lang ikukuha kita ng towel..-" ng hahakbang na siya palayo ay pinigilan ni Angelo ang kanyang mga kamay kaya hindi siya naka alis...

"Thea, masyado ka namang ntataranta. Pra kang nakakita ng multo.. Ok lang ako huwag ka ng mg abala.." sabay abot sa bulaklak na noon ay basang basa na rin at kalas na ang ibang petals nito...

"pasensiya ka na ha,iyan lang ang nakayanan kong pitasin. Biglaan kasi.."

Inabot ni Thea ang bulaklak saka napangiti ito...

"next time doon ka pipitas sa may malapit sa gate kasi malalaki na ung flowers dun. Hindi gaya ni bubot pa"

Napakamot sa ulo si Angelo sabay ngiti...

Napangiti na rin si Angela..

Napalitan na ng katulong ng damit si Gelo at dadalhin na dapat niya ang bata sa ina nito ngunit napigilan siya ng ina ni Thea..

Kanina pa palang nakamasid sa dalawa ang ina ni Thea at nangingiti pa ito..

Kinuha niya ang bata at ipinag utos na huwag istorbohin sina Thea at Angelo.. Umayon nmn ang katulong..

"sabi ko na nga ba at may FOREVER".. ngiting ngiting naglakad palayo ang ina na karga na si baby Gelo..

"lola,where is mommy?," sabi ni Baby Gelo sa lola niya...

"your mommy is with your Daddy. So let them talk and after that you can play with your dad.."..

"really?, I have a daddy?" nagnining pa ang mga mata ng bata habang ngsasalita..."yes, yes, yes, yes!, " at ngtatalon n naman ang bata...

Sa hardin nmn...

"Thea, your husband,where is he?" nakayukong wika ni Angelo dahil ayaw niya malaman na totoo ngang may asawa na ito...

Nakaisip tuloy ng kalokohan si Thea...

"aahmmm wala siya eh,wala pa.. Bakit mo naitanong? Gusto ng matawa ni Thea pero pinipigilan lang niya lalo nung makita niya ang reaksiyon ni Angelo..

"so you mean?" sobrang lungkot na ng mukha ni Angelo at gusto ng umiyak..

"bakit napapangiti ka Thea?, may nakakatawa ba?" pahabol pa nito..

Hindi na kasi mapigilan ni Thea ang sarili at napatawa na ito..

"wala naman,msama bang tumawa?" at tumalikod na ito kay Angelo..

"Thea anu b? Hindi ako nakikipagbiruan..."

"Bakit ba Angelo,hindi rin naman ako nakikipagbiruan sayo db!"..

"pero bakit ka nga tumatawa?"

"kasi ang mukha mo biglang nagbago at naiiyak ka na oh..."

Yumuko ulit si Angelo at saka nagsalita..

"dahil huli na ako Thea, may iba ka ng mahal pala"..

"sino nagsabi sayo na may bago na akong mahal?"

"kasasabi mo palang na may asawa ka na db?"

"may sinabi ba ako? Sa pagkaka alala ko tinanong mo ako kung nasaan ang asawa ko, ang sagot ko nmn wala siya, wala pa.. May mali ba sa sinabi ko,"...

Biglang napaisip si Angelo at doon niya lang naintindihan ang sinabi ni Thea..

"ang ibig mo bang sabihin na wala pa siya ay wala pa tlga?as in wala ka pang asawa? Hindi yung wala pa siya kc wala siya sa bahay?" sunod sunod na salita ni Angelo...

Tumango lamang si Thea...

"para saan yang tango mo? Thea naman eh,huwag mo nga akong niloloko..." nayayamot na si Angelo..

"ang sarap mo pa ring asarin kagaya ng dati..."

Dahil sa sinabi niya ay kaagad na kinuha ni Angelo ang hose at binasa niya si Thea...

Nagkulitan ang dalawa na animoy sila lang ang tao doon..

Halos basang basa na sila pareho dahil nakikipag agawan si Thea sa kanya sa hose...

Hanggang hinapit siya ni Angelo papalit sa katawan nito..

Kapwa sila natigilan. Natahimik at tanging lagaslas lamang ng tubig mula sa hose ang maririnig...

At ang mga susunod na eksena ay not so rated spg..haha.. Kiss lang nmn kc.. Mamaya pa ung spg..hehe..

Biglang naglapat ang kanilang mga labi.. Matagal at halik na may kasamang pagmamahal.. Halik na hindi mababayaran ng kahit anong yaman sa mundo..

Mahal na mahal pa rin nila ang isat isa at yun ang mahirap itanggi.. Mahirap ikubli at mahirap pigilan..

Kahit na may mali sa kanilang nraramdaman..

Mali

May mali

Biglang napahinto si Angelo at naisip niyang may mali...

"Thea, Im sorry, mali to, mali ako, patawad, patawarin mo ako pero mahal na mahal kita sobra..."

Napaupo siya sa damuhan at hawak niya ang kanyang buhok at napasabunot pa dito...

Umupo na rin si Thea. Tinabihan niya si Angelo..

"Si Cass, sinabi niya sa akin na hanapin ko ang kaligayahan ko, pinalaya na niya ako.. Pero hindi maaari dahil sa mata ng batas, kasal kmi at hindi tayo magiging masaya..." paliwanag ni Angelo..

"may kailangan kang malaman, pati na rin si Cass.. Kailangan kong makausap si Cass.." ikinawit niya ang kanyang kamay sa braso ni Angelo at saka humilig dito...

Your Song Presents_ I Miss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon