Mabilis na kinuha ni Angelo ang singsing na noon ay hawak pa rin ni Thea at isinuot ito sa daliri ng dalaga..
"akin ka na Thea,misis ko,akin na akin ka ng tlga.., kita nyo ha akin na xa oh, akin lang." tuwang tuwang wika ni Angelo na akala mo nmn ay ka close ang mga taong naroon at nanonood sa kanila..
"kiss kiss kiss" sigawan ng mga tao at pinatunog pa ang knilang mga baso..
Tinitigan siya ni Angelo at marahang inayos ang buhok na tumatakip sa mukha ng dalaga at kaagad niya itong ginawaran ng halik. Masuyong halik na lalong nagpasigaw sa mga naroroon...
Magkahawak kamay silang lumabas ng shop at kapwa nakangiti at bakas ang sobrang kaligayahan...
.....
Sa loob nmn ng presinto.."Cass?, salamat, salamat at naalala mo ako, " niyakap niya kaagad ito..
Napansin ni Cass ang mga sugat nito sa mukha at sa braso.. Naawa siya kay Justin.. Napayuko nmn si Justin at saka nag kwento..
Ikinuwento niya ang lahat pati na rin ang laman ng sulat. Kitang kita ni Cass kung gaano ito nagsisisi sa mga ginawa niya at ramdam din niya ang pagbabago ng puso nito.. Wala na ang galit sa mukha niya pra kina Angelo, kundi pagsisisi na lamang ang natitira..
"Justin,magpakatatag ka,...... Pra sa baby natin..." sabay haplos niya sa kanyang tyan...
Napanganga si Justin at hindi makapaniwala sa narinig...
Gusto niyang magtatalon sa tuwa. Gusto niyang magwala sa kaligayahan..
Magkaka anak siya kay Cass? Hindi ito kapanipaniwala pero totoo ang lahat..
Nangako siyang mgpapakatatag at gagawin ang lahat. Mgpapakabuti siya sa loob pra sa kanyang baby at pra kay Cass..
At iyon nga ang ginawa niya...
...Masaya sa mansiyon nina Thea, nandoon ang ina ni Angelo dahil pormal na nilang pina plano ang kasal ng dalawa.. Masaya nmn si Baby Gelo na kalaro ang kanyang ama..
Nakasakay pa ito sa likod ng ama at animoy ginawang kabayo ang ama na pina palo palo pa sa likod..
Masaya din si Thea na pinagmamasdan ang kanyang mag ama..
Napgkasunduan nila na pagkatapos na lamang ng kaso isasagawa ang kasalan. Madami pa rin kasing dapat adikasuhin doon..
Mas mapapadali nmn ang kaso dahil umamin na si Justin sa lahat ng kasalanan niya.. Si Cass nmn ay pinatawad n ng pamilya ni Angelo...
Masaya ang lahat at pra kay Thea,wala na siyang hahanapin pa...
Gusto din makasama ng ina ni Angelo ang kanyang apo kaya humiling ito na doon na muna tumuloy ang mga ito sa bahay niya..
Nasasabik siya sa mag ina... Pumayag nmn ang mama at papa ni Thea..
Kay ng umuwi ay kasama na nila ang mag ina..
Si Angelo ang ng drive ng sasakyan habang katabi niya si Thea..
Ang kanya namang ina ay nasa likuran at kandong ang mahal niyang apo na noon ay nakikipagdaldalan sa lola at pinagyayabang pa nito ang mga chicks daw niya sa mall..
Naiiling lamang si Thea sa kalokohan ng kanyang anak..
Tiningnan siya ni Angelo saka kinuha ang kanyang kamay at hinalikan..
Hawak pa rin ni Angelo ang kamay niya at ngaun ay nakapatong na ito sa gawing hita niya...
Hilig niyang naka short sa twing aalis.. Hindi nmn halata sa kanya na may anak na dahil sa ganda ng kutis at hubog ng katawan..
Naramdaman ni Thea ang pagtaas ng kamay ni Angelo kaya pinalo niya ito.. Nagulat pa ang mglola sa likod ngunit hindi na ulit sila pinandin dahil busy ang dalawa sa pgkukwentuhan..
"Angelo anu ba,pasaway ka tlga,"pabulong niyang wika kay Angelo.. "mg drive ka na nga lang jn ,kung anu anong naiisip mo jn."pagalit niyang wika dito sabay umirap pa xa at tinabig ang kamay ni Angelo..
ngingiti ngiti lamang si Angelo at nagbiro pa ito..
"hindi ko na kaya Thea" at sinabayan pa nito ng makahulugang titig sa dalaga..
Namula tuloy ang mukha ng dalaga at hindi makatingin kay Angelo,nakagat pa niya ang kanyang ibabang labi sabay itinuon ang titig sa bintana ng kotse..
Ibinababa pa niyang pilit ang maiksing short na soot nya..
Ngiting ngiti nmn si Angelo sa nakitang reaksiyon ng dalaga..
"joke lang Thea,ikaw nmn prang hindi pa tayo magiging mag asawa,dapat hindi ka na nahihiya sa akin.."
Hindi sumagot si Thea at nanatiling nakatingin sa labas...
Pero napaisip siya sa sinabi ni Angelo.. Ngunit hindi niya nmn maiwasan ang sarili na hindi mahiya.. Dahil sa tuwing mgkakalapit sila ay pra siyang matutunaw, sa tuwing mgkakadikit silang dalawa ay animoy nakukuryente siya. Hindi niya mapigilang kiligin.. Dalawamput pitong taon na siya pero feeling niya isa siyang teenager...
Siguro dapat ngang sanayin na niyang hindi kinakabahan kpg mgkasama silang dlawa.. Oo gagawin n niya at kailangan hindi na siya maiilang dito...
Nakarating sila sa bahay ng ina ni Angelo kung saan dito muna sila tutuloy.. Inayos nila ang kanilang mga gamit at itinuro ng kanyang ina ang magiging kwarto nila ni Angelo...
Kami ni Angelo? As in kmi lng dalawa? Sabi ng isip niya..
"kay baby Gelo na lamang po ako tatabi pti hindi po ako sanay ng wla xa sa tabi ko.." palusot ni Thea..
"tani kmi ng apo ko at miss ko kya ito,pagbigyan mo na ko at sobra akong nangulila sa apo ko.."
Ng thumbs up nmn si Angelo sa ina na noon ay nsa likod na pla ni Thea...
Kunwaring nilavpasan niya ang mga ito ngunit ngiting ngiti naman ang loko..
Dumiretso na siya sa kwarto at dinala ang kanilang mga gamit ni Thea.. Inutusan nmn ng ina na isunod ni Thea ang iba pang mga gamit nila ni Angelo sa kwarto..
"sa akin muna ang apo ko habang nandito kayo, kayang kaya ko na ang poging poging ito." sabay kurot sa pisngi ng apo..." Tuturuan ko n din itong magtagalog at nauubusan na ako ng english sa batang ito"....
Kung bakit ba kasi hindi siya nasanay na kausapin ito ng tagalog. Iyan tuloy hindi marunong mg tagalog..
Dinala na niya ang mga gamit sa kwarto. Inilapag niya ang mga ito sa sahig at pinagmasdan niya ang loob ng kwarto..
Maganda siya,malinis at mabango pa.. Hanggang sa mapadako siya sa gawi ng kama.. Bigla na naman siyang kinabahan...
![](https://img.wattpad.com/cover/64510697-288-k571634.jpg)
BINABASA MO ANG
Your Song Presents_ I Miss You
RomanceThought I heard your voice yesterday Then I turned around to say that I loved you then I realized that it was just my mind playing tricks on me.... It seems colder lately at night and I try to sleep with the lights on Everytime the phone rings I pra...