"Mam Thea pinapatawag po kayo na mama niyo"...
Isang katok ng kanilang katulong ang pumukaw sa kanyang diwa..
Inayos niya ang kanyang sarili at saka tumugon sa kumatok at nagsalitang katulong...
"ok po manang lalabas na po ako"
Isang punas pa ulit sa huling patak ng kanyang luha at sabay ang pag aayos sa sarili saka ito lumabas...
"go Thea Fuentes kaya mo to at kakayanin mo ang lahat pra sa sarili mo...
Althea Fuentes, pero mas gusto niyang tinatawag na Thea. Nagtapos siya bilang isang abogado pero sarili niyang puso hindi niya maipagtanggol.. At pagdating kay Angelo palagi na lamang siyang talo..
Paglabas niya ay nakita niya agad ang kababatang si Angelo na nakikipaglaro sa kanyang aso.
Kasunod noon ay nakita niya ang kanyang mama na nag aayos ng bulaklak sa flower vase.
Nilapitan niya ito sabay halik sa pisngi.."ma bkit mo ko pinapatawag?" wika niya sa ina na noon ay busy pa rin sa mga bulaklak...
"tumawag ang daddy mo kanina anak at pinapupunta ka na niya sa America. Kailangan ka niya doon pra sa negosyo natin. And besides 25 taong gulang ka na, cguro nmn ay may balak ka na ding lumagay sa tahimik, ayusin mo na ang buhay mo anak dahil hindi palaging nandito kami ng papa mo.." pglilitanya ng kanyang ina...
Mejo nagdiwang ang kanyang puso dahil sa dati pa lamang ay hangad na niya ang makapunta sa America pra na rin makaiwas sa sakit...
Oo sakit tlga,as in sobrang sakit sa kalooban at sa puso..
Sakit na hanggang ngaun ay hindi maghilom hilom at wala na atang pag asang gumaling pa...
Kagaya ng pag asang mahalin din siya ng kababatang si Angelo...
Oo mahal niya ang kababata niya.. At minamahal niya ng palihim dahil sa alam nmn niya na kapatid lamang ang turing nito sa kanya at walang kapag a pag asang mamahalin din siya nito...
Mahirap talagang mgmahal ng patago lalo pa at palagi mo itong nakikita at nasusubaybayan lahat ng kilos niya...
Ksama pa niya mula ng tumapak siya sa skwelahan hanggang maka graduate ng kolehiyo..
Nakikita din niya kung paano itong mgmahal at msaktan sa mga ngiging girlfriends nito at siya ang nagiging takbuhan nito...
Ang sakit no,yung tipong nayayakap mo nga siya at nahahalikan sa pisngi pero wla lng nmn yun dahil pra sa lalaki isa lng siyang kapatid..
Ng malaman niya ang kanyang pag alis ay kaagad siyang sumang ayon dahil na rin sa pabor ito sa kanya.. Makakaiwas na siya sa lalaking gusto na niyang kalimutan...
Sa damdaming ibabaon na lamang niya hanggang kamatayan....
.....
Walang imik si Angelo at nakikinig lamang sa usapan ng mag ina...Mula ng maka graduate ito sa kursong chemical engineering ay nagsimula na siyang mgtrabaho sa isang laboratoryo na gumagawa ng mga gamot... Maganda din ang pamumuhay ng pamilya nila..
Si Angelo de Vera na mas kilala bilang Gelo, matalino at lapitin ng mga babae pero never siyang naging playboy. Totoo siyang magmahal buhat na rin sa nakikita ng nakararami. Pero totoo naman talaga na tapat siya sa babae dahil never pa siyang ng two timer.
Tapat man siyang mgmahal ngunit madali lang itong maka move on dahil na rin sa tulong ng kababata niyang si Thea. Magiliw ito at palaging nanjn pra sa kanya...
Ng mrinig niya ang pag alis nito ay may kung anong lungkot sa puso niya ang kumawala. Hindi niya ito maipaliwanag..
Malamang ay dahil nakasanayan na niya ang presensiya ng dalaga.. Oo hanggang doon lamang nga iyon at wala ng iba...
...
Nilapitan niya si Thea at sabay inakbayan ito kasunod ang kunwaring malungkot na mukha dahil sa narinig niya..."iiwan mo na ko? Hindi mo na ba ako mahal? Basta basta ka na lamang aalis." pgmamaktol nito sa dalaga sabay tungo pa na animoy batang iniwan ng kalaro...
"ano ka ba hindi pa ko mamamatay at mas ok na din na lumayo na ko sa iyo ng matuto ka ng harapin lahat ng kalokohan mong ginagawa. Nasisira na yung diskarte ng ibang lalaki sakin dahil sa palagi mong pgdikit dikit..." si Thea na inalis pa ang pgkaka akbay ng binata...
Ang totoo ay nagsisimula pa lamang na may manligaw sa kanya ay binabasted na niya ito kaya hanggang ngaun hindi pa siya ngkaka boyfriend...
Kasi nga si Angelo ang gusto niya...
Pinagmamasdan sila ng kanyang mama sa malayo habang nghaharutan ang dalawa.. My pgbuhat pa ng binata sa dalaga at pg ikot ikot niya dito...
Nsanay na siya na mkita ang dalawa sa ganoong sitwasyon. At kung sila man ang magkakatuluyan ay hindi siya tututol sa dalawa.
Ewan nga ba niya kung bakit hindi ngkaka developan ang dalawa samantalang kung mgharutan daig pa ang mg dyowa...
Hindi na siya nakatiis at lumapit siya sa dalawa na utas na ng kakatawa...
"kanina lang ngkakatampuhaN kau tpos ngaun ang sweet nyo na ulit. Daig niyo pa ang mg boyfriend. Pero kung mgkakarelasyon man kayo ay hindi ako tututol,tutal kilala ko nmn na itong si Angelo at alam kong aalagaan ka niya anak..."sabay kindat pa nito sa anak...
"eh tita sa ugali ng anak mong prang amasona hindi ko ata kakayaning makasama ito sa iisang bubong lalo pa ang masing asawa.."sinabayan pa nito ng isang malakas na halakhak...
Prang binugbog ang puso niya dahil sa inasta ng binata. Gusto na niyang umiyak dahil sa narinig pero hindi maaari. Paulit ulit n siyang nsasaktan at ayaw na niya sa nraramdaman niya...
Ngpaalam muna siya saglit sa dalawa ngunit hindi ngpahalata na apektado siya..
"ikaw Angelo De Vera kung umasta ka pra nmng gugustuhin kong mapangasawa ka e ang hangin nmn ng utak mo... Cge na mg retouch muna ako at may date pa ko mamayang gabi".. Ngiti ngiti niyang iniwan ang dalawa ngunit naririnig pa rin niya ang tawa ng binata...
Naiiling lamang ang mama niya at ntatawa na rin...
"Hindi man lang apektado khit nrinig niya na may date ako mamaya. Siguro akala niya nagloloko lamang ako, pwes totoo kya yun".. Ngmamaktol niyang wika sa sarili..
Pg pasok niya sa kanyang kwarto at padabog niyang dinamba ang kanyang kama at sinuntok suntok niya ito na pra bang mukha ni Angelo na gusto niyang lamugin...
..."aaaahhhhh bwisit ka Angelo, bwisit. Lagi ka na lng nakakasakit.bkit ba hindi mo ko maramdaman.. Pangit ba ako?..mabait nmn ako ah... Pero huwag kang mag alala dahil mula ngaun tapos na tayo."
Tayo? E hindi nmn naging kayo,,umayos ka Thea,walang sayo..ok?..."sabi ng kontrabidang isip niya...
Hindi niya nai lock ang pinto kya mejo naka awang ito...
.....
BINABASA MO ANG
Your Song Presents_ I Miss You
Storie d'amoreThought I heard your voice yesterday Then I turned around to say that I loved you then I realized that it was just my mind playing tricks on me.... It seems colder lately at night and I try to sleep with the lights on Everytime the phone rings I pra...