Chapter 15

13 0 0
                                    

Nagkaroon ng kasunduan ang dalawang ginang na itatago muna nila kay Angelo ang katotohanan at hayaan na ang mga anak na lamang nila ang mkapag usap sa bagay na iyon.

Si Angelo nmn ay hindi makalimutan ang mukha ni Gelo at ang pagkakakita niya kay Thea. Hindi niya maikaila ang pangungulila kay Althea. Gusto niya itong muling mahalikan, mayakap at maangkin.

Hindi nawawala ang pagmamahal niya sa dalaga kahit sa pagkaka alam niya na huli na ang lahat at may bago na itong minamahal..

Kaya pinipilit niyang pakisamahan na lamang si Cass na sa tingin naman niya ay nagbabago na ito. Naging mabuti itong asawa sa kanya samantalang siya ay hindi at naging dahilan pa ng pagkakalaglag ng kanilang anak.

Kung buhay sana ang kanilang anak ay malamang na kasing laki na nito ang anak ni Thea.. 

Kasing laki, you mean halos kasing edad pa ata! meaning may nakarelasyon kaagad si Thea matapos nilang mgahiwalay? Ang bilis nmn ata, sabagay ako man sobrang bilis nga ngpakasal.... sa iba....

Pero paano kung.. kung.... ahhhh hindi maaari ... pero paano kung tama ako ng iniisip ko?

Bakit nmn niya itatago sa akin kung sakali man?

Pero bakit nga ba niya sasabihin eh kung ako nga itong nagloko sa aming dalawa at basta na lamang hindi nagparamdam at nagpakasal pa...

Pero kung ako man ang ama ng bata, karapatan ko pa ding malaman iyon. Kailangan kong malaman ang lahat. Kailangan na sigurong harapin ko siya at kausapin. Kailangan ko ding mag sorry sa kanya at tuluyan ng magpaalam at pra hindi ko na din magulo ang pamilya niya.

Mukha namang masaya na siya sa bago niyang minamahal.

Sana ako na lang........ ulit....

(asa ka pa) :)

..........

"Ma? saan ka galing? wala ka naman sinabi sa akin na aalis ka db.." si Thea na kausap ang kadadating lamang na ina..

"Anak nmn malaki na ko at kaya ko na ang sarili ko. Hindi ko na kailangan pang magpa alam ok?, nag jogging lang ako jan sa may labasan..." pgtapos ay naglakad na ito papasok sa sariling kwarto..

Kakamot kamot lamang sa ulo si Thea dahil sa sinabi ng ina.. Sino ba namang maniniwala na nag jogging ito kung nka high heels at dress pa ito. Nku naman maling alibi pa..

"Si mama talaga kahit kailan napaka joker..." ngingiti ngiti na lamang siyang nilapitan si Gelo na naglalaro ng basketball sa bakuran. May sarili kasi itong bola at maliit na ring na ibinigay sa kanya ng kanyang lola nung mg 2 years old na ito..

.........

Si Cass at Justin na nag uusap sa isang cafeteria..

Nkipagkita si Cass dahil gusto na niyang putulin ang lahat ng ugnayan nila ni Justin pero si Justin ay hindi pumayag sa gusto niya bagkus ay pinagbantaan na naman siya..

"Ayoko na Justin,please palayain mo na ako please, nagmamaka awa na ko sayo. Masaya na kmi ni Angelo. Huwag mo ng sirain ang matagal ko ng pangarap." umiiyak na si Cass sa mga sandaling iyon.

"Ano sa palagay mo ang tingin mo sa akin ha Cass, isang santo na matapos mong pagdasalan ay tutulungan kang maka akyat sa langit? baka nakakalimutan mong anak ako ng demonyo. Kaya kung ako sayo ituloy mo na lang ang nasimulan natin. Dahil wala ka na ding choice."

ngpatuloy pa si Justin sa pagsasalita...

"Huli na ito Cass at kapag nagawa mo ito ay palalayain na kita. At sinisigurado ko sayo na buhay at buo kong ibibigay sayo si Angelo... Tutal pabor din naman ito sayo dahil masosolo mo na siya at ako nmn ay makakaganti na sa kanya." ngiting kontrabida ang inilahad ni Justin kay Cass.

Napaisip si Cass, cguro nmn ay nagsasabi ito ng totoo, hindi nmn din cguro nito makakayang pumatay ng tao. Pagbibigyan ko na siya ngunit huli na tlga ito dahil kung may kasunod pa ay hindi na siya makakapayag pa at siya na mismo ang magsusumbong dito sa mg aginawa nitong kalokohan. Bahala na kung pati siya ay makukulong din...

Napag usapan nila ang plano at isasagawa na ito sa susunod na linggo. Saktong kaarawan iyon ni Althea. Dudukutin nila ang anak nito at iyon ang ipapain kay Angelo. Napaisip si Cass kung bakit ang anak ni Althea. Ipinagtapat sa kanyani Justin ang  lahat lahat. Nakaramdam siya ng selos at galit kina Althea at Angelo. Nagsisimula na nmn ang ugaling matagal na niyang kinalilimutan..

Nadala na din siya ng galit dahil sa galing ni Justin sa panglalason ng isipan. 

Nabuo ang plano at hinihintay na lamang nila ang oras ng pagdukot....

.........

Habang ang dalawang ginang naman ay my nabuo ding plano upang mgkausap ang kanilang mga anak at magkalinawagan sa sitwasyon..

Hindi man na sila umaasa na magkabalikan ang dalawa dahil may asawa na si Angelo, hangad naman nila na magka ayos ang dalawa alang alang sa anak nila..

Sa saktong kaarawan ni Althea ay i se set up nila ang dalawa at lihim na paghaharapin at umaasa silang mag uusap ang dalawa...

sana nga...

(at sana magka forever sila. kahit man lang dito sa story may matawag na FOREVER) HIHI :)


Your Song Presents_ I Miss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon