Chapter 10

17 0 0
                                    

....
"Is it done and over this time?
Can we ever change our minds?
But it's our first love...
all the feelings that we used to share...
I refuse to believe that you don't care."

Paulit ulit,nakaka bwisit na animoy sinasadyang iparinig. Bawat linya ng kanta tumatagos sa pusot isipan ni Angelo..

Halos masira ang sound system na nsa loob ng kanyang sasakyan sa paghampas niya dito..

Pra siyang bata na kinakausap at minumura ito na kung may buhay lang siguro iyon ay kanina pa siyang nasapak...

"alam mo ikaw sumosobra ka na ha, kapag ako hindi nakapagtimpi wawasakin talaga kita bwisit bwisittttt!" sabay hampas muli sa manobela na sasakyan...

Dumiretso siya sa bahay at himalang wala doon si Cass. Sabagay iyon nmn ang gusto niya ang hindi makita ang pgmumukha ng asawa..

Sa isang maliit na gym sa loob ng bahay nila siya dumiretso at doon ay nagpakapagod hanggang sa ito ay makatulog..

Nakadapa lamang xa sa may sahig dahil na rin siguro sa daming iniisip at sa sobrang pagod ay hindi na nagawang pumunta sa sofa at doon matulog...

.....

"Tapatin mo ako Justin. Ano ba talagang kailangan mo? At huwag na huwag mong tangkaing giluhin kmi ng asawa ko dahil malilintikan ka sa akin." pgbabanta ni Cass sa kausap..

Nsa isang coffee shop sila noon dahil nakipagkita si Justin kay Cass at hindi ito maaring tanggihan ni Cass. Alam niya kasi na may alam ito sa mga lihim niya...

"My dear, kung ihaharap tayo sa husgado malamang talo ka na,halata ang pagka guilty mo.. At sa sinasabi mong malilintikan ako sayo? Hello,baka nakakalimutan mong mayaman na ako, at hindi mo na ako ma a under kahit ano pang gawin mo.. At kaya ko na ring bumayad ng tao pra sa sarili kong kagustuhan,. Kaya kung ako sayo ikaw ang manahimik at sumunod sa mga gusto ko. Mula ngaun susundin mong lahat ang gusto ko kung ayaw mong kausapin ko ang magaling mong ASAWA at sabihin sa kan-". Hindi n siya pinatapos pa ni Cass.

Halata dito ang sobrang kaba. Ang totoo ay hindi naman ganun kasama si Cass. Nadala lamang ito ng inggit at selos. Salat kasi ito sa pagmamahal dahil sa hindi niya ito naramdaman sa mga magulang niya. Laki sa luho pero walang pagmamahal.

Akala niya ay makukuha niya ang lahat dahil sa mayaman siya kya niya nagawa ang lahat ng iyon. Hindi din nmn niya alam na aabot sa ganun ang lahat ng ginawa niya. Ang tanging hangad lamang niya ay ang mabawi si Angelo.

Pero nangyari na nga ang lahat kay nagpadala na lamang din siya sa sitwasyon. At sa di inaasahang pagkakataon,dumating si Justin na isa sa magpapagulo pang lalo ng buhay niya.

Wala na din siyang magagawa kundi ang makipagkasundo dito. Dahil ito mismo ay ginamit niya sa mga plano niya noon.

Isang plano ang nabuo sa pagitan ng dalawa. Umayon na lamang siya dito tutal ay wala naman siyang ibang pagpipilian.

......

Justin Clavel, nanggaling sa hindi ganun kilalang pamilya. Ang kanyang ama ay nagtrabaho sa pamilya nina Angelo bilang isang family driver. Ngunit sa hindi inaasahang sitwaayon ay namatay ito dahil sa car accident. Kasalukuyang nagmamaneho ito papuntang probinsiya at sakay niya ang nag iisang anak ng pamilya na si Angelo.

Nsa labing limang taon pa lamang si Angelo ng maganap ang aksidente. Natagpuan ang kanilang sasakyan sa isang gilid ng daan at nakita ang ama ni Justin na naka akap kay Angelo kayat dito tumama ang isang matulis na bagay na dapat sana ay kay Angelo napunta.

At iyon ang dahilan ng pgkamatay ng ama ni Justin. Pinatingnan si Angelo sa isang espesyalita kayat nawala na sa kanya ang troma gawa ng pgkaka aksidente at tuluyan na niyang nakalimutan ang sakit na dulot nito.

Ngunit si Justin na noon ay nsa labing walong taon na ay hindi malimot limutan ang pangyayari. Kasama kasi siya ng matagpuan ang sasakyan kya kitang kita ng kanyang mga mata ang ayos ng kanyang ama.

Halos isumpa niya ang pamilya nina Angelo. At ngaun nga na kaya na niyang gawin ang lahat ay nangako siya sa sarili na ipaghihiganti niya ang sinapit ng kanyang ama. Nakipag kaibigan siya kay Angelo upang mapalapit dito at pra na rin mabantayan lahat ng kilos nito.

Alam niya ang lahat kay Angelo dahil pinagkakatiwalaan siya nito at dahil sa galing niyang mangpanggap ay hindi siya nahalata nito at maging ang pamilya ni Angelo..

At dumating na nga ang tamang panahon. Ang pinakahihintay niyang pagbagsak ng pamilya De Vera. Isasakatuparan niya sa tulong ni Cassandra..

....

Ang buhay ay isang malaking divisoria. Kailangan mong makipagsiksikan pra marating ang gusto mong puntahan. Pero kahit anong pilit mong gawin. Babagsak ka parin sa isang pekeng kagamitan. Oo mura nga siya pero hindi ka nmn nakaka tiyak sa kalidad nito. Prang tao na magaling kapag kaharap mo pero isa palang malaking sibat na tutusok sa likuran mo kapag nakatalikod ka na.

Mahirap magtiwala, mahirap maniwala ngunit ang pinaka masakit, hindi mo alam kung kailan magiging tama...

Susugal at susugal ka parin sa paghahangad na balang araw ang isang pinaniniwalaang mong MALI ay magkakaroon ng kaganapan na maging TAMA.

.....

Your Song Presents_ I Miss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon