°°°°°°°°°°°°°
tick...tock...
tick...
tock...
Tanging tunog lang nang orasan ang maririnig sa madilim na lugar na yoon. Sa gitna noon may bilog na umiilaw kung saan may isang pigura ang nakatayo. Ang brown nitong mata ay walang buhay na nakatitig sa kawalan.
Chalin!
Parang nagising ang natutulog na diwa ni Chalin at ang kanyang mga mata ay nagkaroon nang buhay. Nilibot niya ang tingin pero wala siyang makita.
'Asan ako?'
'Magsisimula nang gumalaw ang orasan nang tadhana'
'Huh?! Sino yan?!'
'Ihanda mo ang iyong sarili malapit na ang tinakdang panahon.'
'Anong tinakdang panahon? Sino ka ba?'
'Huwag ka sanang matakot sa kapalarang hindi mo maaring iwasan.'
'Ano ba ang pinagsasabi mo?'
'Isang Guardian. Isang halimaw. Isa ang gagabay. Isa ang magtatakda.Mag-iingat ka.'
May maliit na asul na liwanag ang dahan-dahang lumalaki sa harap niya. Saka niya napansin na nakalutang yoon sa palad nang isang babae at ang liwanag na yon ay isa palang orasan, dahilan para hindi niya makita ang mukha nito.
'Sino ka?'
Makahulugan lang itong ngumiti sa kanya kasunod noon ang paglaki nang liwanag hanggang sa lamunin nito ang kadiliman kung asan sila.
°°°°°°°°°°°°°
Naguguluhang bumangon si Chalin mula sa pagkakahiga at nilibot ang tingin sa loob nang silid. Mula sa sulok ay nakita niyang himbing na himbing si Enfero sa pagkakatulog.
Panaginip? Panaginip lang ba yon?
"Gising ka na din"
Nilingon niya ang nagsalita at nakita ang lalaking doktor na si Yoka na nakapamulsang nakatingin sa kanya. Saka lang niya napagtanto na nasa loob siya nang hospital ng Ilkanneal.
"Anong nangyari at bakit ako nandito?"
"Ako dapat ang nagtatanong sa iyo niyan. Pitong araw ka ding natulog alam mo ba? Ano ba ang nang-"
"Ano!?! Pitong araw akong nakatulog?! Paano-" natahimik siya nang maalala ang mga nangyari. Sino kaya ang mga taong yon? Ano kayang ginawa nila sa akin?!!!!!
"Alam mo bang si Enfero ang naghatid sa iyo dito sa Ilkanneal? Kakaibang halimaw meron ka. "
Parang nabingi siya sa sinabi nito.
Si Enfero hinatid siya sa loob nang paaralan?! Di nga? Paano nito ginawa yon?
Ang mga tamed beast na kagaya ni Enfero ay walang kakayahang gumawa nang sariling desisyon nang walang pag-uutos mula sa master nila. Kaya ang pagdala ni Enfero sa kanya sa Ilkanneal ay napaka-imposible lalo na at wala siyang malay sa mga panahong yon.
"Maliban na lang kung may nag-utos dito" bulong niya saka tumitig sa natutulog na halimaw. Pero wala namang maaring gumawa noon kundi siya lang. Siya na master nito. Hindi ito maaaring tumanggap nang utos nang iba pwera na lang kung bibitawan niya ang pagiging tamer ni Enfero.
BINABASA MO ANG
Guarding the Beast
Fantasy(The 13 Guardians) Chalin Sara no Zello is just one of the ordinary beast tamer of Aphelon. Pero nagbago ang lahat nang yon nang hindi niya sinasadyang pakawalan ang isang halimaw. Ang halimaw na ayon sa propisiya ay siyang sisira nang kaharian. Ang...