Forest Brawl

15 2 0
                                    



°°°°°°°°°°°°°


Nag-aalala at mabilis na naglalakad si Lourde sa mahabang pasilyo, nakasunod naman si Sharan sa kanya na bakas ang kaba sa mukha.

"Lourde, binuksan ni Menellia ang lagusan para kay Hansel. Nahanap na nila ang lugar na pinagta-"

"Anong sabi mo?!" gulat na lingon niya dito

Bakit si Hansel pa?

"B-bakit may problema ba?"

Iniwan na niya ito.


"Kung sakaling kailangang gawin, pigilan mo sa kahit ano mang paraan si Hansel. Kahit na ang ibig sabihin noon ay ang kamatayan niya."


Tsk. Hindi ko kailangang sumunod sa iyo, hindi ba?

Ayoko.

AYOKO!


••••••

 

"Lumabas ka din, Aravil."

Aravil growled angrily. Clearly, this man in front of him is one of the Guardians who tried to kill him before. At mukhang tatapusin nito ang trabahong nasimulan.

"Hmmm? Malaki ang pinagbago mo," saad nang Guardian at sinulyapan ang babae na nasa likod lang niya na naguguluhang nakatayo

Hinarang niya ang sarili kaya muling nabalik sa kanya ang atensyon nito.

The Guardian eyed him sharply "Nakakabaliw pala ang makulong nang matagal." lumabas sa kaliwang kamay nito ang isang itim na espada "Biroin mo, dadamayin mo pa ang babaeng yan sa iyong kamatayan?"

He hissed. "Ano sa tingin mo hahayaan kong gawin mo ang bagay na yan?" kausap niya dito gamit ang isip.

"Hindi mo ako mapipigilan."

"Subukan mo."

Aravil attack first. He tried to claw him pero sinasangga lang nito ang bawat ataki niya. Umikot siya trying to hit him with his tail pero tumalon lang ito sabay ataki sa kanya na mabilis naman niyang naiwasan. Tumama ang espada nito sa lupa na nabiyak sa lakas.


•••••••••


Napalunok si Chalin pagkatapos makitang mabiyak ang lupa sa atake nang Guardian. Ni hindi man lang niya nakita ang kilos nang mga ito sa bilis. May nakikita pa siyang kuryente na nakapalibot sa Guardian. Ramdam niya ang malakas na aura ni Aravil pero yung sa Guardian ay nakapangingilabot, ang aura nito ay sa isang mamamatay tao.


H-hindi to panaginip hindi ba? Guardian nga ang isang yan at...


Napatingin siya sa puting pusa sa harap niya.


At ang halimaw na yan ay si Aravil at kani-kanina lang, yung ginawa niya...


Muling umataki ang Guardian at sa pagkakataong ito mas mabilis pero naiwasan pa rin ni Aravil. Ikinumpas nito ang kamay at may isang kulay itim na octagon ang lumitaw sa paanan nito. Inihulog nito ang sandata doon saka may lumitaw na itim na spear. Pina-ikot nito ang spear saka umataki ulit kay Aravil nang paulit-ulit.

Guarding the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon