Puzzled Pieces

15 2 2
                                    


-0000000000000-



Iminulat ni Fue ang mga mata saka buong paghangang pinapanood ang pagsasayaw nang mga dahon sa ihip nang hangin. Nasa sanga siya nang isang puno na nasa labas lang nang silid ni Chalin sa Ilkanneal.

"Aravil."

Napapikit siya nang ma-alala ang tinawag sa kanya ni Chalin nang magising ito. Gusto niyang itanong kung kailan pa bumalik ang mga ala-ala nito pero na-unahan siya nang kaba at agad na umalis.

Galit kaya siya?

---

Naka-upo sa isang madilim na silid si Chalin habang nakatitig kay Enfero na nasa gitna nang isang malaking pentagram na umiilaw. May lumulutang din na munting ilaw na may iba't-ibang kulay sa loob nito. Kasalukuyan itong nag-aagaw buhay dahil sa pag-ataki nang Demon sa kanila.

"Hindi mo siya kailangang bantayan palagi."

Sinulyapa niya si Lourde na nasa tabi niya"Kailangan niya ako."

"Hindi nakakabuti sa iyo ang paglagi mo dito."

Tama ito, ang pentagram na kinapapalooban ni Enfero ay hinihigop nang dahan-dahan ang kapangyarihan niya. Dahil doon bumilis nang kaunti ang pag-gamot sa halimaw pero nanghihina naman siya at kapag nagtagal pa siya maa-ari siyang mamatay.

Napipilitang tumayo si Chalin at naglakad palabas.

"Kailangan ka din ni Aravil." Narinig niyang sabi ni Lourde bago tuluyang maisara ang pintoan.

Nang muli niyang lingonin ang nilabasan ay wala ni isang bakas na may lagusan doon. Napahinga siya saka nag-umpisang maglakad palayo para lang mapahinto nang may makita.

Si Fue na mukhang malalim ang ini-isip at pabalik-balik sa paglalakad. Hindi man lang siya napansin nito. Mukhang nainis na rin ito dahil ginulo nito ang sariling buhok saka napatalungko.

"AAAHHHH!!!!"sigaw ni Fue "Nakakainis! Paano mo malalaman kung hindi mo siya tatanongin? Pero paano kung galit nga siya?"

Nilapitan na niya ito "Sino ang galit sa iyo?"

Napadiritso ito nang tayo at naninigas na napatitig sa kanya "M-master, este Chalin –a h, mas –ahhh, a-ano – "

"Tawagin mo lang akong Chalin."

Mukhang kabado ito dahil napalunok ito nang laway "C-Chalin, kumusta na si Enfero?"

Umiling-iling siya "Walang pagbabago."

"Patawarin mo ako Chalin, kung nandoon lang sana ako – "

"Wala kang kasalanan. Hindi kita tinawag kaya nangyari ang bagay na yoon." Iniwan na niya ito, alam niyang marami itong gustong itanong pero wala siyang planong sumagot. Aaminin man niya o hindi alam niyang nagpabaya siya. Naramdaman niya ang tahimik nitong pagsunod.

"Aravil." Kausap niya gamit ang isip.

Napahinto ito kaya huminto din siya.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ka ikinulong nang mga Guardians?"

Katahimikan. Naririnig din niya ang kaba nito. "Hindi ako sigurado, dahil iba ang nagkulong sa akin at may ilan sa kanila ang gustong patayin ako."

Ayon sa alamat hindi kayang patayin si Aravil kaya ikinulong na lang siya nang mga Guradians. Ibig-sabihin nahahati sa dalawang grupo ang mga Guardians ngayon, ano ang dahilan nang nagkulong sa kanya? At sa gustong pumatay sa kanya, bakit?

Guarding the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon