The Choice

9 1 0
                                    

Ipinilig ni Aravil ang ulo saka sinulyapan ang  malaking bahay sa harap.


Bahala na. Naisip niya saka tumalon pababa sa punong kinatatayoan. 

.

.

.

Chalin's POV

.

.

"Magbigay galang  ka, BATA."

Nang sabihin ni Lourde ang mga katagang iyon ay parang natuod si Keidz sa kinatatayoan nito. Sino ba namang hindi, kung sa malapitan mong makikita nang hindi inaasahan ang isang Guardian.

"Lourde-"

"Kamahalan," putol ni Lourde sa kanya sabay baling "Hindi ako papayag na patuloy ka na makikipag-ugnayan na may kinalaman sa angkan nang mga No Kalial" 

Sinilip niya si Keidz (literal na sinilip kasi nakaharang si Lourde sa line of vision niya, mukha itong nag-aalinlangan na nagugulohan na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Mukha naman siyang mabait" sabi niya saka napa-isip. Noong magkasama sila sa Ilkanneal wala siyang ma-alala na may ginawa itong mali. Istrikto ito pero mabait naman sa kanya.

.

.

  ...***...

Two years ago

"Ah!" hiyaw ni Chalin pagkatapos sumabog ang ina-aral niyang mahika sa mismong harapan niya. Mabuti na lang at naiyuko niya ang ulo kaya hindi siya masyadong napurohan.

 Nasa isang tagong hardin siya sa Ilkanneal at mag-isang nag-aaral kung papa-ano ipagsasanib ang kapangyarihan nila ni Enfero para maka-likha nang isang mas malakas na kapangyarihan.

"Huwag kasing kung ano-ano ang ini-isip"

Pagtingin niya ay nasa harap niya si Keidz at nakalahad ang mga kamay. Napangiti siya dito saka tinanggap ang mga kamay "Susubokan ko."

"Huwag mong subokan. Gawin mo." nakasimangot nitong turan saka siya itinayo.

.

.

.

...***...

.

.

.

"Kamahalan! Ang ka-alaman na nagawa niyang makapasok dito sa loob nang palasyo ay nakakapagtataka."

"Madali lang namang makapasok dito, anong nakakapagtaka doon?" bulong ni Keidz na narinig naman nila

"Manahimik ka bata." si Lourde na ngayon ay masama na ang tingin kay Keidz "Kamahalan-"

"Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin na kamahalan, hindi ako ang hari nang Aphelon"

"Hindi mo ma-aaring takasan ang iyong kapalaran."

"Sinasabi mo bang hahayaan ko na lang na mawasak ni Aravil ang buong kaharian?"

"Aravil?" singit ni Keidz "Ang nakatakdang wawasak sa kaharian? Nandito sa Aphelon?"

Umiwas nang tingin si Chalin, napatiim naman si Lourde. Mukhang hindi maganda na maraming nalalaman si Keidz. 

"Isipin mo na lang na wala kang narinig, bata."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Guarding the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon