The Minute it Moved

25 2 0
                                    

°°°°°°°°°°°°°

A man in dark robes stand unnoticed at the back of the class. He scanned the place with his hawk like pale blue eyes and stop at the girl who sits at the back.

Chalin Sara no Zello. Hmmm...ano kayang nakita niya sa iyo?

Linapitan niya ang babae. Ni hindi man lang nito napansin ang presensya niya.

Mahina. Masyadong mahina ang iyong kapangyarihan. Wala namang espesyal sa iyo.

Inilabas niya ang kamay na may hawak na isang maliit na patalim. At nilapit ito sa walang kamalay-malay na babae na abalang nakikipag-usap sa kaklase nito.

Sisiguraduhin kong hindi ka masasaktan.

Itinaas niya ang patalim ngunit nabitin yun sa ere nang maramdaman ang isang pamilyar na presensya na kapapasok lang.

Dahan-dahang lumingon siya sa mga bagong dating, partikular sa nasa huling pumasok. Ang tahimik nitong paglalakad, ang kulay ginto nitong buhok at ang tingin nito na waring tinatamad.

Lourde? Anong ginagawa niya dito?

Waring naramdaman din siya ni Lourde sapagkat inilibot nito ang tingin.

Kailangan ko nang gawin ito.


°°°°°°°°°°°°°

Ramdam ni Chalin ang matinding kaba habang nagkakatitigan sila nang lalaki sa harap. Ang aura na hindi niya maramdaman ay nakakatakot. Napapansin din kaya ito nang kanyang mga kaklase? O baka siya lang? Mukha kasing wala sa kani-kanilang mga sarili ang mga ito, na titig na titig sa bagong dating.

Hindi niya masisisi ang mga ito. Sadyang nakakatanga nga naman ang kaharap. Kahit nga siya ay napatanga dito noong una niyang makita.

Sigurado ako siya yung lalaki sa may tulay! Pero yung kulay nang mata nito sigurado siyang kulay ginto yun.

Unang umiwas nang tingin si Lourde saka lang niya napansin na pinipigilan niya ang paghinga. Kaya lang bakit ito nakatitig sa gilid niya? Wala naman siyang katabi ah!

"Ah!" impit niyang sigaw nang parang may matulis na bagay ang napadaan sa palad niya.

Sa gulat ay napatayo siya at iwinaksi ang kamay at di nakaligtas sa paningin niya ang pagtalsik nang pulang likido sa kanyang mga aklat na nasa ibabaw nang kanyang mesa. Pagtingin niya, may malaking sugat sa kanyang palad.

Anong?

"Anong nangyari no Zello?"

Napalingon siya sa kanilang guro na gaya nang kanyang mga kaklase ay nagtatanong na nakatingin sa kanya. Pagtingin niya kay Lourde ay wala na ito sa kinatatayuan nito. Wala na din ito sa loob nang silid.

Asan siya?

"No Zello?"

Muli siyang napatingin sa kanilang guro "Ah, kasi sir,-" hindi niya natuloy ang sasabihin nang pagtingin sa kanyang palad ay tuluyan nang naghilom ang sugat. Pati ang dugong tumalsik ay naglaho bigla.

Nanaginip ba siya na gising?

°°°°°°°°°°°°°

TICK!

***
Napahinto sa paglalakad ang isang lalaki sa kagubatan at napatingala.

***
Nawala naman sa konsentrasyon ang isang elf sa ginagawang pag-asinta.

***
Napamulat naman mula sa pagkakatulog si Serra at napalingon kay Rei na gulat din napatingin sa kanya.

Guarding the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon