Lourde Varren Haisel

70 2 0
                                    

°°°°°°°°°°°°°


Sa pinakatagong parte nang kagubatan matatagpuan ang isang kweba kung saan sa pinakailalim at pinakamadilim na parte nito ay may namamahay na halimaw. Isang nakakatakot na halimaw na gustong lumabas. Maging malaya. Pero di niya magawa. Nakagapos siya. Nakagapos sa tadhanang iniiwasan niyang gampanan.

Nagwala siya. Gusto niyang makawala. Pero masyadong malakas ang pagkakagapos sa kanya.

"Huminahon ka."

Ang dilaw na mga mata nang halimaw ay natuon sa di niya inaasahang tao na makikita

"Pakakawalan mo ba ako?" tanong niya dito.

Sumilay ang ngiti nito sa labi "Malapit na ang tinakdang panahon. Pero sa ngayon," ikinumpas nito ang mga kamay.

Kasabay noon ay naramdaman nang halimaw ang lalong paghigpit nang pagkakagapos sa kanya.

"AAAAHHHHRGGGG!!!!!" hiyaw niya sa sakit "Ikaw?!!!"

"Pasensya na humihina na kasi ang seal. Hindi ka maaaring makawala nang wala pa sa oras."


°°°°°°°°°°°°°


Auguardia isang lihim na paraiso kung saan hindi mararating nang kung sino-sino man. Paraisong ginawang sanctuary nang mga Guardians na inaakala nang lahat na tuluyan nang nawala. Doon sila nakatago sa loob nang mahigit isang daang taon.

Sa isang bahagi nang paraisong yoon na tinatawag ng mga guardians na Exfluir dahan-dahang nagmulat ang Guardian na si Lourde Varren Haisel. Ang dilaw niyang mga mata ay malamig na tumitig sa tubig nang lawa. Lawang puno nang maliliit na dahong lumulutang na nanggaling sa malaking puno sa gitna nito. Bahagya niyang itinaas ang tingin sa ibabaw nang punong yon at kita niya ang labingdalawang buwan na napapalibutan nang maraming bituin sa kalangitan kahit medyo maliwanag pa.

Sa loob nang ilang daang taon niyang pagkabuhay bilang Guardian isang beses lang niyang nakitang naging isa ang buwan. At gusto niya ulit makita yon.

'Asan ka na?' umaasa niyang tanong sa isip na sana ay marinig nang taong tinatawag niya 'Hinihintay ka na namin. Hinihintay kita' pumikit siya saka bumulong ''Hinihintay ka niya''

Muli siyang napadilat nang may marinig siyang kaluskos sa likod. Hindi na niya kailangang lumingon kung ano o sino ang may gawa nang ingay na yon.

"Uy, bawal dito ang mga panget Lourde."

"Kung ganoon bakit ka nandito Rei?" ganti niya dito sabay lingon sa mga bagong dating.

Tatlo lahat ang mga ito. Parehong mga Guardian na gaya niya. Si Rei Seff Groum yung nagsalita, may kulay red-violet itong buhok at indigo na mga mata. Pranka ito kung magsalita at di iniisip kung ano ang sinasabi kaya paminsan-minsan ay may nakakaalitan ito sa kanila. Maigsi rin ang pasensya nito at isip bata paminsan-minsan.

Katabi nito ang isang mukhang palaging inaantok na si Serra. Ito ang nagsisilbing taga-awat kung may nangyayaring alitan sa kanilang mga guardians. Pinakamabait ito pag tulog.

Nakasunod sa mga ito ang mukhang walang paki-alam na si Lliarka. Correction, WALANG PAKIALAM. Kahit magpatayan sila basta huwag lang itong masali ay okay lang. Sa tatlo si Lliarka ang pinakamalapit sa kanya. Hindi nga lang halata dahil nga mukha itong walang paki sa mundo. At yung dalawa ang pinakamatagal na niyang kilala.

"Hoy! Kumpara sa iyo mas lamang ako nang ilang milyong paligo" bugnot ni Rei "Alis ka dito, tsupi, tsupi."

He just smirk at him. Isip bata talaga ito. "Wala pa rin bang pagbabago?" tanong niya kay Lliarka

Guarding the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon