°°°°°°°°°°°°°
Nakakainis.
Lalong binilisan ni Chalin ang paglalakad. Pero kahit hindi na niya lingonin alam niyang may sumusunod sa kanya.
Hindi ba nila ako titigilan?
Malayo na rin ang narating niya pero mukhang wala talagang balak na lubayan siya nang mga ito.
"Ano ba?! Hanggang kailan niyo balak na sumunod sa akin?!" biglang lingon niya sa mg ito.
Umiwas nang tingin si Fue habang itinaas naman ni Lourde ang mga kamay.
"Pareho tayo nang pupuntahan" depensa ni Lourde.
"Bakit, papasok ka din ba sa banyo nang mga babae?"
"Banyo nang-" kita niya ang dahan-dahang pamumula nang mukha nito nang mapansin ang nasa harap "tsk."
"At ikaw Fue, hindi ba dapat pupunta ka nang ospital para matingnan yang mga sugat mo?"
"Ha? Ah, eh hindi ko alam ang daan papunta doon."
Nakakainis ang dalawang ito, hindi marunong magsinongaling.
"At saan ka naman pupunta?" tawag ni Lourde "Hindi ka na ba magbabanyo?"
Kung hindi ko lang alam na Guardian ka, "Hindi mo kailangang malaman kung saan ako pupunta!"
"Tsk,"
Guardian ka ba talaga? Wala ka bang ibang mas importanteng gagawin kundi ang sumunod sa akin? Gusto nang itanong ni Chalin ang mga yoon pero ang kaalamang isa itong Guardian ay nakakaintimidate.
"Magandang araw sa inyo!" masiglang bati ng doctor na si Yoka nang marating nila ang hospital ng Ilkanneal. Napansin niyang bahagya itong nagulat nang makita ang mga kasama pero agad rin naman itong nakabawi "May masakit ba sa iyo Chalin?"
"Ah, hindi po ako doctor," aniya sabay hila kay Fue na sinubokan pang pumalag "Pakitingnan naman po si Fue mukha kasing nabugbog siya nang husto nang Twelfth Order."
"Nabalitaan ko nga ang nangyari. Pero, kasi Chalin hindi ko siya kayang gamotin."
"Huh? Bakit po?"
Makahulugang ngumiti si Yoka sa kanya "Kasi Chalin, tao ang ginagamot ko."
"Oo nga." Sino ba ang nagsabi na hindi?
"Hindi ako gumagamot nang hindi tao."
"Uhuh." bakit? May multo ba dito? Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala naman. Sa katunayan ay silang apat lang ang nandoon sa loob nang malaking hospital. Medyo nakakatakot nga eh saka weird kasi kung walang pasyente nag-iisa lang talaga si Yoka sa hospital na yoon.
"At saka hindi ako gumagamot nang halimaw."
"Alam ko naman ang bagay na yoon doctor, ano ba talaga ang gusto niyong sabihin?"
"Kasi Chalin-"
"Gamotin mo na lang." singit ni Lourde.
Ako lang ba o sadyang may kahulugan ang pagkakasabi ni Lourde? Saka yoong tinginan nang dalawa parang iba. Parang may kahulugan at nag-uusap sila sa mata. Pwede ba yoon? Kami nga ni Enfero, nag-uusap sa isip, pwede siguro yoon diba?
BINABASA MO ANG
Guarding the Beast
Fantasy(The 13 Guardians) Chalin Sara no Zello is just one of the ordinary beast tamer of Aphelon. Pero nagbago ang lahat nang yon nang hindi niya sinasadyang pakawalan ang isang halimaw. Ang halimaw na ayon sa propisiya ay siyang sisira nang kaharian. Ang...