A/N: maikli lang ito na part para kay ALKA.(Filler chapter)
°°°°°°°°°°°°°
"May mga bagay talaga na hindi mo kayang iwasan. Kagaya nang tadhana. Ang tadhanang mabuhay at mamatay."
"Bakit ako?" takang tanong ni Alka sa kasama na batang babae
"Dahil sa lahat nang mga Guardians, ikaw lang ang may kakayahang magkulong nang kapwa Guardian"
"At gusto mo na ikulong ko din siya?"
"Sa susunod na paglitaw nang buwan, mamamatay ang susunod na hari nang Aphelon, ang iyak nang kamatayan ng hari ang siyang bubuhay sa isa sa pinakamalakas na halimaw. Kailangan ko ang tulong mo sa pag-gabay sa halimaw na yoon"
"Hindi ba, yan ang tadhana nang pagbagsak nang kaharian?" ibig sabihin, may mamatay na Guardian. Ngunit sino?
"Kailangang maging maingat. Walang dapat na magkamali."
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pinapanood lang ni Alka ang demon na umataki kay Chalin at sa halimaw nito. Hindi dapat siya maki-alam. Ang tungkulin niya ay ang bawiin ang aklat na sadya niyang inihulog para makuha ni Chalin. Hanggang doon lang dapat. Wala na.
Nahigit niya ang hininga nang tumilapon ang babae, naa-amoy niya ang sariwa nitong dugo .
Hindi Alka. Huwag kang tutulong.
Pero ang lakas ng tibok nang kanyang dibdib. Hinihila nang nakatagong kapangyarihan ni Chalin ang kapangyarihan niya bilang Guardian. Ang sinulid na nag-uugnay kay Chalin at sa kanila.
Pabayaan mo ang demon na yan. Hindi pa ito ang kamatayan ni Chalin.
"Mahina ka lang pala pero pwede na ring pagtyagaan...pa-a-lam-na-" saad nang demon
Hanggang dito lang ba ako?
Nanlamig siya sa narinig. Papa-anong narinig ko ang ini-isip ni Chalin? BWISIT!
Lumabas na siya sa pinagkukublihan at bago pa man magawang patamaan nang Demon si Chalin ay nahawakan na niya ang leeg nito.
Ang pula nitong mga mata ay nagtagpo sa walang buhay niyang titig. Ramdam niya ang paninigas nang buo nitong pagkatao.
KAMATAYAN!
"AAAAHHHHHH!!!!!" hiyaw nito pero huli na ang lahat.
Naglabasan ang kanyangmga kadena na diretsong tumagos sa katawan nito at pumulpot saka yoon humigpit nang humigpit.
Paalam na.
Ang tunog nang pagkabali nang buto at kalamnan nito ang nagpangiti sa kanya. Ang itim nitong dugo ay umagos sa kanyang mga kadena na agad nagging aso at naglaho.
Ang bilis naman.
Hinarap niya si Chalin saka gamit ang sariling kapangyarihan ay ginamot niya ito.
"Wala na ang demon.Tinapos ko na"
Dahan-dahan nitong ini-angat ang tingin at di nakaligtas sa kanya ang samot-saring emosyon na rumihistro sa mata nito.
"Ikaw ang -" hindi nito naituloy ang sasabihin dahil nawalan na ito nang malay
Napasimangot naman siya. Patay ako nito.
Tumayo siya nang maramdaman ang paparating na presensya ni Lourde at Aravil. Bahagya niyang liningon ang naghihingalo na halimaw ni Chalin.
"Nakaka-awa ka." Makahulugan niyang bulong saka tuluyang naglaho.
°°°°°°°°°°°°°
BINABASA MO ANG
Guarding the Beast
Fantasy(The 13 Guardians) Chalin Sara no Zello is just one of the ordinary beast tamer of Aphelon. Pero nagbago ang lahat nang yon nang hindi niya sinasadyang pakawalan ang isang halimaw. Ang halimaw na ayon sa propisiya ay siyang sisira nang kaharian. Ang...