°°°°°°°°°°°°°
Marahang nagmulat nang mga mata si Chalin. Bumungad sa kanya ang lumulutang na mga ibon na gawa sa papel.
Naglalaro na naman si Marilla
Muli niyang ipinikit ang mga mata.
~~~~
"Aravil!!!!!!!!" tawag ni Chalin
Nasulyapan niya si Aravil na biglang umilaw ang buong katawan at sa may gilid ay dumating si Lourde na dumiritso sa kanya. Pero bago ito tuluyang makalapit ay nawalan na siya ng malay
Sino ang may bitbit sa akin?
Pilit niyang iminulat ang mata pero tanging ang puting kasuotan lang nito ang nakita niya.
"S-sino...?"
He heared him chuckle "Matulog ka lang" bulong nito " ako ang bahala sa iyo."
"Sabihin mo yan kung kaya mo na siyang ipagtanggol." anang isang pamilyar na boses
"Hindi ko hinihingi ang opinion mo."
Sino kayo...???
Muling nagdilim ang lahat kaya Chalin.
~~~~~
"Chalin! Gumising ka na!!!!!"
Limang minuto pa Marilla...
"Gisiiiinnnggg!!!!! Malapit na tayong mahuli sa pasok kapag hindi ka pa tatayo diyan!!!"
Naramdaman niyang may humila sa kanya kaya napa-upo siya, namulatan niya si Ariya.
"Magandang umaga..." inaantok niyang bati dito saka muling pumikit
"Tumayo ka na diyan!" si Marilla
"Kapag hindi ka pa tatayo babasain ko nang tubig itong higaan mo." banta ni Ariya
"Oo na~"
Papikit-pikit siyang bumangon at diritso sa banyo para maligo.
"Bilisan mo diyan nagugutom na ako!!!!" muling sigaw ni Marilla.
DRIP.
Napatanga siya saka niya ipinilig ang ulo.
Teka...parang may mali.
Umiling-iling siya "Guni-guni ko lang siguro yon."
BINABASA MO ANG
Guarding the Beast
Fantasy(The 13 Guardians) Chalin Sara no Zello is just one of the ordinary beast tamer of Aphelon. Pero nagbago ang lahat nang yon nang hindi niya sinasadyang pakawalan ang isang halimaw. Ang halimaw na ayon sa propisiya ay siyang sisira nang kaharian. Ang...