***---***
Pasimpleng naglalakad sa magulo at maingay na palengke si Chalin. Bahagya niyang tinatakpan ang mukha nang hood habang patingin-tingin sa mga panindang gulay at prutas. Mag-sa lang siya dahil parehong tamad dalawang kaibigan, sina Fue at Lourde naman ay parehong tulog.
Ano kaya ang gustong nilang kainin? Isda? Gulay? Karne? Ano ba ang kinakain nang isang Guardian? Si Fue kumakain kaya siya nang gulay?
"Kung hindi ka makapili bakit 'di mo na lang bilhin lahat?"
Nagtatakang tiningnan niya ang katabing lalaki. May kakaiba itong habang kumakain nang mansanas "Ako ba ang kausap mo?" amoy dugo.
Ini-abot nito sa kanya ang isang pulang-pulang mansanas "Masarap ang isang ito, mukhang hindi ka pa nag-aagahan."
Alanganing tinanggap niya ito "Maraming salamat."
"Ano ang ginagawa mo dito Milika?"
Agad napalis ang ngiti nito nang may dumating "Gusto ko lang kumain nang mansanas, masama ba iyon Keidz?" pinasahan nito nang isang mansanas si Keidz na agad nitong nasalo saka umalis.
Ang weird niya.
Binalingan siya ni Keidz "Magkakilala kayo?"
An gaga-aga pikon na agad siya? "Hindi, sabi niya masarap daw ang mansa-teka, bakit mo kinuha?!"
Tinapon nito ang prutas sa malayo "Huwag kang tumanggap nang kung ano man mula sa lalaking iyon." Inis nitong sabi saka siya iniwan.
Anong problem niya? "Teka, Keidz hintay! May itatanong nga pala ako sa iyo!"
Nakakadalawang hakbang pa lang siya nang may humawak sa kanyang braso. "Sino ka?"
---
Matagal na din.
Mahigit sa limampung taon na din nang huli siyang tumuntong sa palasyo nang Aphelon. Nasa loob siya at malayang nakapasok nang walang nakakapansin. Kahit ang mga kawal na hindi niya alam kung nagbabantay ba o natutulog. Tiningala ni Lourde ang nag-iisang trono, ang upuang matagal nang walang naka-upo.
"Aphelon." Mahina niyang tawag pero tanging nakakabinging katahimikan lang ang sumagot sa kanya "Bakit mo ako pinalalakad sa gitna nang kadiliman?"
Tweet! Tweet! Tweet!
Nasundan niya nang tingin ang mga ibong malayang nakakapasok sa trono nang hari. Umikot-ikot ang mga ito sa gitna nang bulwagan bago pumatong sa itaas nang upoan. Malungkot siyang napangiti, Ibon na lang ba ang pwedeng makapasok dito Aphelon? "Hindi mo pa rin ako pinapatawad, nakakabagot naman ang katahimikan dito. Hindi ka ba nalulungkot na mag-isa ka lang?"
TICK.
TOCK.
TICK.
TOCK.
"kung nag-aalala ka sa kanya, bakit hindi mo siya samahan?"
Parang binuhusan siya nang isang timba nang yelo nang marinig ang nagsalita sa likod niya. Hindi maa-ari. Dahan-dahan siyang humarap dito. Ayaw niyang umasa sa imposible. Patay ka na. Ramdam niya ang payapang kapangyarihan dito at na-aamoy niya ang isang uri nang bulaklak na sa Aguardia lang makikita.
BINABASA MO ANG
Guarding the Beast
Fantasy(The 13 Guardians) Chalin Sara no Zello is just one of the ordinary beast tamer of Aphelon. Pero nagbago ang lahat nang yon nang hindi niya sinasadyang pakawalan ang isang halimaw. Ang halimaw na ayon sa propisiya ay siyang sisira nang kaharian. Ang...