Answers?

13 2 0
                                    


***---***

Tick.

Tock.

Tick.

Lourde stared at the clock of Aphelon with full of wonder and smiled bitterly when some one stand beside him. Hindi na niya kailangang lumingon para makilala ito "Buhay ka nga."

"Ayaw mo ba?" mapang-uyam nitong saad habang nilalaro sa mga daliri ang isang kadena.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito "Ano ang binabalak mo Alka?"

BOOOOMMMMM!!!!

Pagsabog yon mula sa arena na lalong ikinagulo nang mga tao sa paligid.

"Nagkakagulo na, nandito ka pa rin?"

"Sino pa ang kasama mong Guardian?"

"Bawas-bawasan mo ang iyong katamaran Varren baka huli na ang lahat sa susunod mong pagdilat."

"ALKA!" agad naglaho si Alka sa tabi niya, mabilis siyang umalis sa kinatatayoan at hindi pinansin ang nagtatakang tingin nang mga tao sa kanya. Ini-inis talaga ako nang amoy kalawang na yoon! Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?!

---

Pasimpleng inilibot ni Chalin ang tingin sa paligid, di kalayoan sa kalaban maingat na lumalayo si Ariya palapit kay Marilla. Sa likod niya ay ang golem na walang malay habang sa harap niya ay si Fue na prenteng nakatayo at diritso ang tingin sa kalaban na panay ang himas sa halimaw nito. Anong nangyari kay Keidz?

"Hehehe, isa ka bang halimaw?"

Natoon ang atensyon niya nang magsalita ito. Si Fue ba ang tinutukoy niya? "Ano sa tingin mo?"

Binalingan siya nito"Ikaw? Isa ka bang tao?"

"Bakit mukha ba akong halimaw?!" pinapa-init nang taong ito ang ulo niya! Hindi siya madaling magalit pero ang kaalamang sapilitang kinontrol nito ang golem para manggulo ay walang kapatawaran. Nagawa pa nitong utosan ang halimaw na taposin ang master nito, wala itong awa. Naiinis siya. Gusto niyang tapusin ang buhay nito.

"Talaga?" waring hindi ito naniniwala at pabalik-balik ang tingin nito sa kanya at kay Fue "Hindi bali na, mamamatay rin naman kayong dalawa." Tumigil ito sa paghimas "HARUM!"

RRRAAAA!!!!

Biglang naglaho ang halimaw nito sa kinatatayoan at sa gulat niya ay lumitaw sa kanyang harapan Ang bilis! Itinaas niya ang braso para sanggain ang ataki nito na sinalo ni Fue gamit ang isang kamay.

Chalin, kailangan ko ang utos mo Kausap ni Fue sa kanya sa isip.

Sandali siyang napatitig dito, may karapatan ba ako sa isang celestial monster?

"Chalin!" Hindi ito ang oras para mag-isip ka.

Napatda siya sa bulyaw ni Fue, tama ito."Talunin mo ang halimaw na yan." Ikinumpas niya ang mga kamay at may lumabas na simbolo nang araw sa kanyang noo ganoon din ka Fue muli siyang kumumpas at nag-iba ang kulay nang kanyang mata. "Fue!" Pasensya na pero hindi ka maaaring mag-anyong halimaw Fue.

Naiintindihan ko. Humaba ang mga kuko ni Fue saka niya ubod nang lakas na sinuntok si Harum sa ulo. Tumilapon ang halimaw palayo na agad namang napatayo. Muli sana itong susugod nang pigilan ito nang master nito.

"Teka, ang simbolo sa iyong noo, sabihin mo bata, sino ang iyong mga magulang?"

Bakit ang dami niyang tanong? "Hindi ako nagbibigay nang impormasyon sa hindi ko kilala."

Guarding the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon