***-***
Pasimpleng sunulyapan ni Keidz ang orasan nang Aphelon nang mapadaan.
Ano na ngayon? Tuluyan ka na ring gumalaw.
He caught sight of something oddly familiar that made him stop on his tracks. It was just for a second but he knows what he saw and made him feel anxious. Simbolo iyon nang mga Guardians, nandito lang sila.
Pagkalipas nang ilang minuto natagpoan niya ang sarili na nakatayo sa harap nang isang malaking pintoan. Ayaw niyang magpunta doon pero kailangan niyang magpakita.
"HINDI NIYO PA RIN NAHAHANAP?!?!"
Boses yoon nang kanyang lolo. Mukhang galit na naman ito, napangiti siya. Siguradong mada-dadagdagan ang galit nito pagnalaman ang nangyari sa Arena.
"P-asensya na po, may dumating po kasing isang lalaki at-" boses nang isa sa kanilang mga taohan
"TINALO KAYONG LAHAT?! SA DAMI NIYO?!"
Isang lalaki?
"Dalhin niyo sa akin ang batang yoon kung ayaw niyong kayo ang ipapakain ko kay Garuma!"
Sinong bata?
"Parang ayaw ko nang pumasok."
Hindi niya nilingon ang lalaking tahimik na tumabi sa kanya "Muntik mo na akong mapatay kanina"
"Sana nga tinuloyan na kita." walang buhay nitong tugon
Siya si Milika ang pinsan niya na kumuntrol sa golem. Mas matanda ito sa kanya nang tatlong taon at sa lahat na myembro nang kanilang angkan ito ang pinaka-ayaw niya. Walang pagkakataon na hindi sila nagbabangayan sa tuwing nagkikita.
Nginitian niya ito "Sana ginawa mo na dahil sa susunod uunahan na kita."
Sasagot sana ito nang bumukas ang pintoan at lumabas ang tatlong tauhan nila na namumutla. Yumukod ang mga ito nang makita sila bago tuluyang umalis.
"Pumasok kayong dalawa."
Agad silang yumukod sa matandang prenteng naka-upo pagkapasok. Mukha pa rin itong galit na ikinakaba niya.
Alam na kaya ni lolo?
"Lolo-" natahimik si Milika nang malakas na paluin nang matanda ang mesa.
"Inutos ko lang na patayin ang lalaking yoon sa kamay nang kanyang halimaw kaya bakit nagtagal pa kayo at gumawa nang kaguluhan?" mahinahon nitong tanong pero bakas ang galit sa bawat salita nito.
Hindi pinansin ni Keidz ang matalim na tingin ni Milika sa kanya. Alam na nga ni lolo. "Kasalanan ko po, hindi agad ako umalis."
Binalingan nito si Milika "Ikaw ang kumuntrol sa golem tama ba?"
"Opo."
"Ano ang ginagawa mo?"
"Patawad lolo nadala lang po ako nang aking emosyon!"
"Nadala?" hindi niya napigilang kumento "Inataki mo din ako."
"Hindi kita inataki, ikaw ang kumalaban sa akin para protektahan ang babaeng iyon!"
"Bakit kailangang mandamay ka pa!?"
Milika smirk at him "Ako ang nandamay?! Sino kaya ang nagpasabog sa arena?!"
"Manahimik kayong dalawa." nahilot nang matanda ang sariling noo "Sino ang babaeng iyan?"
"Kasama ko po siya sa Ilkanneal, ang pangalan niya ay Chalin Sara no Zello."
BINABASA MO ANG
Guarding the Beast
Fantasy(The 13 Guardians) Chalin Sara no Zello is just one of the ordinary beast tamer of Aphelon. Pero nagbago ang lahat nang yon nang hindi niya sinasadyang pakawalan ang isang halimaw. Ang halimaw na ayon sa propisiya ay siyang sisira nang kaharian. Ang...