KUMUHA ako ng isang baso ng whiskey sa tray ng mga waiter na nag di-distribute sa party saka lumagok ng isa.Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Saka huminga ng malalim. Good thing this anniversary of my parents is a success. Sa di kalayuan nakita ko ang mga magulang kong masayang nakikipag kuwentuhan sa mga kaibigan ng pamilya namin.
"Van!" Kumaway ako ng makita ko ang kakambal kong humahangos pa sa pag takbo.
"Late ka." iniabot ko sa kanya yung ininuman kong baso saka naman tinungga ni Vince ang laman non.
"Buti kamo nahabol ko pa." tapos ay tila nabunutan ito ng tinik ng huminga ng malalim. "Nag speech na sila?" Umiling lang ako.
Every year kasi ay idinaraos ng mga parents namin ang araw kung kailan natali si Daddy kay Mommy by marriage. Tapos mag i-speech pa si daddy at mag ku-kuwento ng kung ano-ano tungkol sa mga napag daanang pagsubok nilang dalawa.
"Eherm! Ladies and Gents and not so young just like me." Panimula ni daddy at nag tawanan agad kami.
Jairus Vaughn Saavedra was the renouned Patriarch of NeuroSurgery here in the Philippines. His hands can do magic. He holds and owns now half of the Veraz Medical Hospital at nag patayo pa sila ng iba pa nitong mga branches clinics and pharmaceuticals na siyang pinapangasiwaan ng iba pa niyang mga kaibigan. Unluckily, wala sa aming tatlong magkakapatid ang nakamana ng talent niya.
"Salamat sa pag dalo niyo dito sa pinaka importanteng araw samin ni Freya. Taon-taon na namin itong nakaugalian pero heto parin kayo. Kasama namin." Dinig ko na panimula nito ng bumulong sa akin si Vince.
"Drama talaga ni daddy." natatawang sabi ni Vince kaya siniko ko siya at muling tumitig sa ama namin.
Walang duda kung titignan ang pagmamahal ni daddy sa mommy namin. Sila ang batayan namin ni Vince ng isang mabuting ama, mabuting asawa at mabuting tao. We always look up to him and the love he has for our mom and us so much.
"I want to acknowledge the presence of my kids." Halos mabulunan si Vince ng makita naming nakatingin si dad sa gawi namin, "Vander, Vince. Mabuti naman at naka alala pa kayo." Pinanlakihan ko si daddy ng mata. Really? Pagagalitan niya talaga kami sa harap ng maraming tao? Tinapik ko si Vince saka tinignan. Tumayo naman ito tapos sabay na kaming naglakad papuntang stage. Nakita ko din na paakyat na si Summer kasama ang asawa nitong si Jako at anak na si Dylan.
"Happy anniversary dad, mom." Niyakap ko sila ng mahigpit. I kiss my sister, Summer. Saka naman tinanguan si Jako.
"Friends! On behalf of my still growing family. A simple thank you will not be enough for being here with us." Pag papatuloy ni daddy sa pag sasalita sa mic. Nakapagitna ako sa kanila ni mommy. Bilang panganay na lalaki ganito palagi ang puwesto namin tapos si Vince naman nasa pagitan ni mommy at Sam. Ipinag mamalaki ko na isa akong Saavedra. Hindi dahil sa popular na apelyido namin kundi dahil sa kung paano kami pinalaki ng mga magulang namin.
"Matanda na tayo, Freya. Kita mo ang ebidensya." he is looking now at Sam's little man up here. The oldest grandson of Saavedra and dela Vega is five years old now. "Kailan naman kaya tayo mag kakaroon ng isa pa? Ano sa tingin mo Vander?"
"D-Dad..." napakuhit ako sa kilay ko. I'm so fucked up! Lahat sila nakatingin sa akin.
"Well, you're not getting younger anymore. Kasal na ang ate mo. Kailan naman ang sa'yo?" Napapikit na lang ako ng ibulalas ni daddy iyon sa buong madla. "Di naman sikreto sa ating lahat dito kung ano ang piniling landas ng mga anak kong lalaki at proud ako sa kanila. Pero minsan, Vander, Vince, kailangan niyo ding itigil ang pag papakaba sa amin ng mommy mo. You need someone who will stop you from doing suicide acts."
Napahilamos ako sa mukha ko kung paanong nasa akin na ngayon ang atensyon ng lahat. Noong nakaraang buwan lang ng nasangkot ako sa isang bomb explosion sa bilibid. Isang inmate ang namatay at sampu naman ang sugatan.
"I'm trying dad, but it's my job." pag tatanggol ko sa sarili ko. Muntik ng atakihin si mommy at halos isumpa na ako ni daddy sa nangyari.
Marriage is so sacred for me. Hindi iyon basta-basta na lang hinahanap at makukuha mo. I've been into so many relationships pero ni isa wala akong maramdamang for keeps katulad ni mommy.
"I hate it if you are right. Minsan mahirap pa lang mag pamana ng katalinuhan, anak." Nangiwi ako sa pahaging niyang sagot sa akin.
"Ahm...Dad, do you really need to tell that to—"
"Aldous!"
Nawala ang sasabihin ko ng may umagaw sa bibig ko. I heard gasps, shout, and even scream. I felt smooth lips covering mine. It tastes sweet like honey with a hint of vanilla, napapikit ako saka hindi napigilan ang sariling pangunahan ang halik.
No one have ever kissed him the way this lip is kissing him now—with so much passion and desire that he aches for more, halos makalimutan ko na kung nasaan ako ngayon at bakit may humahalik sa akin.
I broke the kiss and when I pulled back, she is panting for her own breath, kagaya ko. Nangunot ang noo ko saka napatingin sa namumula pang labi nito. Damn, he's itching to touch her lips and eat it again.
"What the hell are you up to, woman?" mahina kong singhal sa kanya. Nakita ko siyang natigilan sa tanong ko and then look at my mother.
"I'm saving your life," What? Magtatanong pa sana ako ng biglang ikinawit nito ang mga braso sa leeg ko at matunog na hinalikan muli ang labi ko. Naguguluhan ako sa sinabi nito sa akin pero ng humarap ito sa audience mas lalo akong natulala lalo ng sinabi niyang–
"I'm Aldous Vander Saavedra's fianceé. And we're getting married."
📖📖📖📖
Ms.Therapeutic*A/N
Nag babalik po ang Saavedra Twins. Sila na ang isusunod ko. Tungkol naman kay Noah, oo tatapusin ko po siya pero konting pasensya lang po ha. Basta tatapusin ko. Promise 🙂✋🏻
The second installment of Saavedra Twins. Si Aldous Vander Saavedra played by Christian Cook.
BINABASA MO ANG
Sweet Surrender
Misterio / SuspensoSG: 5th Getting married may be more difficult than completing his mission. Ms.Therapeutic ©