It hurts when something good ends, but it hurts even more if you cling to it, knowing that it's not there.
📖📖📖Hailey
SA UNANG pagkakataon sa loob ng limang taon malaya akong nakadalaw kay Papa. Wala ng i-escort na mga pulis o kahit na mga ibang preso na kung tumingin akala mo hindi ka na sisikatan ng araw.
Sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon, tahimik ang paligid. Medyo madilim nga lang dahil sa ilaw ng mga kandila ng simbahan pero nevertheless—ito ang kailangan ng pamilya namin.
Habang papalapit ako sa altar unti-unti kong nararamdaman ang panlalambot ng mga tuhod ko pero pinilit kong pinatatag ang sarili ko hanggang sa makalapit ako ng husto sa kabaong. The casket lid was open pero hindi ko siya magawang matanaw dahil sa mga bulaklak na nakatabing sa kanya kaya inayos ko ang mga iyon saka inihilera sa gilid. Huminga ako ng malalim para hindi ako manlambot ulit. Ayaw niya ng nakikita akong ganito, magagalit siya tapos pagagalitan nito sila Kuya Harold at Kuya Harvey, paaminin nito sila kung sino ang nag paiyak sa akin.
"Pa-Papa..." tuluyan ng humulagpos ang bigat sa dibdib ko at hindi ko na napigilan pang mapaluha. Seeing him resting peacefully makes my heart ache and felt relieved.
Hindi mo na kailangan pang mag dusa pa sa kasalanang wala kang ginawa...
Pakiramdam ko nauubos ang lakas ng mga tuhod ko pero isang matigas na braso ang nag panatili sa akin sa pag kakatayo. Nakahinga ako ng maayos dahil at least, isa sa mga kuya ko ang nagpakita ngayon dahil sa tingin ko ako pa lang ang bumibisita kay Papa.
With a smile on her lips, she turned her head, but her smile froze when her gaze collided with Aldous Vander Saavedra's. His dark gold eyes piercing with anger – habang pinag papalit nito ang tingin sa kabaong at sa akin. Bakit pakiramdam ko ay galit ito sa akin? Dapat nga ako ang magalit sa kanya dahil wala siyang karapatang tumuntong sa lugar na ito tapos naka-tuxedo pa siya. He looks so damn good in his black tux with the pleated white shirt. The black bow tie had already been undone and the once-white silk shirt was a little smudged and rumpled. But still.
"You're the woman who claimed me as my fianceé at my parent's party, right?" Naumid ang dila ko at nakatunghay lamang sa kanya. Sa ilang segundo ay namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko inaasahan na dito pa kaming dalawa magkikita. He didn't know...
"I'm asking you." Malaming na tanong nito na nakapag pabalik sa diwa ko. Napakurap ako ng ilang beses, waring sinisigurado ng saliri kong mga mata na siya nga itong kaharap ko ngayon.
"Anong ginagawa mo rito?" Mababa at pakiwari ko'y walang emosyon ng lumabas ang mga salita mula sa bibig ko, enough for me to have chills because of my own voice. Pinunasan ko at tinuyo ang mukha ko.
Siya ang pinaka huling tao na hihingahan nito ng sama ng loob at pag sasabihang mga hinanakit nito sa dibdib kaya wala siyang karapatang yakapin ako. I hated him. I will keep on reminding myself of that.
"I think you know," he replied, his deep voice vibrating with anger. Lumingon ako sa kabaong saka siya mapait na nginitian. "You called him, Papa?" Kita ko ang kalituhan sa nga mata nito.
"I have no idea unless you want to make sure that he's really dead..." nanginginig ang kamay kong itinuro ang kinalalagyan ngayon ng Papa ko ng hindi sinasadyang matabig ng kamay ko ang isang flower vase kaya nahulog ito, nabasag at kumalat ang mga fresh na mga bulaklak sa sahig. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi dahil nakakuha ako agad ng atensyon pero wala man lang karea-reaksyon si Aldous sa nangyari. Nakita ko lang na nakatitig siyang mabuti sa casket.

BINABASA MO ANG
Sweet Surrender
Mystery / ThrillerSG: 5th Getting married may be more difficult than completing his mission. Ms.Therapeutic ©